“Sobrang laki na talaga ng tiyan mo,” puna ni Quinn habang naglalakad kami papunta sa parke. Araw-araw namin itong ginagawa lalo na ngayon na kabuwanan ko na. Anumang oras ay inaasahan na namin na lalabas na ang aming panganay. “‘Wag na kaya muna tayo maglakad ng malayo. Doon na lang tayo sa bahay para kapag sumakit ‘yang tiyan mo ay madala kaagad kita sa ospital.” “Simula bukas ay sa bahay na lang ako maglalakad-lakad.” Mukha lang na kalmado ang mukha ng lalaking kasama ko pero nararamdaman ko na mas kinakabahan pa siya kumpara sa akin dahil napapansin ko paminsan-minsan na natataranta siya. “Uwi na tayo?” “Sige,” pagsang-ayon ko. Habang naglalakad kami pauwi ay magkahawak kami ng kamay. Ang lamig ng kamay niya kaya alam ko na kinakabahan na naman siya. “Quinn.” ”What’s wrong

