Kabanata 30 Play A P P L E Medyo tinanghali na ako ng gising dahil hindi ako pinatulog ng pag iisip sa nangyari kahapon. Hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Limang taon kong sinubukang kalimutan siya pero sa isang pagkikita lang namin ay balik nanaman ako sa dati. Miss na miss ko nanaman siya at siya nanaman ang palaging laman ng isip ko. Hindi ko kailanman napag handaan ang pagkikita namin ulit. Hindi ko kailanman naisip na magkikita pa pala kami. Talaga nga palang maliit ang mundo dahil kahit lumayo na ako ay nahanap niya pa din ako. Inaamin ko natakot ako kahapon pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko ang labis na galak nang makita ko siya ulit. Alam kong hindi na maganda ito dahil maaring malaman na din ng pamilya niya na buhay pa ako pero hindi ko lang talaga map

