“Quinn, lumabas ka na, please?” pakiusap ko kay Quinn dahil tiyak na pinag-iisipan na kami ng masama sa mga oras na ‘to lalo pa’t madaldal ang kapatid ko. “Nahihiya ka ba?” “Malamang!” “Bakit?” Kanina pa ako bumubuga ng hangin. Pinipigilan ang sarili na hindi masaktan ang lalaking ‘to. “Sabay na tayong lumabas.” “Mauna ka na nga!” “Alam na rin naman ni Hector na may nangyari na sa atin kaya wala nang dahilan para mahiya ka.” “Lalabas ka ba o hindi?” tanong ko na may kasamang pagbabanta dahil nauubusan na ako ng pasensiya. “Lalabas na.” “Dalian mo!” “Tsk! ‘Yong ginawa natin, ginagawa rin naman nila ‘yon–” Binato ko siya ng unan kaya napahinto siya sa pagsasalita. Ang dami pa kasing litanya bago lumabas. Nakakainit ng ulo! “Labas!” “Oo na.” Paglabas ni Quinn ay ni-lock ko

