Ilang araw bago kami makalabas ng ospital, unti-unti kong naramdaman ang pagbabago sa buhay ko bilang isang bagong ina. Sa bawat paggising ko, ang unang tanong ng isip ko ay kung kumusta si Lillyna. Ang bawat pag-iyak niya ay tila musika sa akin, bagaman may kasamang kaba at takot na baka may mali akong magawa. Lagi kong tinititigan ang kanyang maliit na mukha, ang mapupulang labi, at ang mga daliri niyang napakaliit ngunit kay higpit humawak sa akin. Isang araw pa lang siya sa mundo ngunit pakiramdam ko ay matagal na naming pinagtatagpo ang mga kaluluwa namin. Palagi namang nasa tabi ko si Atticus. Kahit na may mga tawag siyang natatanggap mula sa mga tauhan niya, hindi niya iyon binibigyan ng mas mahabang oras kaysa sa akin at kay Lillyna. Sa bawat gabi, siya ang gumigising kapag narin

