Chapter 2 SURF

1200 Words
MALIBU LAGOON STATE BEACH CALIFORNIA "Tsss! Ang boring mo talaga!" tapon ko ng french fries kay Kurt. We are in a restaurant just accross the beach. Kurt just snorted, itong pinsan kong ito hindi ko alam kung kambal ba talaga ni Kyle. Well sometimes Kyle is boring too pero hindi naman kasing stiff nitong si Kurt. "We went here to surf so we only surf," giit pa niya. Hindi ba pwedeng mag-try ng ibang water sport? Hindi ko na tinanong si Air dahil isa rin itong boring, pare-pareho naman kami ng kinakain pero sadyang iba lang ang trip nila sa buhay! Kaming magpipinsan ay pinasundo ni Bullet mula sa Pilipinas para maibakasyon dito sa Malibu last week pa. Bullet Allegro is the twin of our Lola Mullet. Hindi ko alam kung bakit iyon ang tawag namin sa kanila eh hindi naman nila totoong pangalan iyon. Silang magkambal ang matriarchs ng Allegro clan. "Hurry up, mamaya darating na si Bullet kasama si Shanta and all we did since we arrived here is to eat!" reklamo na naman ni Kurt kaya minadali ko nang tapusin ang french fries ko. Si Ezra na isa rin sa mga pinsan ko ay tumayo. "Hold this," sambit niya kay Air na tinignan lang iyong paperbag ng take out. "That is for your Shanta!" paalala ni Ezra kaya kinuha na iyon ni Air. Shanta is Air's younger sister at nag-iisa lang itong babae sa aming magpipinsan. She is one spoiled princess. Well, spoiled sa aming lahat kasi sadyang malambing din kasi. "I'll pay," sabi ni Noah at saka tinawag iyong waiter. Noah is another cousin of mine, medyo magkakalapit ang mga edad namin kung tutuusin pero dahil si Air ang pinakamatanda ay siya rin lagi ang sinusunod namin. Tumayo na lang ako nang kita kong ako na lang ang hinihintay nila. Tinawanan lang ako ni Ian. Sa aming magpipinsan si Ian ang pinakamalapit sa akin. "Let's just go, wala kang magagawa, Bullet just gave us the whole morning, we barely have two hours left to surf," he said. I just snorted, mga haggard itong mga ito! Puro nagmamadali! Nauuna si Air at Kurt sa paglalakad, sila kasi ang magbestfriend kaya sila lagi ang magkausap. Si Kyle naman na kambal ni Kurt ay kakwentuhan ni Ezra. Noah is following them alone kasi may kausap sa telepono. At heto ako katabi rin si Ian na tahimik lang sa tabi ko. Ang Malibu Lagoon State Beach ay tinatawag din na Surfrider's Beach dahil sa malalaking alon nito. Dito talaga sumasadya ang mga fans ng surfing sa buong California. Maganda kasi dito kasi tatlo ang primary surfing areas. Ang first point ay may alon na popular sa mga fans ng longboarders at shortboarders lalo na kapag malaki ang namumuong alon. Ang second point naman ay para sa mga high performance surfing. It has a main takeoff that lines up and connects into the inside called the "kiddie bowl". Tapos ang pinakahuli ay ang third point kung saan may kaliwa at kanan na bahagi Ang alon na nagmumula sa timog ay dinadalaw ng mga fanatics sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre kasi pwede silang mag-surf hanggang sa pier. Sa loob ng halos dalawang oras ay naubos ang lakas ko. I love surfing pero hindi naman ako praktisado. Nakahilera kaming nakaupong lima nina Ian, Ezra, Kurt at Kyle habang pinapanood namin sina Air at Noah na hinihintay ang pagbuo ng alon para sa kanilang huling surf ride. Noah loves the beach kaya hindi nakakapagtaka na marunong talaga itong mag-surf. Payatot siya kaya hindi mo talaga aakalain na nagsu-surf ito. Air on the other hand is sporty at matikas ang pangangatawan kaya naman sisiw ang surfing sa kanya. When the wave started swelling ay nag-umpisa na silang sumagwan gamit ang kanilang mga kamay. Napatayo kaming lima kasi sadyang malaki ang alon. Ngunit hindi naka-timing si Air kaya napag-iwanan. Samantalang si Noah ay humanda na sa pagtayo sa surf board niya at balansehin ang katawan nang mag-umpisang bumilis ang alon. Noah was really skillfull. Nagsigawan kami nang literal nang nasa ilalim siya ng alon at hinahabol siya ng pag sara ng tubig. But as expected ay maayos siyang nakarating sa dalampasigan. Air on the other hand just swam with his surf board to the shore. Mapili rin kasi ito sa alon eh. Maarte kumbaga at ayaw naghihintay ng tamang alon. Katulad ng inaasahan ay hindi na-late si Bullet. Hindi rin naman talaga nagtipid sa pagparada ng karangyaan dahil ang sumundo sa amin ay isang limousine. Bullet doesn't know what humility means. I didn't even know na may property siya sa Malibu basta may isang mansion kaming tinitirahan ngayon dito. "Pack your things at babalik na kayo sa Pilipinas pagkadaan natin ng Los Angeles," she said. As usual ay si Air lang ang nagtanong sa kanya on our behalf. It has been like this eversince. Takot kaming lahat sa kakambal ni Lola. "May I ask what for Bullet?" sambit ni Air. Tinignan muna kami isa isa ni Bullet bago huminto kay Air ang mga mata niya. "Shopping of course, dalawang linggo na lang ay balik sa eskwela na kayong lahat. After this holidays ay hindi ko alam kung kailan niyo na naman ako makikita, I'll be in Spain—ah, nevermind, I shouldn't be explaining, now finish eating all of you!" mahabang turan ni Bullet na nagpamadali sa aming kumain. "Spain, can I go with? I miss dad!" malambing na sambit ni Shanta sa kanya. "Just call your dad Shanta," mabilis na sagot ni Bullet sa kanya and then she sighed. "You know why all your parents are in Spain," she added in a clipped tone. Hindi kami umimik sa sinabi niya. Even Shanta kept quiet after. "Jace, I want a word with you later, matatagpuan mo ako sa library, " Bullet said at walang umimik nang tumayo na siya matapos magpunas sa kanyang labi gamit ang table napkin. "Yes, Bullet!" I answered at narinig ko pang bumugso ang mga hininga namin nang nakaalis na si Bullet. "Bakit gusto ka niyang makausap? Anong kabalbalan na naman ang ginawa mo?" Air asked. Lahat silang mga pinsan ko ay nakatingin sa akin. "Kabalbalan agad? Kasama niyo kaya ako buong araw, ano ang malay ko kung bakit ako gustong makausap?" dipensa ko sa sarili ko. "Jace, ok naman ang grades mo sa school, may nabuntis ka ba?" lumaki ang mga mata ni Shanta. "Shanta Artemis!" Air scolded his sister. "What kuya? I can't even talk now?" she immediately said. Ezra chuckled at saka inakbayan si Shanta. "Hindi lang kami sanay na sumasabad ka na sa usapan ngayon," he said. "Ang OA niyo, and for the record lagi naman akong sumasabat sa usapan niyo!" "Not about impregnating women Shanta! Doon ka na sa kwarto mo," utos pa ni Air sa kanya kaya bumelat lang siya at nag-walk out na." "To answer the question of Shanta, of course I didn't, wala akong balak maging batang ama," sagot ko kaya mas lalo silang napaisip kung bakit ako gustong makausap ni Bullet. Ako man ay kinakabahan. If there is someone you wouldn't want to get angry in the family ay ang matriarchs iyon. They hold the law. I mean they are the law.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD