"Nakakainis" sinisipa ko ang bawat dahon na nadadaanan ko. Masama ang tingin ko sa bawat puno at sa mga kasama ko dahilan kung bakit lahat sila ngayon. "Napakahirap naman ng gusto nilang gawin ko bago ko sila makita at makasama! Urg" padabog akong naglalakad dito sa gitna ng gubat. Kalalabas lang halos namin sa portal pabalik sa mundo ng mga tao. Hindi ko man lang nakausap ang mga magulang ko kanina. Nandoon na kami sa kaharian namin tapos bigla kaming pinauwi? Nakakainis. Naalala ko nanaman ang sinabi ni Nurse Pam kanina noong papasok na sana kami sa castle. "Pasensiya na ngunit ngayon ko lang natanggap ang ulat ng mahal na reyna. Ang sabi niya ay hindi muna maaaring bumalik sa kaharian ang prinsesa hanggat hindi niya nahahanap ang Vena Dusa. Marapat n

