“Hija, kain na,” masayang alok ni Aling Lita sa akin paggising ko. “Sabay na tayo dahil nauna na si Quinn.” Nauna na pala siyang kumain. Saan kaya natulog ang lalaking ‘yon? Hindi kasi siya natulog sa kuwarto kung saan ako natulog. “Saan po siya nagpunta?” “Hindi ko rin alam, Hija,” sagot ni Aling Lita sa akin. “Dinala niya ang sasakyan niya kaya baka sa bayan siya pupunta. Hindi ba siya nagpaalam sa iyo?” “Hindi po, eh.” Tipid akong nginitian ni Aling Lita. “Hayaan mo na dahil babalik din naman ang batang ‘yon.” Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong umupo. “Ibinilin ka niya sa akin na alagaan kita at ibigay kung ano man ang gusto mo kaya kumain ka na.” Ang daming pagkain na nakahain sa lamesa gayong dalawa lang naman kaming kakain. “Kayo po ba ang nagluto ng lahat n

