“You're five weeks pregnant!” ‘Yon ang sinabi sa amin ng doktor kanina pagpunta namin sa hospital kaya si Quinn ay halos mapunit ang bibig sa sobrang pagngiti. Halos hindi nga ako makasingit kanina dahil si Quinn ang halos kumausap sa doktor hanggang sa matapos ang check-up ko. Nakatingin ako sa kaniya habang abala siya sa pagmamaneho dahil pauwi na kami. Inabot kami ng gabi dahil kung saan-saan niya ako dinala para kumain dahil baka raw nagugutom na ang baby namin. Ibang klase talaga ang lalaking 'to. Sobrang excited na hindi mo mawari. Ang mga mata niya ay nakatingin ng diretso sa kalsada habang may matatamis na ngiti na nakapaskil sa mga labi niya. “Hindi ba nangangalay ‘yang panga mo sa kangingiti?” hindi ko mapigilang tanong. “Kanina ka pa kasi nakangiti, eh.” Tinapunan ni

