Kabanata 29 I've found her A P P L E "Krystal, pakidalhan naman ng maiinom ang bisita ni ma'am Rosie." Ani Ate Lara. Isang linggo na din ang nakalipas simula nang sabihin ko kay Darwin ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Wala namang nag bago sa pakikitungo niya maliban na lang sa bagay na hindi na niya ako madalas tawagin sa pangalan na Krystal. Siguro dahil alam niyang ayoko talagang tinatawag sa pangalang iyon dahil hindi naman talaga akin ang pangalan na yun. Pagkatapos ng araw na yun ay hindi na niya ulit inungkat ang tungkol sa napag usapan namin. Ayaw niyang ungkatin dahil alam niyang mas mahihirapan lamang akong makalimot kung patuloy naming pag uusapan ang nakaraan. "Sige Ate Lara ako na pong bahala." Nakangiting sagot ko bago nag madaling kumuha ng baso upang mag salin ng j

