Malakas ang ugong ng makina ng sasakyan habang nagmamadali kaming patungo sa ospital. Sa bawat liko ng kalsada, tila lalong tumitindi ang sakit na dumadaloy mula sa aking tiyan pababa sa aking balakang. Hindi ko alam kung ilang ulit akong napapapikit, nanginginig, at napapasigaw dahil sa bawat alon ng kirot na dumadaan sa akin. Ramdam ko ang malamig na pawis na dumadaloy mula sa aking sentido pababa sa leeg. “Konti na lang, Ma’am Ceila, malapit na tayo,” paulit-ulit na bulong ni Leo, na para bang inuulit niya iyon hindi lamang para sa akin kundi para rin sa sarili niyang kaba. Sa wakas, bumungad ang ilaw ng ospital. Mabilis na bumaba ang isa sa mga tauhan ni Atticus at tumakbo papasok. Ilang segundo lang, lumabas ang dalawang nurse at isang doktor na may dala-dalang stretcher. Inalalayan

