Kabanata 8
Unwanted kiss
A P P L E
Hindi mabura bura ang ngiti sa mga labi ko habang papauwi. Hindi ako makapaniwalang nag abalang mag luto si Nicholas para sa kaarawan ko at hindi din ako makapaniwalang niregalohan niya ako ng mamahaling bracelet. Iingatan ko talaga ito ng husto. Kung pwede lang, hindi ko na lang ito susuotin at itatabi ko na lang nang sa ganun ay hindi ito mawala o ano man. Gustong gusto ko talagang ingatan itong kaisa isang bagay na bigay sa akin ni Nicholas. Alam ko namang walang meaning sa kanya ang pag bibigay niya ng bracelet na ito pero para sa akin may kahulugan iyon kaya gusto ko itong pang-ingatan.
Nahinto ako sa pag lalakad nang mamataan ko si Jasper na mukhang kanina pa nag aantay sa akin sa labas ng bahay namin. Agad akong lumapit sa kanya nang nakangiti pa din.
"Happy birthday!" Nakangiting bati niya sabay lahad ng kanyang daladalang regalo.
"Akala ko hindi na ako makakaabot. Sa bayan ko pa kasi binili iyang regalo ko sayo." Sabi niya.
"Ikaw naman kasi. Sinabi ko nang okay lang kahit wala. Nag abala ka pa. Tapos ginalaw mo pa yata ang ipon mo."
"Okay lang yun. Sige na buksan mo na. Gusto kong makitang suot mo 'yan." Aniya kaya naman hindi na din ako nag aksaya ng oras at binuksan na ang regalong bigay niya sa akin.
Nagulat ako nang makitang bracelet din iyon. Hindi nga lang kagaya ng bigay ni Nicholas na mukhang mamahalin pero maganda din naman itong bigay ni Jasper. Agad na kinuha ni Jasper mula sa akin ang bracelet at isinuot iyon sa akin. Natuwa naman ako dahil kasyang kasya iyon sa akin.
"Ang ganda. Salamat Jasper." Sabi ko sa kanya.
Siguro itong bigay na lang muna ni Jasper ang isusuot ko. Hindi naman sa hindi ko gustong suotin ang bigay ni Nicholas. Natatakot lang kasi akong maiwala ko ang ibinigay niya. Mukhang mamahalin pa naman iyon. Nakakahiya naman kung mawawala ko na lang iyon ng basta basta. Saka ko na siguro isusuot iyon kapag ay mga mahahalagang okasiyon para hindi masira. Saka okay din naman itong bigay ni Jasper. Maganda ito at bagay sa akin kaya ito na lang talaga muna ang gagamitin ko.
"Bagay sayo." Aniya nang nakangiti pa din.
"Talaga?"
"Suotin mo yan sa school ah?"
"Oo naman. Salamat ulit ah."
Pinapasok ko muna si Jasper sa loob ng bahay para naman makapag kwentuhan pa kaming dalawa.
"Kamusta naman ang salo salong inihanda ni manang para sa birthday mo? Mabuti pumayag iyong senyorito na duon mo icelebrate ang birthday mo."
"Naku kung alam mo lang Jasper kung gaano kabait si senyorito Nicholas. Alam mo ba siya pa mismo ang nag luto ng handa ko ngayong araw at hindi lang isang putahi ang niluto niya. Marami! Sayang nga at hindi ako nakapag uwi para sayo. Pasensiya na ah. Nakakahiya na kasing mag sabi." Kwento ko. Kumunot ang nuo ni Jasper sa kinuwento ko na para bang may bigla siyang naisip.
"Bakit naman niya gagawin iyon?" Tanong niya pa.
"Kasi nga mabait siya sa mga mahihirap na tulad natin. Tapos eto pa nga oh! Niregalohan niya din ako ng mamahaling bracelet." Sabi ko sabay pakita ng regalo ni Nicholas.
Lalong lumalim ang kunot sa nuo ni Jasper nang makita ang bracelet na bigay sa akin ni Nicholas. Ngumiti ako.
"Ang bait niya ano?"
"May gusto ba sayo ang senyorito Nicholas na iyon?" Seryosong tanong ni Jasper kaya naman agad akong natigilan duon. Bakit naman niya naisip na itanong 'yan?
Iniisip niya bang may gusto sa akin si Nicholas kaya ako niregaluhan nito at kaya ako pinag handa? Kung sa bagay kahit sino naman iyan ang iisipin pero imposibleng mangyari yun. Hindi naman parang nobela lang sa libro ang buhay ko ano para magka gusto sa isang katulad ko ang lalaking sobrang layo ng agwat ng buhay sa akin. Imposible iyon.
"Jasper ano ka ba! Walang gusto sa akin si senyorito! Talagang mabait lang siya sa mga kagaya natin. Iyon lang 'yun at wala ng iba pa. Wag ka ngang marumi mag isip dyan."
"Apple, hindi ako marumi mag isip. Gusto ko lang malaman. Kilala ko ang mga lalaking tulad niyan. 'Yung mga mayayaman na lalaking gaya nyan sa una lang yan ganyan. Bibigyan ka ng mamahalin regalo para makuha ang loob mo at pagkatapos pag lalaruan ka lang din naman sa bandang huli."
Bigla akong nakaramdam ng inis kay Jasper dahil sa sinabi niya tungkol kay Nicholas. Ang buti buti ng tao pagka tapos pag iisipan lang siya ng masama ng iba? Ngayon ko napatunayan na kahit sobrang bait mong tao, may mga iilang ang sasama pa din ng tingin sa'yo. Na kahit anong gawing tulong mo, bibigyan iyon ng maling interpretasiyon ng iba.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Jasper. Mabuting tao si Nicholas, hindi siya katulad ng mga lalaking sinasabi mo. Wag mo siyang pag isipan ng masama. Hindi yan maganda." May halong galit sa boses na sabi ko kay Jasper.
Nagulat ng bahagya si Jasper sa medyo malakas at madiin kong pag sasalita kaya naman agad din siyang humingi ng dispensa sa mga nasabi niya kay Nicholas at nag pasyang umuwi na lang. Inihatid ko siya sa labas ng bahay namin para mag paalam at mag pasalamat na din sa regalong ibinigay niya.
Isang hapon, masaya akong nag tungo sa mansiyon sa kadahilanang sa wakas ay may assignment din ibinigay sa amin ang teacher namin. Nag pumilit pa si Jasper na ihatid ako hanggang sa mansiyon kaya hindi naman na ako tumanggi. Baka mamaya mag duda pa siya kung tatanggi ako. Baka talagang isipin niya may tinatago ako kaya ayokong magpa hatid. Kahit ang totoo ay wala naman talaga akong itinatago. Nang marating ang harapan ng mansiyon ay hinarap ko na si Jasper para sana mag paalam ngunit nagulat ako nang bigla na lang niya akong salubungin ng halik sa pisnge. Sa sobrang pagka gulat sa ginawa niya ay bahagyang umawang ang aking bibig. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko bago na nag pasiyang tumulak paalis. Habang ako naman ay nanatili sa pwesto ko nang may gulat pa ding reaksiyon. Nang bumaling ako sa ibang direksiyon ay nakita ko ang mariing titig ni Nicholas sa akin mula sa may bulwagan ng mansiyon. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang pumasok sa loob ng mansiyon. Hindi ko maproseso sa isip ko ang lahat ng nangyari. Hinalikan ako sa pisnge ni Jasper? Isang bagay na hindi naman niya madalas ginagawa? O baka ginawa niya lang kasi alam niyang naka tingin si Nicholas. Iniisip niya sigurong may gusto nga ito sa akin. Pero teka! Nakita ni Nicholas na hinalikan ako ni Jasper at hindi ako tumanggi? Hala! Baka isipin niya hindi ako totoo sa mga pangako ko sa kanya na mag sisikap ako mag aral muna. Baka isipin niya hindi sincere yung sinabi kong siya ang crush ko. Hala ano ba ito!
Mabilis kong tinungo ang bulwagan ng mansiyon para makapasok sa loob. Ngunit walang Nicholas akong natagpuan sa sala o maging sa kusina man. Kaya naman nag punta ako sa hardin sa pag-asang maabutan ko siyang nakaupo sa duyan duon pero wala talaga eh. Siguro nanduon siya sa loob ng kwarto niya kung saan hindi ko siya pwedeng puntahan. Nang hihinang naupo ako sa duyan at nilibang na lang ang sarili sa pag papaduyan duyan.
Galit kaya siya sa akin? Bakit hindi man lang niya ako hinarap kahit na nakita naman na niya ako at dumiretsyo na siya agad sa kwarto niya? Siguro tingin niya sa akin isang sinungaling dahil sa nakita niya. Kasalanan ko naman talaga kasi hindi ko pinigilan si Jasper pero hindi ko naman talaga inasahan iyon kaya hindi ko na siya nagawa pang pigilan. Hindi ko naman ginusto ang halik na yun eh. Sana hinayaan niya muna akong mag paliwanag bago siya pumasok sa kwarto niya.
Kung kailan naman may assignment na kami saka naman nangyari itong ganito. Nakakainis kung iisipin parang gusto kong magalit kay Jasper sa ginawa niya pero alam ko din namang pinoprotektahan niya lang ako dahil iniisip niyang masama ang hangarin ni Nicholas. Ngayon masama na din ang tingin sa akin ni Nicholas dahil iniisip niyang hindi ako totoo sa mga sinabi ko sa kanya. At baka isipin niya din na masyadong mababa ang nararamdaman ko para sa kanya na ilang araw lang ang lumipas matapos kong amining gusto ko siya ay may boyfriend na ako agad.
Nakakainis! Parang gusto kong maiyak sa inis dahil sa nangyari kahit na alam kong wala namang magagawa kung iiyak man ako ngayon. Ilang oras akong nag antay sa swing na muling bumaba si Nicholas para harapin ako pero nag dilim na at lahat pero hindi pa din siya bumababa kaya nag pasya na akonv umuwi na lamang. Isa lang ang ibig sabihin kung bakit hindi siya bumaba buong mag hapon, ayaw niya akong makausap o baka kahit makita man lang. Siguro nasusuka na siya sa mukha na para sa kanya ay sinungaling. Para akong maiiyak pag naiisip kong ganun ang tingin sa akin ni Nicholas. Hindi ko kayang ganun! Hindi ko yang magalit siya sa akin at isipin niyang masamang tao ako. Ayoko ng ganito. Sana panaginip na lang itong lahat ng nangyari ngayong araw. Sana hindi na lang ito totoo.
Hindi ko na namalayan pa ang mga luhang nag sipag landasan sa mga mata ko nang sandaling iyon. Marahas kong pinunasan ang mga ito. Naiinis ako sa sarili ko kasi umiiyak na ako agad dahil lang hindi kami nakapag usap ngayong araw. Napaka babaw ko naman para umiyak sa ganuong dahilan. Siguro nadismaya lang talaga ako dahil ang buong akala ko ay matuturuan na niya ako ngayon sa assignments ko pero hindi pa rin pala kasi galit siya sa akin. Kasi sa tingin niya nag sinungaling ako. Gusto kong bumalik sa mansiyon para makausap siya at mag paliwanag pero gagawin ko lang katawa tawa ang sarili ko kapag ginawa ko 'yun. Bakit naman ako mag papaliwanag sa kanya? Hindi naman kami at wala naman siyang pake sa halik na yun. Nainis lang siya sa akin dahil akala niya nag sinungaling ako. Ayun lang yun kaya bakit pa ako mag papaliwanag di ba? Mag mumukha lang akong tanga duon kaya mas mabuting wag na lang.
Kinabukasan ay sinadya kong wag sumabay kay Jasper sa pag uwi. Gusto kong iparating sa kanya na hindi ako natuwa sa ginawa niya kahapon. Alam kong ginawa niya iyon with purpose. Gusto niyang iparating kay Nicholas na may relasiyon kami kahit na ang totoo ay wala naman talaga. Iniisip niya pa rin kasing may gusto sa akin si Nicholas at hindi malinis ang hangarin nito sa akin. Gusto niya lang ako protektahan alam ko naman iyon pero kahit na. Hindi pa din maganda ang ginawa niyang iyon. Kapag nalaman ni tatay ang ginawa niya ay paniguradong magagalit ito sa kanya. Ilang beses pa man din ako binilinan ni tatay na wag mag papahalik sa kahit na kanino kung wala pa ako sa wastong edad. Kaya pag nalaman niyang ninakawan ako ni Jasper ng halik ay tiyak na susugod ito agad sa bahay nila Jasper. Wala naman akong balak paabutin pa ito kay tatay dahil alam ko naman na ang mangyayari kapag sinabi ko ito kay tatay. Ayoko ng gulo lalo pa at mabait naman ang pamilya ni Jasper sa amin at pinagkakatiwalaan ni tatay si Jasper dahil nga simula bata ay magkaibigan na kami nito.
Malapit na ako sa bahay nang biglang hablutin ni Jasper ang palapulsuhan ko upang pahintuin ako sa pag lalakad. Hinihingal ako nitong hinarap.
"Bakit di mo ko inantay at nauna ka nang umuwi?" Tanong nito na halatang hinihingal pa din.
"Ayoko sa ginawa mo kahapon Jasper. Hindi ako sumabay sayo dahil ayoko na munang makita ka matapos nang ginawa mo. Sana maintindihan mo. Mauna na ako." Sabi ko at mag sisimula na sana uling mag lakad nang mag salita siya ulit.
"Pasensiya na, hindi ko na uulitin iyon. Pangako Apple, wag mo lang akong ganituhin. Hindi ko yata kakayanin kung ilang araw mo akong hindi papansinin dahil lang sa ginawa ko. Kaya sige na naman Apple oh. Patawarin mo na ako. Hindi na talaga mauulit pa iyon." Aniya na mukhang sinsero naman.
"Sige patatawarin na kita pero mas mabuti siguro kung wag na tayong mag sabay sa pag uwi. Ayoko nang magkaruon ng balita tungkol sa ating dalawa. Pagod na ako sa kakapaliwanag sa mga taong nakakakita sa atin na magkaibigan lang tayo. Mas mabuti siguro kung hindi na lang tayo mag sasabay nang sa ganun ay mabawasan na ang mga usap usapan tungkol sa atin. Sana maintindihan mo Jasper."
"Bakit mo sinasabi 'yan Apple? Hindi ba wala lang naman sayo nuon kung pag usapan tayo? Bakit ngayon parang ayaw mo nang may kumalat na balita tungkol sa ating dalawa na para bang may pinoprotektahan kang damdamin. Sino Apple? Kaninong damdamin ba ang pinoprotektahan mo ha?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Jasper. Wag mong masamain ang mga sinabi ko. Para din naman ito sayo. Hindi gugustuhin ng babaeng liligawan mo kung may kung ano anong balitang kumakalat tungkol sa ating dalawa sa school. Pwede naman tayong maging magkaibigan pa din pero wag na lang sana tayong mag sabay palagi sa pag uwi. Iyon lang naman ang hinihiling ko sayo. Sana mapag bigyan mo ako. Mauuna na ako." Pinal na sabi ko at tuluyan nang nag lakad palayo at iniwan na siya ruon.
Hindi na muna ako pumunta sa mansiyon sa araw na iyon at sa mga sumunod pang araw dahil wala din naman akong sasadyain duon. Alam kong hindi na ako gustong makausap pa ni Nicholas pagkatapos nang nakita niya. Iniisip niya na talaga siguro na sinungaling ako at hindi totoo sa aking mga sinasabi.
Nang sumapit ang linggo ay nagkaruon ako ng lakas ng loob na pumuntang muli sa mansiyon. Naalala ko kasi ang sinabi niya na mag punta raw ako tuwing linggo duon dahil ipag luluto niya ako ng mga pagkaing hindi ko pa natitikman. Ngunit nang mag tungo ako ruon ay ibang Nicholas ang naabutan ko. Hindi na siya iyong Nicholas na agad mamansin kapag nakita ako. Ngayon kasi hindi na niya ako kinikibo kahit na nakita na niya akong dumating. Nilampasan lamang niya ako at nag tungo na sa kanyang opisina. Hinintay ko siyang makalabas sa opisina niya dahil umaasa akong tutuparin niya ang pangako niya na ipagluluto niya ako pero mag hahapon na at lahat ay hindi pa din siya lumalabas. Ilang beses na nga akong inalok ni manang na kumain na pero tinatanggihan ko lang iyon dahil iniisip ko ipag luluto pa din ako ni Nicholas pero kung sa bagay... Bakit naman ako umaasang tutupad siya sa mga sinabi niya samantalang ako nga itong sa tingin niya ay unang hindi tumupad sa napag usapan. Pero totoo naman talaga ang mga sinabi ko na mag aaral muna akong mabuti bago ko isipin ang mga bagay na may kinalaman sa pag ibig.
Sa huli ay nabigo nanaman akong makausap siya sa araw na iyon. Gusto ko uling maiyak habang tinatahak ko ang daanan pauwi sa bahay. Hindi na talaga niya ako pinapansin. Umiiwas na siya sa akin ng tuluyan. Siguro ito na iyong sign na kailangan ko na talaga siyang kalimutan dahil hindi naman talaga siya para sa akin at hindi kailanman magiging para sa akin.
Pagod akong ngumiti kay tatay pagka-uwi ko. Tinanong niya muna ako saglit tungkol sa naging araw ko at sa huli ay napag pasiyahan na naming parehong mag pahinga.
Mabigat ang dibdib kong nahiga na lang sa aking papag at binalot ang sarili ng kumot. I took a deep breath before I close my eyes to sleep.