2

3017 Words
What's happening? Tanong agad ni Reagal sa sarili binabaybay ang twelve floor gamit ang ikalawang fire exit. The moment that Reagal step foot inside the building, the fire alarm went on. Nagkagulo sa loob ng building at kanya-kanyang pulasan ang mga empleyado. Agad na nag-radyo ang ilang guards para matutunton kung saang floor nagsimula ang sunog at nagulat siya ng banggitin ng isa ang twelve floor. The second fire exit was located at the west wing of the building. Mas madali pang dumaan doon dahil iilan lang ang nakakaalam ng existence noon kaya doon siya nag daan. Upon reaching the ninth floor, Reagal's cellphone chirped. Mabilis niyang hinugot mula sa bulsa ng pantalon ang cellphone at nakita ang mensahe na naka-display sa lock-on. From: Z 911 Nixon 12f Reagal immediately sent a reply, drop her bag and pulled out a mini box inside in one of its pockets. Madaling in-on niya ang bluetooth connectivity ng phone saka kinabit ang earbud sa kaliwang tenga, binulsa ang cellphone at sinukbit ang duffel bag sabay takbo pataas. Nang malapit na siya sa twelve floor ay biglang nagbukas ang pintuan ng fire exit at lumabas ang mangilan-ngilang mga empleyado na animo'y basang sisiw gawa marahil ng sprinkler. A thick smoke from inside made Reagal step back a bit to gasped some air. Halos maubo siya, hindi dahil sa kapal ng usok o apoy kundi dahil sa amoy ng kemikal na nakahalo sa hangin mismo. Reagal knows how fire works on the floor to the ceiling kaya alam niya na hindi talaga galing sa apoy ang makapal na usok. Its more of an improvised explosive device, set for minimal damage ー a decoy. Gamit ang isang kamay, tinakpan ni Reagal ang kanyang ilong saka tinungo ang isang mahabang pasilyo papunta ng conference room pero malayo pa lang siya ay may sumabog muli sa isang bahagi ng building. Nagmamadaling binuksan ni Reagal ang pintuan ng conference room. Agad na hinanap ang pakay pero hindi pa man din siya nakakapasok sa loob ay may taong nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo! "Nixon!" Sigaw ni Reagal matapos niyang hakbangan ang lalaki. May kalakihan ang conference room kung kaya't napilitan siyang pumasok sa loob. "Nixon! Nixon!" Sigaw ni Reagal ng may makitang isang lalaki din na nakahandusay sa may gilid. "Nixon.. " tila nawawalan na siya ng pag-asa ng may narinig siyang ungol sa di kalayuan. Agad na tinungo ni Reagal ang pinanggalingan ng tinig at hinawi ang ilang nakaharang na upuan sa daanan. "NIXON!" Sigaw ni Reagal ng masilayan ang kaibigan na nasa sahig pero bago pa niya ito daluhan ay tinadyakan niya muna ito sa may binti. "A-aray nama-n Reagal.."singhal ni Nixon sa kanya. Upon hearing him call her name, Reagal clutch her arms on Nixon. Napa-igik itong lalo. "F-fuck.. a-ang b-bigat mo!" Lumayo siya agad dito pero hinampas niya ito sa braso. "Oo na, mataba na kー Ay! Sorry.." Reagal almost trip ng dahil na rin sa natapakan niya sa may likuran at ng lingunin niya ito, ang nakita niya ay isang braso ng taong nakadapa sa may semento at mukhang patay na. "Anak ng tokwa!" Nilingon niyang muli si Nixon saka niya sinipat ang katawan nito. "Pusanggala, may tama ka!" "Alam mo, nakakatulig yang sigaw moーaray, ano ba Reagal!" Angal nito ng pindutin ni Reagal ang tama ng bala nito sa may tagiliran. "Heh! Manahimik ka nga dyan," wika niya. "pasalamat ka at hindi ka napuruhan. Kita mo nga, sa may gilid lang ang tama mo oh." Kinalas ni Reagal ang strap ng kanyang duffle bag at ibinaba sa bakanteng espasyo. "Ano bang nangyari dito, ha at nagkaganyan ka?" Mula sa loob ng bag ay inilabas niya ang isang pouch kung saan may lamang panglunas. "Someone attacked and set us up.. " sagot ni Nixon. Inilabas ni Reagal ang isang steel flask sa loob ng bag. "Attack? Set-up? Para ano, para patayin ka ー kayo? Ganoon?" Tumango naman ang kausap. "Aba'y matalino .." Nixon glared at her. "Aba't talagang pinuri mo pa ha? Kita mo nga't ganito ang nangyaー hey, Reaー" Reagal suddenly straddled Nixon at gamit ang dalawang kamay ay mabilis na pinunit ni Reagal ang damit nito. "ーgal!" Ni hindi na nito nagawang magreklamo dahil agad na binuhusan ng kung anong likido ang sugat nito. "Argh! Shit.. ang sakkitt!" Kanda-pilipit si Nixon ng dahil sa ginawa niya. "Manahimik ka nga, daig mo pa si bakla kung makaatungal e." Sabay buhos naman ng alcohol. "E sa masakit ー arrghhh.." Nixon gripped Reagal's arm due to intense pain. "Tsk, Nixy.. bear with it okay? Parehas tayong mahihirapan dito pag hindi mo ako binitawan.. don't worry, last na yan.. bebendahan na kita. Okay?" And Nixon nods. "So, paano mo nalaman na nandito ako?" Reagal rolled her eyes. "What a stupid question, Nixy.. malamang alam kong nasa conference room ka, e di ba, dito ka naman nagpunta bago kami umalis ni insan? Duh." Umubo ito. "Ugh, sorry.. that's not what I meant.. I mean for this aghーsituation I'm in." Reagal stilled, not because of Nixon's sudden interest about her coming to his rescue but due to some faint gasps of air. She put her forefinger on Nixon's lips and looked at both sides. The gasps is too low to hear, so they both stay quiet. At ng marinig nila na mayroon ngang humihinga ay nagkatinginan silang dalawa. "May buhay pa bang iba liban sa iyo?" "I don't know." Tumayo mula sa pagkakandong si Reagal at hinakbangan niya si Nixon patungo sa isa pang kumpol ng mga upuan na tila may hinaharangan. Habang palapit si Reagal ay mas lalong bumibilis ang paghinga nito hanggang sa makita ni Reagal ang isang kamay na naka-usli sa gitna ng kumpol na upuan na tila humihingi ng saklolo sa kung sino man ang makakakita doon. Instinctively, Reagal hold the hand in a tight grip. Tila nabuhayan ng loob ang kung sino mang may-ari ng kamay dahil naramdaman ni Reagal na pinipilit nito na lumabas mula sa pagkakasadlak pero hindi nito kaya. Reagal let go of the hand to shove the chairs away. Kumpara sa mga upuang inalis ni Reagal ay di hamak na mas marami iyon. "Mr. Acerbi." Sambit ni Nixon sa pangalang ng lalaki ng makita kung sino ang tinutulungan ni Reagal na maka-upo at makasandal ng maayos gamit ang bumagsak na lamesa sa may likuran. Napalingon si Reagal kay Nixon na bahagyang nakatayo na. "Siya iyong kanina?" Tumango si Nixon. Agad na tumingin si Reagal sa may unahan at tinanaw ang pintuan na ngayon ay may usok na unti-unting pumapasok sa loob. "s**t, wala na tayong oras, tara na." Gamit ang isang kamay, inalalayan ni Reagal patayo ang lalaki pero hindi pa man din nakaka-tayo ng tuluyan ay bigla siyang nakarinig ng yabag mula sa labas kaya kinabig niya si Nixon habang hawak pa rin niya ang braso ng isa pa. "Dito! Dito!" Sigaw ng isa mula sa labas. Akmang may papasok sa pintuan ng may sumigaw. "Hoy, huwag na dyan.. wala yung pakay natin dyan!" Sita ng isa. "Ha? E bakit? Malay mo dito nagtago yun?" Sagot naman nito sa kasama. "Patay na mga tao dyan sabi ni boss kaya isa na lang ang hinahanap natin, tara na!" At sumunod naman iyon sa utos. Napabuntong-hininga si Reagal. "Nakngtinapa yan.. ano 'to, mission impossible? Kung hindi ba namaー" natahimik si Reagal sa pagsasalita ng mapansin ang lapit ng mukha ni Nixon sa kanya. Mukhang nagkamali siya ng kabig dito, at dahil nakikinig siya sa usapan sa labas ay hindi niya napansin ang posisyon nilang dalawa. Si Nixon ay kasalukuyang nakadagan sa boung katawan niya habang ang isang kamay ni Reagal ay nakahawak sa braso ng isa. Reagal gaped at Nixon. "Tumayo ka nga diyan!" Utos niya pero parang wala itong narinig. "Nixon!" She blurted. Parang nahimasmasan si Nixon sa sinabi niya. "A, yeah.. uhh.. wait." Pagkalayo ni Nixon mula sa kanya ay tumayong agad si Reagal. Tinignan niyang muli ang lalaking sugatan na nasa sahig maging ang kaibigan. "Kaya mo ba siyang alalayan?" Tanong niya kay Nixon. Tumango naman ito pero hindi naman sa kanya nakatingin. Bumaling si Reagal sa lalaki. "Sir,ー" "Speak italian, Reagal." Sabi ni Nixon sabay lakad sa kung saan. Reagal sighed. Its been years since she spoke those words, baka kalawangin na siya sa pagsasalita. "Signore, pensi di poter camminare?" sir, do you think that you can walk? The man who's italian looked at her as if he's studying her. Reagal gulped at her own nervousness. "Signore, dobbiamo uscire da questo posto il più velocemente possibile .. quindi per favore, dimmi se puoi camminare .." Sir, we need to get out of this place as fast as we can.. so please, tell me if you can walk.. But unfortunately, nada. Walang nagawa si Reagal kundi abutin ang pouch at bigyan ng paunang lunas ang lalaki. Naghanap na rin siya ng iba pang magagamit para sa kanilang tatlo at saktong nakakuha siya ng dalawang gun vest mula sa mga namatay na bodyguards saka niya pinasuot sa mga ito. "REAGAL." A loud voice greets her ear. "Ay kabayo!" Sigaw niya ng marinig ang isang pamilyar na boses sa kabilang linya. "Hindi ako kabayo!" Singhal na nasa kabilang linya. "Alam ko, vice ganda.. bakit ngayon ka lang tumawag, letsugas ka!" "E sa ngayon lang nagka-connection yan phone mo, may angal ka?" Maarteng sagot nito. "Oo naman, may angal ako! Kanina pa kami nag-iintay ng rescue no! Nasaan ka ba?" Tuluyan ng nakalimutan ni Reagal ang kausap na italyano. Tumayo siya paharap kay Nixon na kasalukyang may hinahalughog sa mga drawer. "Hindi kami makalapag sa helipad ni Nixon, ang kapal ng usok mula sa ibaba, buti naman at hindi pa kayo tosta diyan sa loob?" Lumapit sa isang glass wall si Reagal at nakita ang malalaki at makakapal na usok na nasa kanyang harapan na tingin niya ay nasakop nito ang malaking bahagi ng clearing sa taas. Samantalang halos hindi naman napasok ng apoy ang lugar nila dahil na rin sa double wall partition at double fire wall. Ang helipad ni Nixon ay nasa tuktok ng gusali kung kaya't hindi ito makapag-landing ng tama. "Hindi pa kami tosta pero malapit na pag hindi niyo kami na-rescue ngayon na!" "E sa wala ngang paglalandingan! Saan ba pwede?" Bumaling muli si Reagal kay Nixon na ngayon ay abala sa pagkasa ng iba't ibang klase ng baril. "Nixon," tawag niya dito. "Nasa labas na si Mutya, saan daw pwedeng ilapag ang chopper?" May dalawang segundong tumigil sa pag-aayos si Nixon ng kung ano saka nagsalita. "Sa terrace." "Mutya, sa terrace daw." "Pakyu ka, Reagal, my name is Amulet not Mutya!" Reagal snort. "Mutya pa rin yun sa tagalog, gaga!" At saka siya pinatayan ng linya. "Reagal, o." Saktong pagkalingon niya kay Nixon ay ang paghagis ng isang Beretta M9A3, silencer gun. "Hoyー" "Tara na." Aya ni Nixon pero pinigilan siya agad ni Reagal. "Nixon, si manong paano?!" Bumalik si Reagal sa tabi ng italyano saka nito inalalayang tumayo. Nixon looked at the two. "Then, help him.. mauna na ako sa laー" "Ano! Gago ka ba? Ikaw nga itong may sugat tapos ikaw itong unang lalabas? Ano, feeling hero?" Lumapit si Nixon sa dalawa at mukhang napikon sa sinabi niya. "Look, wala na akong oras para makipagtalo pa sa'yo." "Oo naman, Nixy boy.. wala na talaga tayong oras kaya kung ako sa'yo.." hinablot ni Reagal ang braso ni Nixon saka idinantay nito ang braso naman ng italyano doon at boung pwersang inilipat ang lalaki kay Nixon. "Ikaw na ang mag alalay kay manong at akoー" kumuha siya ng isa pang baril na nakaipit sa may pantalon nito at inimuwestra sa harapan ng dalawa sabay ipit noon sa likuran ng kanyang pantalon. "ーang unang lalabas." Akmang magpo-protesta si Nixon ng tinapik - tapik ni Reagal ang balikat ng lalaking italyano. "Scusa signore, ma sei più sicuro con Nixon di me. Non ti preoccupare, ti proteggerà. va bene?" sorry sir, but you're safer with Nixon than me. Don't worry, he'll protect you. okay? THE italian keeps on grunting while being carried by Nixon. Halos nauuna sa paglalakad si Reagal para kahit paano ay mabigyang puwang ang dalawa sa oras na may makasalubong. Reagal finally heard some footsteps down the hall. Mabilis na pinayuko at pinagilid ang dalawa. They were three sets of feet that was heading towards them at dahil si Reagal ang nasa harapan, siya ang tiyak na mapapalaban. "Tangina!" Sigaw ng isa matapos mapansin nito ang nagtatagong si Reagal sa gilid ng pader. Mabilis namang umigkas ang kamao ni Reagal at sinapul nito ang mukha, dahilan para mawalan ito ng balanse at bumulagta patihaya. Agad namang naman siyang sinunggaban ng isa mula sa likod pero dahil masyadong mahina ang kapit nito ay nagawa niyang makalusot pababa saka tinakpakan ang isa nitong paa saka sinuntok ng madami sa tiyan pero hindi pa man din bumubulagta ay to the rescue na ang isa pa na may dalang punyal. Madaliang hinablot ni Reagal ang pangalawang lalaki saka itinulak sa nakatayong isa at saka siya humugot ng baril. Kinasa niya ang silencer gun at inunang pataman ang kamay na may hawak na punyal. Sabay na bumagsak ang dalawa at yung may tama ng bala sa kamay ay tinandyakan siya. Napalayo ng konti si Reagal pero agad din nakalapit muli. Tumayo ang dalawa at pinaligiran siya, pero dahil halos magkadikit lang ang dalawa ng hindi nila namamalayan ay mas lalong napadali ang pagkilos ni Reagal. Unang umatake ang lalaking walang tama ng baril. Nahawakan siya nito sa balikat pero bigla namang umikot si Reagal pa-gilid at dagliang pagsunggab niya sa may tiyan nito at pagwasiwas ng katawan ng lalaki palapit sa isa pa. Halos mawalan ng panimbang ang may tama ng baril pero nakuha pa rin nitong makalapit kay Reagal at naka suntok sa may tagiliran ng may ilang beses. Pero, hindi nagpadaig si Reagal at nahablot niya ang damit ng lalaki at saka nagpakawala ng suntok sa mukha ng dalawang beses. Ang isa naman ay nakabalik posisyon at tumakbo papunta sa kanila, kaya, kumapit si Reagal ng mabuti sa lalaking hawak at saka dalawang magkasunod na malalakas na sipa at tadyak ang pinakawalan ni Reagal sa katawan at may bandang lalamunan nito, dahilan para tuluyang bumulagta ang lalaki katabi ng unang napabulagta niya. Nang makabalik sa hawak niya ay sinuntok niyang muli ang mukha nito pero nakaganti pa rin ng suntok at muntik nang tamaan ang mukha niya kung hindi niya agad iyon napansin at dahil doon, mas lalong nagngitngit sa galit si Reagal kaya naman ipinain niyang muli ang mukha para lamang saluhin ang kamao nito sabay pihit ng kamao pakanan at ng namilipit pababa ay saka niya tinuhod ang baba at tuluyang nawalan ito ng malay sa sahig. Saktong pagka-ipit ng baril sa kanyang pantalon ay ang pag-ilanlang ng boses ni Amulet sa kabilang linya. "Nasaan ang clearing? Wala akong makita!" Lumingon si Reagal sa kanyang likuran at nakita ang halos nakabukang labi ng dalawa sa kanya, pinitikan niya ito nang kanyang daliri. "Nixy," Reagal snaps two times. "clearing daw." Binigyan siya agad ng instruction ni Nixon kung paano makakaroon ng clearing sa terrace ng twelve floor but she has to do it on her own dahil nasa opisina nito ang main switch kaya naman pinauna na niya ang mga ito. Madaling nakapasok sa office ni Nixon si Reagal at agad niyang nahanap ang isang remote control sabay pindot ng 'on'. Mula sa kung saan, ay biglang yumanig ang bahaging iyon ng twelve floor. Tinakbo niya ang glass window na tanaw ang terasa nito at mula doon ay parang nahati ang sahig sa dalawa padipa sa magkabilang gilid, giving a much wider course. Reagal pressed her earbud. "Nakita mo na?!" "Yes, be there in a minute." At narinig niya ang malakas na tunog ng makina ng chopper. Reagal was on her way out of the office when she heard some quick breaths from the dark corner of the room. Mabilis niyang hinugot ang baril at saka tinunton ang bahaging iyon ng silid. Pumasok si Reagal sa mini-pantry nito saka binuksan ang ilaw, revealing some fresh blood on the floor. Sinundan niya iyon at dinala siya nito sa may likod ng island counter. Tumambad sa kanya ang isang lalaking duguan din kagaya ng nung italyano at ni Nixon, only the man was on a much terrible condition. "Sir," agad niyang dinaluhan ang lalaki. "are you okay?" The man with steel grey eyes looked at Reagal with so much pain on his face. "L-look sir.. I need to know if you still can make it for at least ten minutes.." Reagal hold the man's hand tightly pero wala naman itong sinabi. Reagal take a look of the surroundings. The smoke from the outside is getting thicker and big pero hindi pa rin nakaka-abot sa lugar nila ang apoy. Bumalik ang tingin ni Reagal sa lalaki. Halos magkulay puti na ang mukha nito sa putla at napapakurap na rin ito, tanda na malapit na itong mawalan ng malay. "Sir, sir.." niyugyog ni Reagal ang balikat nito ng tumingin sa kanya ang lalaki agad na sinipat ni Reagal ang katawan nito at tinignan kung nasaan ang sugat nito. "s**t, yung bag ko." Bulong ni Reagal sa sarili. Nakalimutan niyang na kay Nixon ang duffle bag niya kung kaya't hindi niya mabibigyan ng paunang lunas ang lalaki. "Paano na.." wala sa loob na napatingin sa sarili niyang katawan si Reagal at nang makita niya ang suot na jacket ay kaagad niya iyong hinubad. "Siーay, bahala na.." tinanggal ni Reagal ang kamay nitong nakapatong sa sugat sa may tiyan at katulad kanina, hindi siya nag-atubiling punitin iyon at mabilis na pinunasan ang ibang dugo na namuo sa may balat nito. Inayos niya ang ayos ng jacket at pinalibot sa katawan nitong may sugat. Buti na lamang at malaki ang naisuot niyang jacket kung kaya't nagpang-abot ito sa may tiyan ng lalaki. "Sir.." niyugyog muli ni Reagal ang lalaki at aandap-andap itong tumingin sa kanya. Reagal blinked and shake her head, trying to erase an odd feeling. "Sir, I'll put you on my back now, okay?" But the man with steel grey eyes just blinked at her. "That's it, we're going." Reagal put the man on her back, carried him out of the office, hurriedly head towards the door, connected to the terrace and run to the waiting chopper outside.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD