Nakauwi na kami galing sa ospital. Ang mga magulang ko ay todo alalay sa akin lalong-lalo na si Quinn. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Quinn Nandito kami sa kuwarto ngayon. Nakahiga ako rito sa kama habang si Quinn naman ay nakaharap sa laptop niya. Ang anak namin ay nakahiga naman sa crib na narito lang din sa kuwarto namin. Ang bait ng anak ko dahil tulog lang siya ng tulog kaya naman hindi ako masyadong pagod. “Nagugutom ka ba?” “Hindi naman.” “Sigurado ka?” Tumango ako. “Nanghihina ako.” Biglang in-off ni Quinn ang laptop niya at itinuon niya ang buong atensiyon niya sa akin. “What do you mean? Nanghihina ka? Ano’ng masakit?” “Pakiramdam ko wala akong buto.” “Walang buto?” “Oo. ‘Yong tipong walang lakas. Pero, wala namang masakit sa akin.” “Hindi pa kasi nakakab

