OMUB38

1614 Words

“Sigurado ka bang uuwi ka na talaga?” paulit-ulit na tanong ni Jenny sa akin. “Masama pa kasi ang panahon tapos may sakit pa si Señorito.” “Alagaan mo na lang siya pagkatapos mo akong ihatid,” walang pakialam kong sabi kay Jenny. “Sasabihin ko na lang din kay Uncle na may sakit ang kaibigan niya kapag nakauwi na ako.” Napabuga ng hangin si Jenny. “Ikaw ang bahala. Kung ganoon, umalis na tayo para makabalik agad ako habang hindi pa gaanong malakas ang ulan.” “Sige.” “Tulungan na kita. Ako na ang magdadala sa iba mong gamit.” “‘Wag na,” tanggi ko. “Magaan lang naman ang mga ‘to.” “Ang tigas din ng ulo mo, ‘no?” “Mauna ka nang maglakad,” sa halip ay utos ko. Binigyan ko ng payong si Jenny para hindi siya mabasa ng ulan samantalang ako ay pinili kong magpaulan. Hindi naman mababasa ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD