“How's your feeling? Are you alright? Are you hungry?” sunod-sunod na tanong ni Quinn pagkagising ko. “Do you want to eat?” Tambak ang pagkain sa harapan ko na tila ba bibitayin ako. Limang oras na ang nakakalipas simula nang ilabas ko ang panganay namin ni Quinn. Nakatulog ako pagkatapos kong manganak dahil sa sobrang pagod. Ang anak ko ay tulog sa tabi ko. Napakaamo ng mukha niya at talaga namang kamukhang-kamukha siya ni Quinn. “Umiiyak ka ba?” Napansin ko kasi na palihim na pinunasan ni Quinn ang mga luha niya. “Of course not! Why would I cry?” “Okay lang ako,” ani ko sa nanghihinang tono. “Sabi ko naman sa iyo ay magiging ayos lang kami, ‘di ba?” “I know.” “Ba’t umiiyak ka pa rin?” “I'm just happy because the two of you are both safe, Venezia.” Tinitigan niya ang anak nam

