Amara's POV "You are here, Amara. I miss you anak", salubong ni Mommy sa akin, pero wala ako sa tamang pag-iisip na pumanhik ng hagdan pataas ng kwatro.Hindi ko na nagawang pansinin si Mommy kasi mabigat ang aking pakiramdam. Namumugto na din ang aking mga mata sa kakaiyak.Malakas kong binuksan ang pinto at padabog din iyong sinarado. Napa upo ako sa likod at doon pinagpatuloy ang pag-iyak. Para akong bata na hindi alam kung ano ba ang dapat gawin para tumahan. Napapagod din ang matatapang na babae. Kailangan ko ding sumabog para mailabas ang lahat ng hinanakit sa buhay. Paano nalaman ni Danica ang passcode ng Penthouse kung hindi niya naman talaga iyon binigay. Ibig bang sabihin ay pumayag si Ethan sa gusto niyang mangyari kapalit ng impormasyon kung saan matatagpuan si Alliya? Ganoon n

