Kabanata 26 Hopeless Desire A P P L E Halos mag dadalawang linggo din akong nanatili sa mansiyon hanggang sa dumating na si tatay at kailanganin ko nang umuwi. Sobrang namiss ko si tatay at nasasabik din akong ipaalam sa kanya ang tungkol sa amin ni Nicholas. Sayang nga dahil kinailangan lumuwas pa maynila ni Nicholas eksaktong pag dating ni tatay dito sa San Rafael. Hindi tuloy namin nasabi sa kanya pero ang sabi naman ni Nicholas ay sandali lang siya ruon at babalik din siya kaagad dito. Makakapag hintay naman siguro ang balita namin kay tatay. Sinama niya din ang pinsan ko dito dahil wala na raw itong kamag anak na kukupkop duon. Iyon pala ang dahilan kung bakit tumagal siya ruon sa maynila. Hindi niya daw maiwan ang pinsan ko duon. Ayaw kasi nitong pumayag nuong una na dumito muna

