Chapter 2
Noreen
"GOOD JOB NOREEN!" rinig kong sabi ng trainer ko matapos umahon sa pool "You are faster than before, lalo kang nag i-improve..." ngumiti lang ako saka na pinunasan ang medyo basa kong buhok, I smirked matapos makita ang pagtitig niya sa akin, I was just wearing my two-piece red swim suit.
Jaden, my trainer is twenty-six; he was the university's former swimmer athlete "I think you are ready for the competition..." sabi pa niya habang naglalakad sa likod ko, hinawi ko ang buhok ko saka umikot at tumingin sa kanya, I saw his priceless expression at nakaawang na bibig.
"I'm ready for everything..." sagot ko saka ngumisi, he nodded at me na kala mo na possessed. Sabay kaming napatingin ng bumukas ang pinto, napangiti ako ng makita ko si Cielo, she smiled at me saka bumeso rin "Training?" I asked her and she nodded, Cielo Del Rosario, the jack of all trades! Unlike his boring brother, very active ang babaeng ito.
"Yes..." sagot niya saka hinubad ang robe, nakita ko kung gaano ka fit ang katawan niya, for a sixteen year old, I must say, maganda talaga siya! "Tapos kana?" she asked and I smiled.
"Mauna na ako sa iyo..." paalam ko at tumango lang siya, naglakad na ako papalabas ng training center ng bigla kong nakasalubong si Cloud, napahinto rin si coach. Nagtama ang mga mata namin, nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. I slightly raised my chin and looked at him, sinabit ko na rin sa balikat ko ang tuwalya na hawak ko to exposed my sexy body.
Oh ano ka ngayon? Di mo ako type huh!
Sinenyasan ko ang coach ko na mauna na. Cloud was just standing infront of me, walang imik, nagtama ulit ang mata namin and there I started to speak.
"Speechless?" pagtataray ko saka flinip ang hair, tinaasan ko siya ng kilay bago lumapit sa kanya.
He was just wearing a white shirt at light brown shorts na may stripes and his usual slippers, napatingin tuloy ako sa mga daliri niya sa paa, in all fairness ah kahit ang paa gwapo tignan.
Maybe he accompanied Cielo this time. Ngayon ko lang naman din siya nakita dito sa training center. He is not the type of person na makikita mo kung saan saan. He would rather stay inside his undisturbed room than going out, kaya I wonder kung paano niya niligawan yung girlfriend niya or paano man lang sila mag date.
"I understand Cloud, you don't have to say anything, sanay na ako sa mga natutulalang mga lalaki pag nasa harap nila ako..." I boasted at him. He was just standing there while his two hands were inside his pockets.
"And about last time, don't worry, kung hindi mo ako type, mas hindi kita type. So we're good..." and I patted his shoulder "Sorry, I have to go first, hindi ko na hahayaang busugin mo pa ang mata mo sa nakikita mo. Bye!" maarte kong sabi, I was about to walk out of the pool area ng hinawakan niya ang braso ko.
Ngumisi ako saka tinignan siya "Why? Don't tell me, you are going to say sorry and confess your feel-"
"You have lots of unwanted fats..." he lazily said saka tinuro ang tiyan ko.
"WHAT?" biglang nag-init ang buo kong mukha dahil sa sinabi niya.
It immediately turned my head like an erupting volcano. Actually I don't care about the words he used eh, it was the way he said it ang nagpapagalit sa akin.
His eyes were like shouting that he is not interested. His voice sounds like he doesn't really care and his face, it's expressionless!
"Your arms are even sagging..." he added and pinched it too. Napaatras ako dahil doon.
WHAT? SAGGING?
"Huh? I think you should ask your eye doctor for new prescription of your glasses! Sobrang foggy na ng mata mo hindi mo na nakikita ng mabuti ang nasa harap mo!" asar kong sagot ko sa kanya and even tried to push his eyeglasses but he immediately moved his head at naiwas iyon.
This man has a bad eyesight! He really has a bad one!
"My eyes are working fine." He said with straight face. He even bent down on me and moved his eyeglasses up and down. "With or without this, those fats are pretty obvious."
"Akala mo ba mapipikon ako sa mga pang aasar mo?" Taas kilay kong sabi "You have no effect on me Mister! FYI!"
"Ah. To set things straight, I never teased you. It was just me being honest." he immediately replied and walked in front of me.
He acted so cool and that made me fuming mad. How can someone love him? No one can ever stand that attitude!
"AHH!" sigaw ko saka tinapon sa kanya ang tuwalya ko, tumama yun sa likod niya habang naglalakad siya but he didn't care. He didn't even look back.
I was stamping my feet palabas ng pool area dahil sa inis. I swear, one day lulunurin ko siya sa pool!
-------
"Oh!" abot sa akin ni Ron ng burger, fries at softdrinks, I pouted saka umiling "Diet teh?" tanong niya saka naupo sa harap ko, gutom na gutom na ako pero hindi ako pwedeng kumain!
"Ron?" tanong ko, he raised his eyebrows "Bakla, mataba ba ako?" I asked dahilan para muntik niya ng maibuga ang kinakain.
"Saan mo napulot yan?" tanong niya saka kumagat na sa burger niya "Kung bibigyan Niya ako ng pagkakataon na sumapi sa isang katawan, Bessy, sa iyo ako sasapi!" malandi niyang sabi pero hindi sapat para pagaanin ang pakiramdam ko.
"S-Sabi kasi ni-" napatingin ako sa kanya at natigilan "Feeling ko kasi, may unwanted fats ako sa arms at tiyan ko eh..."
"Ang arte bessy ah! Pwede ka ngang mag modelo sa ganda mo at ng katawan mo!" he rolled his eyes.
I KNOW RIGHT! Bwiset lang yun si Cloud!
"Pero yung mukha mo bessy." saka niya pinisil ang pisngi ko "Parang lumalaki!"
"WHAT?" tanong ko at biglang napatayo, agad akong tumingin sa salamin "Totoo ba? Malaki na mukha ko?" I asked Ron at tumango lang siya saka sinimulang ubusin ang mga pagkain "Damn! TOTOO NGA!" I cried.
----
Tapos na ang lunch break at nagpaalam na si Ron sa akin na pupunta muna siya sa locker niya. I was so depressed the whole day dahil sa sinabi ng walang hiyang lalaking iyon.
No wonder hiniwalayan siya ng girlfriend niya dahil sa sama ng ugali niya! Tama bang ituro pa niya ang tiyan ko saka sabihing maraming unwanted fats? Pati ang braso ko, lumalawlaw daw? Wow di ba?
"Noreen!" tawag sa akin ni Ron habang dala-dala ang toolbox namin "Dala ko na yung mga resistors and wires." saka niya inabot ang toolbox ko, gagamitin kasi namin ito sa laboratory mamaya.
"Thanks Bessy!" saka ako ngumiti.
"No problem basta ba you'll assure me na may trabaho na ako agad sa kompanya niyo after we grad!" pagbibiro niya and we both laughed "Oi Bessy!" tawag niya sa akin "Lumipat na pala si Cloud dito!" sabi niya na parang kinikilig pa. I rolled my eyes saka biglang nag-asim ang mukha ko matapos kong marinig ang pangalan ng lalaking iyon.
"So what?" sagot ko saka sinimulang maglakad.
"Alam mo bang maraming naka pila sa Civil Engineering Department ngayon dahil sa kanya?" excited na sabi ni Ron, matalas ko siyang tinitigan.
"WHAT?"
"You heard me right Bes, maraming nag shift para lang maging classmate siya!" nakita ko ang pagtwinkle twinkle ng mata niya.
"At alam mo ba ang gwapo-gwapo niya sa malapitan! Yung lips niya! Yung mata niya! Yung kilay niya! Yung ilong niya! Yung kutis niya! Grabe!" kaya siguro natagalan ito, nakipag chismisan pa.
"And his signature look, yung nerdy-hottie look na kaunti lang kayang mag pull off!" Kumunot ang noo ko.
"Nerdy-hottie look?" Ulit ko sa sinabi ni Ron na parang hindi maintindihan kung saan niya napulot ang salitang iyon.
"Yes, ano kaya ang grado ng mata niya?" Tanong pa niya. Like I care! Basta malabo na, sobrang labo na!
"Ano bang nagugustuhan niyo sa lalaking yun? Eh bukod sa mayaman ang pamilya niya wala ng maganda sa pagkatao niya! Ni hindi ka nga ngingitian nun kung nakita ka eh!" sagot ko saka binagsak ang toolbox ko sa desk.
"Yun na nga bessy! Yung tipong hard-to-get! Yung tipong ginto ang bawat salita niya! Yung tipong mahal ang bawat ngiti niya! At yung titig niya! Grabe bes! Pamatay!" sagot niya sa akin and I sighed saka umiling-iling.
"Nakakainis ngayong pang third year college tayo saka siya lumipat, ay sayang! Dalawang taon ko na lang siyang masisilayan!" dagdag pa niya.
"I can't believe you, alam mo ba kung bakit hindi siya parating nagsasalita?"
I intentionally shouted para makuha ang atensyon ng lahat. They were obviously eavesdropping din naman kasi sa topic namin ni Ron simula ng makapasok kami sa room.
"KASI MABAHO ANG HININGA NIYA!"
At napangisi ako ng marinig ko ang bulung-bulungan ng mga classmate namin, tumayo pa ako sa harap saka ipinataong ang kamay sa beywang.
"At alam niyo ba kung bakit siya lumipat dito?" tanong ko sa buong klase, all their attention is on me especially yung mga babae.
"Kasi nagbreak sila ng girlfriend niya sa kabilang university, yung girlfriend niyang model, hindi na kinaya ang hininga niya at ang pinaka matindi nadatnan siya ng girlfriend niya na sinusukat Cloud ang mga sapatos niya! He doesn't even know how to kiss, that man is useless!"
I laughed so loud matapos ang mga sinabi. I almost p**e dahil sa sobrang kakatawa, hinihila na ako ni Ron but I continued laughing.
Nasa Psychology class kami ngayon and this class is composed of different courses. Murmurs are starting to build up and different reactions were raised.
"Oi Noreen paano mo naman nalaman yan? Masamang manira ng tao!" sabi naman ng die-hard fan ni Cloud, I rolled my eyes saka pinaypayan ang sarili. I stopped myself from laughing bago siya sinagot.
"Pwede ba, close ang Mommy ko at Mommy niya!" I answered her.
Lumakas ang bulung-bulungan at napansin ko na they were looking at someone behind my back.
Ah. I suddenly got chills ng makita kung sino ang nakatayo sa likod ko.
Wearing his usual straight face, he looked down at me.
"A-Ah. A-Andyan ka pala." Nauutal kong sabi habang sinusubukang ngumiti sa kanya. I was about to go down the platform and take my seat ng nagsalita siya.
"Sinong mabahong hininga?" His voice is so deep halos malunod ako dahil doon. Bigla akong namawis dahil sa kaba. He may looked calm pero ramdam ko ang galit niya.
"A-Ah... E-Ehh..Hihihi... A-Ano..."
"Sino yung nagsukat ng sapatos ng girlfriend niya?" Tanong niya ulit. I looked down.
Halos mapatalon ako ng marinig ko ang yabag niya papalapit sa akin, natahimik ang buong klase at napalunok ako lalo ng hinawakan niya ang chin ko dahilan para masalubong ko ang titig niya. He moved his face closer.
Na corner niya ako sa white board matapos niyang ilapit ng sobra ang mukha niya, mga dalawa or tatlong inches na lang ang layo.
"Sino ulit ang di marunong humalik?" tanong niya saka ko naamoy ang mabango niyang hininga, napalunok ako at nanginginig na itinaas ang kamay, pero nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya iyon. I heard the whole class gasped when he captured my two hands and placed it above my head.
"A-Ahh C-Cloud..." nauutal kong sabi at pakurap-kurap ang mata matapos makita ng mas malapitan ang namumula niyang labi, ang nangungusap niyang mga mata at napakakinis na mukha, nakita ko ang pagngisi niya.
"Do you want to try it with me Noreen?" he whispered and biglang tumigil ang pagtibok ng puso at ng hininga ko ng mabilis niyang hinapit ang bewyang ko at hinawakan ako sa batok "So that you can finally speak from your own experience."
Ramdam ko ang pagtitig ng buong klase sa amin, alam ko na nakanganga sila at inaantay kung anong susunod na mangyayari. Nakipagtitigan ako sa walanghiya.
T-Teka bakit ba ako natatakot? Siya naunang mang-asar di ba? Kapal ng mukha!
I was about to answer him ng biglang may narinig kaming nagsalita sa may pinto.
"Bakit may romantic scene dito?" tanong ng prof that made Cloud loosen his grip, muntik pa akong mapaupo dahil medyo nanghina ang tuhod ko dahil sa ginawa niya "May loveteam agad?" tanong niya at marami ang naghiyawan, I rolled my eyes saka pinagpag ang damit ko.
"Hindi ako pumapatol sa bakla..." bulong ko saka umupo sa assigned chair ko.
"Welcome Mr. Del Rosario, you can sit beside Ms. Del Vega..." Mr. Sanchez said at napaawang ang bibig ko, napatingin ako kay Ron sabay nun ay binigyan niya ako ng nakakaasar na tingin.
"Hindi ako pumapatol sa mga chismosa..." bulong ni Cloud bago umupo sa tabi ko.
I covered my face at pilit na pinakalma ang sarili. Calm down Noreen, wag mo na lang siyang pansinin! Wag mo na lang siyang pansinin!