"Is it far?" Nakahiga ako ngayon sa damuhan dito sa hardin na matatagpuan sa gilid ng bahay. Tanaw rito ang mga bituin at buwan na nagbibigay ng liwanag sa buong lugar "Kinda. Mga almost one hour away?" Tumawa ako sa reaction niyang gulat. "I'm coming with you, is that okay?" Tumango nalang ako at tumitig nalang sa mga bituin. Maliwanag ang kalangitan ngayon at walang senyales ng ulan. Mukhang mapayapa ang pakiramdam ng langit. "Is it hard?" Napalingon ako kay Mavy na nakatitig sa akin ngayon. "To be a star, moon, sun, thunder and lighting at one?" Sa ilang buwan naming magkasama, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang tila pagkawala sa mga mata niya. Bakit sa tingin ko pinaparamdan niya sa akin ang kapayapaan sa tuwing alam niyang magulo ang isipan ko?

