Kabanata 32. Breakfast A P P L E Maaga akong nagising nang sumunod na araw. Ako ang naka tokang mag grocery. Nag handa muna ako ng almusal para sa mag asawang maagang pumapasok sa trabaho. Hangang hanga talaga ako sa sipag nila Mr. & Mrs. Vargas. Maaga talaga silang gumigising dahil ayaw nilang nalilate sa kanilang mga trabaho. Hindi daw kasi magandang impluwensiya sa mga employees nila kung palagi silang late pumasok. Naaalala ko tuloy sa kanila si Nicholas. Ganito din ang pananaw niya nuon. Ewan ko lang kung nag bago na ba iyon ngayon. Simula kasi nang magkita kami ulit kapansin pansin ang laki ng pinag bago niya. Nuon kasi parang ang amo amo ng mukha niya pero ngayon kung tumingin siya para siyang isang mabangis na hayop. Ibang iba na talaga siya. Saka iyong kilala kong Nicholas nuo

