Amara's POV "Ya-Yeah. Ma-madaming akong problema ngayon", nauutal kong sagot kay Mezy matapos alisin ang mga mata sa Photo Frame.Katabi noon ay ang photo frame naming dalawa ni Mezy noong high school graduation namin. Masaya ako kasi hanggang ngayon ay nakadisplay pa rin yon, pero palaisipan talaga sa akin kung sino-sino ang mga katabi ni Mezy sa isang litrato. Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko siya about doon. "Sino ang mga kasama mo sa isang Photo Frame katabi ng atin? ", curios kong tanong sa kanya habang nakatingin sa aking tinutukoy. Tumayo ang dalaga at kinuha iyon. "Ito ba? Naku mga kaibigan ito ng kapatid kong si Abby. Dapat si Abby ang nasa litrato, pero that time ay hindi pumasok kasi nagkaroon ng trangkaso.Nakita ako ng mga kaibigan niya sa pasilyo at tinawag kaya ako n

