Chapter 1 TECHNICALLY ORPHAN

1086 Words
FILIPPA Quezon Province. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-isa sa mundo. Marami naman ang may buo ang pamilya pero ako wala na ngang ama ay kinuha pa ng maaga ang mama ko. Technically I am an orphan now. I was raised alone by my mother at kinaya niya akong itaguyod kaya kakayanin ko rin ang mabuhay mag-isa kahit wala na siya. Pumatak ang luha ko habang hawak-hawak sa kamao ko ang lupa kung saan siya nailibing. Matagal nang may sakit sa puso ang mama ko at kahit sabihin nating masakit ang mamatayan ay naihanda ko na ang sarili ko sa pagkakataong ito. Lagi naming pinag-uusapan ni mama noon ang mga sandaling mamamatay na siya. She readied me mentally and emotionally. Bumuntong hininga ako at saka ako tumayo. Tatlong oras na rin pala ako dito sa sementeryo. Kailangan ko nang umuwi para maiayos ang mga gamit na dadalhin ko sa Manila. Dalawang linggo na lang ay pasukan na naman. Nairaos ko ang dalawang taon ng kurso ko sa pamamagitan ng scholarship at mga part time, part time. Sa tulong din ni mama ay hindi ko ramdam na mahirap mamuhay sa Manila, Kahit papaano ay kaagapay ko noon si mama sa mga gastusin ko sa eskwela. Kahit tingin ko ay handa na ako sa mga sandaling ito na mamuhay mag-isa ay sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung papaano ko gagastusan ang sarili ko habang iniisip rin ang gastusin ngayong third year na ako. Mas marami na akong projects na kailangang gastusan. Iyong apartment pa! Food and utilities ko pa! Nako! Bahala na nga! Que sera, sera sabi nga ng kanta! Talagang whatever will be will be! Iyong bahay namin na iiwanan ko ay simple lang at kailangan kong ipagkatiwala sa kaibigan ni mama na si Auntie Annabelle. Naisip ko na rin iparenta kung may magrerenta man pero malabo iyon kasi hindi naman kagandahan iyong bahay. Hindi kasi priority ni mama ang maintainance ng bahay noon kasi inuuna niya na mabuo ang pangbayad renta ko sa apartment na tinitirhan ko sa Manila at iyong para sa gamot niya sa puso. Ayaw ni mama na magkasera ako o mag-bed space kasi delikado raw sa Manila at sa ugali kong ayaw sa magulo at kalat ay baka mapaaway pa ako o maging tagaligpit ng mga makakasama ko sa kasera. Hence the choice of having my own apartment. Nagtatrabaho sa munisipyo si mama noong nabubuhay pa siya. Hindi kalakihan ang sweldo, sapat lang talaga. I am an scholar kasi matalino naman ako, nakuha ko ng buo ang scholarship ni governor kaya sa matrikula ay wala na akong problema. Ngayon at nawala na si mama ay kailangan kong doblehin ang part time ko kasi marami talaga akong gastusin ngayon sa eskwela. "Hindi ka na ba talaga magpapabukas ng byahe ha Pippa?" tanong ni Auntie Annabelle nang idaan ko ang susi sa bahay nila kinagabihan. "Hindi na po, kailangan ko rin maghanap agad ng trabaho auntie at malaki-laki ang gagastusin ko sa eskwela ngayong taon." "Hindi ba eh scholar ka ni governor? Eh hindi ba sagot na lahat niya mga gastusin mo?" "May limit po auntie, hindi lahat covered gaya ng apartment kasi hindi naman apartment iyong kasama sa scholarship kung hindi dormitory expense lang," "Hay nako, hindi na kita pagsasabihan sa paglipat ng dorm kung hindi ka naman kumportable roon lalo na at pangmayaman iyang sakit mo," tumatawang sambit niya. May pagka-OC ako at kahit nakakairita ay mas gusto kong ganito ako kaysa burara. At disorder naman talaga ang pagiging OC. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sinasabi ni Auntie Annabelle na sakit pangmayaman ito. "Mag-iingat ka doon Pippa, nako kung marami lang akong pera—" "Ok lang ho ako auntie, salamat sa mga naging tulong mo sa amin ni mama," I cut her off. Mabait si Auntie Annabelle pero may pagkaburara lang kasi kaya hindi ako makatagal sa bahay nila. Kanina ko pa nga pinipigilan ayusin iyong display rack sa likuran niya kasi hindi parallel ang mga figurines doon. Tapos doon sa pintuan kumpol-kumpol ang mga tsinelas. Ang dami nilang tsinelas eh dalawa lang naman sila ng asawa niya. Buntis siya ngayon at na-iimagine ko na na mas gugulo pa ang bahay nila kapag lumabas na iyong bata. "Tumawag ka kung nalulungkot ka Pippa!" Ngumiti ako sa kanya at nagkusa na akong tumayo. "Sayang kung sana hindi naka-shift sa trabaho si Marvin ngayon eh di maihahatid ka namin sa terminal," tukoy niya doon sa asawa niya. "Kaya ko na po, ayaw ko rin naman na mapagod pa kayo lalo, masama iyon sa mga buntis," sabi ko at tinungo na ang pintuan nila. "Oh siya, basta kung may kailangan ka, tumawag ka lang ha Pippa, kung kaya naman naming tumulong ay makakaasa ka," "Alam ko po iyon, salamat auntie," sambit ko at saka kami nagyakap. Sa dami ng tao sa lugar namin ay siya lang din talaga ang nakapalagayan ko ng loob. Maayos kong inilagay sa plastic bag ang bagpack ko at saka inilagay sa ilalim ng upuan ko nang makasakay na ako sa bus. Madumi ang bus pero wala akong karapatang magreklamo dahil wala naman akong kotse. Kumuha lang ako ng wet wipes at ibinalik muli sa slingbag iyon. Pinunasan ko ang upuan ko hanggang sa makontento ako. Hindi rin naman ako mapapalagay kung hindi ko gagawin iyon lalo na at mahaba-haba ang byahe. Wala pang tao sa bus, sinasadya kong laging maaga kasi sa ugali kong nagpupunas minsan ay hinuhusgahan akong maarte. People will always judge, hindi ba pwedeng maging hygienic lang ang tao? Mabilis lang napuno iyong bus at sa wakas ay umusad na ito. Isang may edad na lalake ang katabi ko pero katulad ng inaasahan ko ay hindi naman ako pinasin lalo na at nakatalukbong ako ng hood ng jacket ko at sinadya kong takpan ang mukha ko. Nakuha niya na aloof akong tao kaya siguro pinili nitong maging tahimik rin hanggang sa nakarating kami sa Maynila. "Oh yung bababa sa Sampaloc diyan, maghanda na!" anunsyo ng kundoktor kaya naghanda na rin ako. Gusto ko nang makauwi sa apartment at makapagpahinga. Kahit kasi anong pilit ko ay hindi ako makatulog dahil humihilik naman iyong katabi ko. Hindi malakas iyong hilik niya pero sapat na para hindi ako patulugin. At siya ring nagbigay ng dahilan para maisip ko lalo si Mama. Dahilan para maisip lalo na mag-isa na lang talaga ako. Pero ganoon naman ang buhay. Kailangan lang talagang maging matibay ang loob mo lalo na kung ang inaasahan mo lang ay ang sarili mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD