Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Ang huli kong naalala ay ang mga haplos ni Atticus sa aking buhok habang pinipilit kong pumikit at makatulog nang mahimbing. Marahil ay nawala ako sa ulirat dahil sa pagod at sakit, ngunit kahit papaano ay nakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan sa presensiya niya sa tabi ko. Nagising lamang ako dahil sa mahinang ingay na unti-unting lumalakas. Hindi ito mga yapak ng nurse o mga kagamitan ng ospital, kundi pamilyar na boses na tila nagtatalo. “Damn it, Dad. It is my baby, not yours.” Malinaw kong narinig ang boses ni Atticus, puno ng pagpipigil ngunit halatang may inis. “Wag kang madamot, Poseidon,” sagot ng mas mabigat na tinig na hindi ko inaasahan. Agad kong nakilala ang boses ni Don Phoenix, ang ama ni Atticus, na kilala sa kanilang mund

