Thea Elise "What???" Irita kong sagot dahil kanina pa ring ng ring yung cellphone ko. Gusto ko pang matulog ng matiwasay dahil mamayang gabi may presscon ang ilang piling foundation na aatend sa Charity Ball, at dahil bukas na yung event hanggat maari gusto ko muna pagpahingahin ang nerves ko. Mamaya kasi sigurado akong magiging laman kami ng balita, lalo na pag nalaman nilang Wyatt ang isa sa may ari ng foundation. Eversince kasi si Ollie na ang ginawa naming front para sa company given our predicaments. "Nakahiga pa din kayo hanggang ngayon? Bloody hell! Kanina pa ako tumatawag sainyo ni ate Nicky!" Napangiti ako sa tindi ng grace under pressure ni Cara, kahit pa siguro grabeng badtrip niya hindi pa din niya matanggal ang po, opo or pag ate kuya samin nina Ollie. "Slowdown Caroline,

