“Ate, nandyan si Kuya Quinn,” imporma ni Venice sa akin dahilan para mapatitig ako sa kapatid ko. Tanghali na kasi pero nakahilata pa rin ako dahil tinatamad pa akong bumangon. “Oh, ngayon?” Magaling na ba agad ang lalaking ‘yon? Kahapon lang ako umalis sa bahay niya, ah. “Ano’ng gagawin ko kung nandiyan siya?” “Hindi ka ba lalabas para makita siya?” “Masama ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko. “May kasama siyang babae, Ate,” seryosong bulong sa akin ng kapatid ko dahilan para taasan ko siya ng kilay. Hindi bakas sa mukha ni Venice na nagbibiro lang ito. “Girlfriend niya siguro ‘yon.” “Hayaan mo sila,” sagot ko sa kapatid ko at ibinalot pa ang sarili ko sa kumot. Wala akong lakas ngayon para usisain ang mga bagay-bagay. Wala akong pakialam kung may kasintahan man ang lalaking ‘

