Kabanata 45 We need to talk A P P L E "Tignan mo si Michelle, humaharot nanaman," ani Mira sabay turo sa direksiyon ni Michelle na ngayon ay pinipilit hilahin si Nicholas patungo sa cafeteria upang magsabay silang kumain. Lunch break namin kaya papunta din kami ngayon sa cafeteria. Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang dalawa. Pumasok kaming dalawa ni Mira sa loob at naupo sa madalas na pwesto namin. May baon kaming pagkain kaya hindi na namin kailangang bumili pa. Sinimulan na naming buksan ang mga tupperware na dala namin nang biglang dumaan sa harapan namin sina Michelle at Nicholas. Halatang napipilitan lamang si Nicholas habang nakasunod siya sa humihila sa kanyang babae. Agad na pumangit ang mood ko pagkakitang talagang sumama siya sa babaeng iyon. Hindi ba siya marunon

