Kabanata 33 Playboy A P P L E "You should try this," ani Nicholas sabay lahad ng isang platong may naka lagay na karne. Steak. Alam ko kung ano iyon at kung ano ang lasa nuon dahil makailang beses na din naman akong naka tikim nuon kapag may lakad kami ni Darwin. Isinasama niya ako palagi sa mga restaurant na nag hahain ng putahing iyon dahil ito rin ang paborito ni Darwin. Siyempre hindi alam ni Nicholas iyon. Iniisip niya pa din siguro ako pa din iyong Apple na nakilala niya nuon na walang alam sa mga pagkaing tulad nito. Tinitigan ko lamang sandali ang steak na nasa harapan ko bago nag desisyong kumuha ng kaonti nito. Nang bumaling ako sa kanya ay nakatingin lamang siya sa akin ng may malungkot na hilatsa ng mukha pero saglit lang iyon dahil agad din siyang ngumisi. "Hmm sa itsura

