“Let's go,” yaya ni Quinn sa akin papunta sa ospital para magpakonsulta sa doktor pero tinatamad ako. Nakabihis na ako pero tinatamad akong umalis dahil inaantok ako kaya humiga na lang muna ako rito sa kama. “Venezia, let's go.” “P'wede bang bukas na lang?” hirit ko kahit ilang araw na kaming ganito. Laging postponed dahil sa tuwing aalis kami ay tinatamad talaga akong humakbang. “Bakit na naman?” “Tinatamad kasi akong umalis ngayon, eh. Sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko tapos nahihilo pa ako.” “Aside from that, wala ka na ba ibang nararamdaman? Hindi ba sumasakit ang tiyan mo?” “Hindi naman.” “Alright,” wika nito na sinabayan pa ng pagtango-tango. “Sabihin mo kaagad sa akin kung may masakit sa iyo, okay?” “Okay.” “Magbihis ka na ng pambahay para maging komportable ang pakir

