Kabanata 9
Not a maid
A P P L E
Ilang araw ulit ang pinalipas ko bago ako muling nag tungo sa mansiyon. Gusto ko lang sanang bisitahin si manang at matulungan na din dahil ang sabi ni tatay may mga bisita daw si Nicholas ngayon sa mansiyon. Sino kaya iyong mga bisita niya? Hindi kaya kasama duon iyong babaeng bumisita din sa kanya nuong nakaraan? Ano naman kung kasama ang babaeng iyon sa mga bisita ni Nicholas huh, Apple? Ano naman pake mo duon?
Tandaan mo Apple, hindi ka pupunta ruon para sa lalaking iyon. Naruon ka dahil gusto mong makatulong kay manang. Iyon lamang yun at wala ng iba pang dahilan!
Nag tungo na ako sa mga Montemayor at tama nga ang sabi ni tatay may mga bisita nga si Nicholas. Mukhang mayayaman din tulad niya at halatang taga maynila base sa kanilang mga suot. Sandali akong natigilan sa pag pasok sa loob ng mansiyon dahil nasa may b****a lang sila at nag tatawanan. May naka latag na malawak na picnic carpet sa damuhan habang duon nauupo ang mga babae at ang mga kalalakihan naman ay nakatayo lang habang nakikipag kwentuhan sa babae. Nakita ko pa ang isa sa mga babae na hinila iyong singkit na lalaki paupo sa kanyang tabi sabay yakap nito sa braso ng lalaki na sa tingin ko ay nobyo niya.
Ang ingay nila habang nag kukwentuhan at wala rin duon si Nicholas na sa palagay ko ay pinag hahanda sila ng makakain. Nag patuloy ako sa pag lalakad habang naka yuko nang biglang may tumawag sa akin. Nang lingonin ko ay iyong singkit na lalaki na hinila kanina ng babae.
"Miss!" Nahihiyang lumapit ako sa pwesto nila upang alamin kung ano ang kailangan nila sa akin.
"Pwede bang pakikuha mo pa kami nitong iniinom namin?" Sabi nito sabay lahad sa bote ng alak na kanina pa yata nila iniinom dahil sa dami ng boteng nagkalat sa sahig.
"Saka pakisabi na din sa 'senyorito' mo na pakibilisan naman nila ni Adeline. Kanina pa kami nag aantay dito." Sabi pa nito.
Tumango tango na lamang ako upang sundin ang utos niya nang biglang magsalita ang isa sa mga lalaking naruon.
"Hanep pala ang mga katulong dito. Ang ganda at mukhang sariwa pa." Anang isang lalaki pero agad siyang binatukan nung pinaka matangkad sa kanilang lahat. Siguro kasing tangkad niya lang si Nicholas. Nagulat ako ruon. Ang lakas nang pagkaka batok niya sa lalaki.
"Fvck you Anthony! Shut up!" Anang lalaking nang batok.
"What the hell Calyx?" Iritang sabi nuong Anthony.
"Can't you fvcking see? She's just a kid." Ani Calyx na sanhi naman ng pag tungo ko.
"Really? How do you know? Hindi naman halata." Anang kulot na lalaki.
"Ilang taon ka na ba miss?" Tanong naman nuong singkit.
Para akong sinisilaban sa sobrang init ng mukha ko. Nahihiya ako sa kanila sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil hindi lang ako komportableng maki halubilo sa mga taga maynila at lalo pa sa mga mayayamang tulad nila.
"Wag niyong sabihing papatulan niyo yang katulong na yan. Nakakadiri naman kayo!" Anang girlfriend nuong singkit na nag tanong. Lalong nag init ang mukha ko sa sobrang hiya dahil sa sinabing iyon ng babae.
"Tignan niyo naman ang itsura ng isang iyan. And look at her dress? So cheap. Saang basurahan mo ba nakuha yang damit mo ha miss?" Humalakhak ang babae. Hindi ko na magawa pang tumingin sa kanila sa labis labis na kahihiyan.
"Stop it, Gracia!" Mariing sinabi nuong Calyx.
Bago pa man makapag salita ulit iyong babae ay dumating na si Nicholas na may kasamang babaeng naka hawak sa kanyang braso. Tulad nuong Issa, maganda din ang babaeng kasama niya ngayon. Mukhang mas matino nga lang itong manamit kaysa duon sa babaeng nauna. Seryosong tumingin sa akin si Nicholas bago bumaling sa mga kaibigan.
"Oh mabuti naman at nandito na si senyorito!" Anang isa sa mga kaibigan niya na may himig na nanunukso.
"Anong nangyayari dito?" Seryosong tanong ni Nicholas.
"Itong si Gracia, binubully ang maid niyo." Sumbong nuong kulot.
"She's not our maid." Matigas ang pagkakasabi ni Nicholas ruon. Agad namang napa awang ang bibig ng mga kaibigan niya maliban duon sa Calyx.
"See? Hindi naman pala katulong Gracia eh! Edi pwede nang..." Hindi natuloy nuong Anthony ang sinasabi nang biglang mag salita si Nicholas.
"Pwede nang ano Anthony?" Halatang may galit sa boses ni Nicholas nang sabihin niya iyon sa kaibigan. Hindi ko alam kung mananatili pa ba ako ruon o aalis na lang ng biglaan?
Parang gusto ko na lang yung pangalawang option dahil hindi ko rin yata kayang makita si Nicholas na may kasamang ibang babae habang ako naman ay binabalewala niya lang na para bang isang hangin lang para sa kanya. Hindi yata magandang nag punta pa ako rito. Sana nanatili na lang ako sa bahay hindi na sana umabot pa sa ganito. Tatalikod na sana ko paalis nang mag salita si Nicholas.
"Pumasok ka na sa loob." Anito at kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay alam kong para sa akin iyong sinabi niya na 'yun.
Mabilis akong kumilos at nag madaling tumakbo papasok ng mansiyon. Hinihingal pa ako nang marating ko ang kusina kaya agad akong napa hawak sa aking dibdib at dinama ang mabilis na t***k ng aking puso. May kaonting kirot ruon pero kaya naman tiisin.
"Anong nangyari sayo hija? Bakit parang hinihingal ka?" Bungad na sabi ni manang bago nag salin ng tubig sa baso at inabot iyon sa akin. Agad ko naman iyon inubos.
"Salamat po manang. Wala po. Naisip ko lang pong tumakbo papunta rito." Dahilan ko pero kumunot lang ang nuo ni manang.
"Mag lilinis na po ako!" Sabi ko.
"Sa balkonahe ka na lang pala mag linis, hija. Nalinisan na kasi ni Tes iyong sala kanina dahil nga sa bisita ni Nicholas." Ani manang kaya naman agad akong tumango at mabilis na nag tungo sa may balkonahe para mag linis.
Siguro umabot din ng dalawang oras ang pag lilinis ko sa balkonahe dahil sa ilang beses kong pag subok na tanawin ang labas kung nasaan sina Nicholas ngayon. Sa huli ay nag pasya na lang akong mag tungo na lamang sa hardin nang sa ganun ay makapag libang ako sa duyan na naruon. Ngunit nasa b****a pa lang ako ng hardin ay hindi na ako nag patuloy pa sa pag pasok dahil sa aking naabutan ruon. Nakaupo sa kandungan ni Nicholas ang babaeng kasama niya sa labas kanina at nag hahalikan sila na para bang mga mababangis na hayop na sabik na sabik sa isat isa. Kusa at walang pahintulot na bigla na lamang nag sipag bagsakan ang mga luha sa mga mata ko.
Nakita ko ang pag baling ni Nicholas sa kinaruruonan ko dahilan upang matigil sila nuong babae sa kanilang mainit na ginagawa. Mabilis akong kumilos at tumakbo palayo ruon para hindi na sila maistorbo pa ngunit agad din akong naabutan ni Nicholas. Isang marahas na hawak sa aking braso ang nag patigil sa akin. Walang kahirap hirap akong napaharap ni Nicholas sa kanya at nang matitigan ko ang mga mata niyang punong puno ng galit ay mas lalo pa yatang lumakas ang pag bagsak ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ko na din napigilan ang ilang hikbi na lumalabas sa aking bibig.
"Ano pa ba kasing ginagawa mo dito? Why don't you just stay at your home? Para hindi kung ano ano ang nakikita mo! Bakit ba kasi balik ka pa ng balik dito?" Galit niyang sabi na may diin sa bawat salita. Marahas kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata upang maharap ko siya ng maayos at masabi ko sa kanya ang mga dahilan kung bakit patuloy pa din talaga akong nag tutungo rito. At hindi iyon dahil kay Manang. Excuse ko lang iyon sa sarili ko kahit sa totoo lang alam ko naman kung bakit ako patuloy na bumabalik dito.
"Ang sabi mo pumunta ako dito kapag gusto ko magpaturo tungkol sa mga home works ko tapos ang sabi mo pa nga tuwing linggo pupunta ako dito kasi ipag luluto mo ako ng mga pagkaing hindi ko pa natitikman pero bakit ganito ka ngayon sa akin? Hindi mo man lang ako pinapansin o kahit tignan man lang! Sobrang dalang mo kong tignan na para bang ayaw na ayaw mong makita ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sobra ang galit mo sa akin. Okay naman tayo nuong birthday ko pero bigla ka na lang nag bago. Bigla na lang ayaw mo na akong pansinin. Alam ko naman wala akong karapatan para hingin ang pansin mo pero kasi ikaw naman ang nag sabing pumunta ako dito para mag paturo di ba? Kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ganito. Bakit bigla mo na lang ayaw akong makita? Alam ko wala namang kwenta ang bagay na ito para iyakan ko pa dahil hindi naman tayo at crush lang naman kita pero kasi masakit talaga eh. Hindi ko mapigilan masaktan.. Kasi umasa ko kahit papano na ayos tayo, na ayos lang sayo na gusto kita pero siguro nga hindi iyon ayos para sayo dahil may girlfriend ka na. Kaya sige wag ka ng mag alala hindi na ulit ako mangungulit at pupunta dito para sayo…" dirediretsyong sabi ko ngunit agad na may naisip kaya naman agad ko ring dinugtungan ang aking sinasabi.
"I mean... pwede pa din naman ako pumunta dito di ba? Kahit minsan lang para madalaw si manang. Wag ka mag alala hindi ako mag tatagal at minsanan lang—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla na lamang niya akong hinila sa palapulsuhan ko patungo kung saan.
"S-Saan mo ko dadalhin? Uuwi na ako." Sabi ko habang hila hila pa din niya ako. Agad naman siyang huminto sa pag lalakad upang harapin ako nang nakangisi.
Biglang parang bulang nawala na lang bigla iyong galit sa hilatsa ng mukha niya sa hindi ko masabing dahilan?
"You fool." Itinulak niya ang nuo ko gamit ang kanyang hintuturo at mahinang tumawa.
"Ipag luluto kita di ba?" Aniya ng nakataas pa ang isang kilay.
Nag tataka akong napa nganga sa isinagot niya.
"Huh? Eh paano yung girlfriend mo ruon? Hahayaan mo na lang siyang mag antay dun habang may kasama kang ibang babae?" Naaalarmang tanong ko. Baka mamaya may mang away nanaman sa akin dahil akalain nila inaagaw ko si Nicholas sa girlfriend niya.
"Wala akong girlfriend." Aniya na dinidiinan ang bawat salita.
"Huh? Eh kanina lang magkahalikan kayo nuong babae tapos ngayon itatanggi mo siya sa akin? Wag ganun Nicholas! Hindi maganda iyon. Masasaktan mo ang damdamin niya." Sabi ko pa na sobrang concern para sa mararamdaman ng babae.
"Adelene's not my girlfriend. I don't have feelings for her at ganun din naman siya sa akin. Kaya wala akong maapakang damdamin. Can we go now? Medyo late na ang tanghalian mo." Aniya pero muli akong umuling.
"Hindi mo pwedeng halikan ang isang babae kung hindi mo naman siya girlfriend." Sabi ko ng seryo. Bigla naman siyang ngumisi at para bang may naalalang pangyayari. Naisip ko din ang halik sa akin ni Jasper sa pisnge.
"You're right. Pero may kulang ka. Hindi mo pwedeng halikan ang isang babae kung hindi mo naman siya girlfriend unless ginusto din iyon ng babae at may permission kang gawin iyon mula sa kanya." Mariin ang titig na pinukol niya sa akin. Alam ko agad ang ibig niyang sabihin duon. Nakita niya nga talaga ang pag halik sa akin ni Jasper nuong isang linggo.
"Pero hindi ko naman ginusto iyon!"
"Uhuh? Bakit hindi mo siya pinigilan kung ganun?" Nag dududa niyang tanong.
"Nabigla ako kaya hindi ako naka kilos agad upang makapag react. Nuong natauhan ako ay nakaalis naman na siya kaya ayun..."
"Siguro iniisip na ng jerk na iyon na gusto mo din ang halik na yun dahil hindi ka man lang nag react nang gawin niya iyon. Baka ulitin niya pa ulit." Mag kasalubong ang kilay na sabi niya.
"Hindi. Nag usap na kami. Sinabi ko sa kanya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kaya hindi na niya uulitin iyon." Paliwanag ko hindi ko alam kung para saan.
"So nag usap kayo tungkol duon sa halik? You confronted him? Why?"
"Kasi totoong hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Hindi ko gusto ang halik niya sa akin at kailanman hindi ko yata iyon magugustuhan at isa pa tama ka naman eh, bata pa ako para sa mga ganung bagay at matalik ko pa siyang kaibigan kaya hindi tamang basta na lamang niyang gagawin sa akin iyon. Baka kung anong isipin ng mga tao sa paligid namin na makakakita..." Natigilan ako ngunit sa huli ay nag patuloy pa din sa pag sasalita
"Baka din kung ano ang isipin mo.. Kaya kinausap ko siya at sinabi ko na hindi na ako sasabay sa kanya tuwing uwian para na din mawala na iyong usap usapan sa school namin na kaming dalawa na daw. Purong pagkakaibigan lang talaga ang turing ko kay Jasper wala ng iba pa. May iba na akong gusto..." Nahinto ako.
"Alam mo naman kung sino iyon di ba? Siya lang kasi ang kaya kong gustuhin sa ngayon. Sana ayos lang sa kanya iyon pero ayos lang din kung hindi." Tumungo ako para hindi niya makita ang pag init ng aking mga pisnge. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mga iyon ngayon.
"Ayos lang naman daw sa kanya." Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakangisi na siya ngayon kaya mas lalong hindi ko tuloy siya magawang tignan.
"So she's not a maid because she's your girl?" Sabay kaming napalingon ni Nicholas sa bigla na lamang nag salita. Iyong lalaking matangkad kanina sa labas. Iyong si Calyx.
"H-Hindi! nagkakamali ka! Hindi niya ako girlfriend. Nasa hardin iyong girlfriend niya." Tarantang sagot ko kay Calyx pero ngumisi lang ito sa akin.
"What do you need?" Walang ganang tanong ni Nicholas kay Calyx pero binalewala lang nito ang tanong niya.
"Where's Adelene?" May panunukso sa himig ng kaibigan.
"Nasa garden. Sabihin mo hindi na ako babalik dahil may gagawin akong importante." Ani Nicholas.
Gusto ko sanang mag protesta nang sabihin iyon ni Nicholas dahil ayokong magalit sa akin ang mga kaibigan niya kung basta basta na lamang siyang mawawala dahil magiging abala siya sa pag luluto para sa akin. Pero mas pinili ko nang manahimik na lamang dahil nahihiya din ako sa kaibigan niyang nasa harapan namin ngayon at may malisya kung tumingin sa amin ngayon. Iniisip niya ba talaga na may relasiyon kami ni Nicholas? At magugustuhan ako nito?
"Importante huh?" Ngumisi si Calyx bago lumingon sa akin.
"Fine, I'll tell her."
"Good then." Sabi nito bago ako muling hinigit sa palapulsuhan patungo sa kusina.
Nagulat pa ang ilang kusinerang naruon pagkakita sa aking higit higit ni Nicholas sa palapulsuhan. Wala na ruon si manang siguro ay may inaasikaso nang ibang bagay. Nagulat ako nang paalisin ni Nicholas ang mga kusinerang naruon pero sa maayos naman na paraan. Pinauwi niya na ang mga ito ng mas maaga at sinabihan na din na wag nang pumunta tuwing linggo dahil siya na ang mag luluto tuwing araw na iyon.