“May balita na ba tungkol sa boss mo, Leo?” Ramdam sa tono ng boses ko ang matinding pag-aalala kay Atticus. Ilang araw na ang lumipas, at ni isang mensahe o tawag mula sa kanya ay wala pa rin. Sa mga nangyari sa labas ng probinsya, hindi ko maiwasang mag-alala lalo na’t alam kong hindi basta-basta ang mga laban na hinaharap niya. Napansin ko kung paano napakurap si Leo, nakatayo sa tapat ko na para bang pinag-iisipan pa niya ang tamang sagot. Halata sa bigat ng kanyang balikat na gusto niyang magsabi ng mas higit pa, ngunit pinipigilan niya ang sarili. “I apologize, Ma’am,” mahinahon niyang sagot. “However, I know my boss is fine. No need to worry, Ma’am.” Napangiwi ako. Hindi ko gustong magmukhang matigas ang ulo, pero ilang ulit ko na yang narinig at hindi na ito sapat para pakalmah

