Amara's POV "Ate, buksan mo ang pinto at madami akong dala-dala", sigaw ng boses babae at alam kong si Mezy ang tinatawag niyang ate. "Naku ang kapatid kong si Abby dumaan pa talaga dito" "Wait lang, Amara pagbubuksan ko lang ang kapatid ko", wika niya sa akin. Napakamot si Mezy sa ulo at padabog na tinungo ang pinto para pag-buksan. "Bakit hindi ka nag chat sa akin na dadaan ka dito?", bungad na tanong ni Mezy matapos pag buksan ang kapatid. "Ang dami ko kasing dalang pasalubong para sayo, Ate" "Nag abala kapa sa pagbitbit ng mga ito. Marami namang prutas at gulay dito sa Manila", naiinis na wika ni Mezy habang abala ang dalawa sa pag pasok ng mga dala-dala. "Ano ka ba. Sariwa at mura ang mga prutas at gulay sa Baguio" Iba ang aking pakiramdam ng mag tama ang mga mata namin ng k

