Unang beses naming lumabas bilang isang pamilya matapos kong manganak. Maganda ang panahon, hindi masyadong mainit at may kaunting simoy ng hangin na dumadampi sa balat. Bitbit ko si Lillyna na mahimbing na natutulog sa maliit niyang kumot, habang si Atticus naman ay nasa tabi ko, hawak ang payong na parang personal niyang misyon na huwag akong mainitan. Tahimik lamang kaming naglalakad sa daan patungo sa plaza. Gusto lang naming mag-unat ng katawan at magpakita kay Lillyna ng bagong paligid, kahit pa hindi pa siya gising. Habang naglalakad, ramdam ko ang kakaibang tingin ng mga kapitbahay. Hindi ko alam kung dahil ba kay Atticus na kahit simpleng nakaputing polo lang at pantalon ay nagmumukhang intimidating pa rin, o dahil sa akin na ngayon ay may dalang sanggol at may kasamang asawa. A

