Pagkatapos naming mag-lunch sa garden café, naisipan ni Atticus na maglakad-lakad muna kami. Wala siyang meeting that afternoon, at sabi niya, “You need fresh air. It’s good for you… and the baby.” Hindi ko matanggihan. Ang sarap sa pakiramdam ng nakahawak lang ako sa braso niya habang naglalakad kami sa isang side street ng Legazpi Village. Wala masyadong tao, tahimik, at puno ng mga boutique shops at art cafés. Feeling ko para kaming normal na couple. Walang complications, walang secrets. Pero hindi nagtagal ang ilusyon. Habang tumatawid kami papunta sa isang small bookstore, may biglang humintong black SUV sa gilid. Bumaba ang isang babae. Matangkad classy, wearing heels and a crisp cream blazer over a tight-fitted black dress. She looked like someone straight out of Forbes. “Posei

