Thea Elise "Welcome Thea! Nicky! Nako, pasensiya na sa bahay namin maliit lang ha?" Masayang bati samin ni Tita Precy pagkababa pa lang namin ni Nicky sa multicab ng barangay. "Nonsense auntie! Mas malaki pa nga 'tong bahay niyo sa apartment namin." Nakangiting sabi ni Nicky sabay halik sa pisngi ni tita, na kinagulat nito. "Oo nga po tita, salamat po pala sa pagpapa escort sa mga tanod, nakakahiya para tuloy kaming VIP." Natatawa kong sabi sabay beso na din. "Mga ganda!!" Rinig kong sigaw ni Voltaire habang hingal pang lumapit samin. Diretsong nakangiti ang tingin niya kay Nicky habang nagpupunas ng pawis sabay hawi ng side bangs. Lakas talaga nito maka Saosin, naka eyeliner pa. "Goodevening miss byutipul, can I carry your tupperware?" Pinunas pa nito ang kamay sa pantalon habang ka

