Pagkatapos naming kumain at magpahinga nang kaunti, inalok ako ni Atticus na lumabas. "Gusto mong maglakad-lakad tayo sa park nearby? It’s quiet there. You need fresh air, and so do I." Pumayag ako. We both changed into something comfortable; him in a light sweater and jeans, me in a maternity dress and cardigan he insisted I wear. Sobrang maaruga niya lately. Hindi ko alam kung dahil ba sa guilt o genuine care, pero I decided not to question it today. Tahimik lang kami habang naglalakad. The park wasn’t crowded. May mga magulang na naglalaro kasama ang mga anak nila, ilang matatanda na nagpi-picnic, at may mga ibong lumilipad sa paligid. May lamig sa hangin, pero hindi nakakakilabot. It was gentle. He reached for my hand without asking, at hinayaan ko lang. Then, he broke the silence.

