“Okay ka na? Relax ka na? Kalmado na po?” sunod-sunod kong tanong kay Quinn dahil kanina pa salubong ang mga kilay niya kahit nga nalaman na niya na maayos naman ang baby namin. Nalaman na rin namin ang kasarian ng anak namin. Imbes na matuwa ay parang may kakambal na pagdududa ang lalaking kasabay ko na naglalakad. Hindi nga ako makasingit kanina dahil simula pagdating namin hanggang sa matapos ang check-up ko ay siya itong mas maraming sa doctor kaysa sa akin. “Is he really sure about your health? Is he really sure that our baby is fine and healthy?” “Ha? Oo, naman. Narinig mo naman ang sinabi ng doctor hindi ba? Nakita mo rin naman sa ultrasound na gumagalaw ang anak mo, right?” “Parang hindi ako naniniwala ni isa man sa mga sinabi niya.” Natawa ako sa sinabi ni Quinn. “What? Wha

