Walong oras lang ang naging biyahe namin ni Quinn bago kami nakarating dito sa rest house niya taliwas sa sinabi niya na twelve hours. Napalinga-linga ako sa paligid. Wala nga talagang bahay kahit na isa sa paligid dahil puro lang mga punong kahoy ang nakikita ko. “Let's go,” yaya ni Quinn sa akin. Bitbit niya ang mga pinamili namin at ganoon din ang maleta ko. Ayaw niya kasi akong bigyan ng bibitbitin kaya tuloy ang dami niyang dala-dala. “Hijo!” masayang salubong ng matandang babae kay Quinn. Hindi niya ako agad napansin dahil nasa likod ako ni Quinn. Nang makita niya ako ay tipid niya akong nginitian habang titig na titig sa akin. “Magandang gabi sa iyo, Hija,” bati sa akin ng matanda. “Magandang gabi rin po,” bati ko pabalik. “Manang Lita, pakihanda po kami ng makakain,” utos

