Tanghali na ako nagising at pakiramdam ko ay gutom na gutom na ako kaya naman mabilis kong inayos ang hinigaan ko pati na rin ang sarili ko bago ako lumabas. Medyo malaki na ang tiyan ko dahil anim na buwan na akong buntis ngayon. Sa totoo lang para akong walang kabusugan dahil maya’t maya akong gutom kaya naman laging puyat si Quinn dahil maya't maya niya akong ipinagluluto. Sa tuwing nagrereklamo kasi ako na nagugutom ako ay agad siyang bumabangon para ipagluto ako. Pero, minsan naman kapag nakikita ko na mahimbing na ang tulog niya ay ako na lamang ang nagluluto ng sarili kong pagkain. Ang problema, pinagagalitan niya ako kapag nagigising siya na wala ako sa tabi niya dahil hindi ko raw siya ginising para sabihin na nagugutom kami ng anak niya. Ang swerte ko kay Quinn pero m

