Kabanata 28 Forget you N I C H O L A S Sunod sunod na katok ang nagpa gising sa akin isang umaga. Inis na bumangon ako sa pagkakahiga ngunit agad naman akong inatake ng sakit ng ulo kaya napahawak ako sa aking sintido. Damn it! Ganito na lang ba talaga araw araw? Halos makasanayan ko nang magising ng may hangover. Wala na akong pake kung may masamang idudulot ito sa aking katawan. I don't mind. Wala na akong pake sa kahit ano. I just want her. Just her. Nothing else matters to me now but her. I wanna see her again. I missed her so damn much. All I want is to see her again. But I don't fvcking know how! Ginulo ko ang buhok ko sa pagka-irita nang muling may kumatok. Damn it! Iritado akong tumayo upang buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Dad. Inis na tinalikuran ko

