Habang humahakbang kami ni Quinn papunta sa dining room ay parang gusto kong magpabuhat sa kaniya. Bakit ba sobrang tamad ko ngayon? Hindi kaya may sakit na ako? “Quinn!” tawag ko kay Quinn na may kasamang takot. “Hmmm?” “Hindi kaya may sakit na ako?” “Why?” Hinarap niya ako at pinagkrus pa ang braso niya na parang aliw na aliw pa sa akin samantalang ‘yong mukha ko ay siguradong mababakas ang takot at pag-aalala. “May sakit na yata ako.” “Ano naman ang magiging sakit mo kung sakali?” “I don't know!” “Bakit hindi mo alam?” “All I know is I am always eating healthy foods!” Hindi naman kasi ako mahilig sa matatamis at maaalat na pagkain. Hindi rin ako mahilig sa kung ano-ano lang ang kinakain. “Hindi kaya may nangkukulam sa akin?” “At sino naman ang gagawa sa iyo ng ganoon? Ma

