Kabanata 27 Familiar Face A P P L E Namumugto ang mga mata ko nang makarating ako sa terminal ng bus sa maynila. Agad akong nag tanong tanong kung saan ko mahahanap ang address na ibinigay sa akin ni Tiya Lanny. Binigyan din ako ng pera ni Tiya pamasahe. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya sa pag tulong sa akin kahit na pwedeng manganib din ang buhay niya sa ginagawa niyang pag tulong. Matagal bago ko nahanap ang bahay ng amo ni Tiya. Malaki ang bahay na yun at mukhang modernong moderno. Ibang iba sa deseniyo ng mga kabahayan sa San Rafael kaya medyo nag alangan pa akong mag doorbell. Agad na may nag bukas sa aking maliit na babae na nakasuot ng unipormeng pang katulong. Kumunot ang nuo nito. "Anong kailangan nila?" Bungad na tanong niya. "Ah ito ho ba ang bahay nila Mr. and Mrs.

