Chapter 3

1650 Words
Chapter 3 Noreen Buong araw akong banas na banas dahil sa nangyari. Una, nakatabi ko ang pinakaboring at walang pakialam na tao sa mundo! Pangalawa, nagkaroon pa kami ng activity at wala akong naging choice kundi ang makapartner siya kasi by seatmate ang gusto ng prof! Pangatlo, na put into waste ang lahat ng pagod ko matapos kong trabahuhin ang sasabihin namin sa harap and it turns out na meron na pala siyang nasa isip niya na sasabihin pero he let me do all the job! Nakakabuset lang di ba? "Bessy, ang wrinkles!" sita sa akin ni Ron matapos niyang iserve sa akin ang favorite kong wintermelon milk tea. I shrugged and looked at him, buti na lang nakakabawas ng stress ang ambiance ng 'arTEA Shop' namin. "Oh? Badtrip parin?" tanong niya saka narin tinusok ang straw sa cup, siya talaga ang taga tusok nun dahil pag ako, pati cup masisira o kaya naman walang matitira dahil mabubuhos lang lahat, ewan ko ba, I just can't make it right! "Paanong hindi ako maiinis, nakakakulo ng dugo ang Cloud nayun noh!" paghihimutok ko saka sinimulang inumin "Lalong sumasarap bakla ah!" puri ko dun matapos matikman saka ko siya nakitang ngumiti, pero agad rin akong sumimangot pagkatapos nun. "Bakit kaba naiinis?" tanong niya saka rin tinusok ng straw ang kanya "Ang gwapo-gwapo ng katabi mo, ang bango-bango, naku bessy pag ako ang nasa sitwasyon mo baka naglupasay na ako!" "Sabi ko naman sa iyo Ron, walang interesting sa lalaking iyon!" pagsagot ko sa sabi niya, I rolled my eyes saka ginalaw-galaw ang straw habang hinuhuli ang black pearls na nasa bottom ng milk tea ko. "Ano bang history niyo at mukhang sagad sa buto ang pagkainis mo sa kanya?" pag-uusisa ng bakla, I took a deep breath saka siya tinignan. "History? Wala! Basta nung una ko lang siyang nakita at nakausap nainis na ako sa ugali niya! Mantakin mo Ron, pag-iniiwan kami ng parents namin para daw makapag-usap, siya pa itong may ganang tignan lang ako! At ako pa talaga ang unang magsasalita, di ba ang mga gentleman hindi ganun? Naku, mapapanis ang laway mo kung siya ang kasama mo!" "Yun lang naiinis kana?" tanong niya kaya tinignan ko siya ng hindi makapaniwala "Anong yun lang? Ron, naririnig mo ba ako? Ako si Noreen Del Vega, yung ibang lalaki halos nagkakandarapa makausap lang ako tapos siya? Tapos siya?" binagsak ko ang inumin ko sa mesa dahilan para mapatingin ang ibang customer sa amin. Maagap namang ngumiti si Ron sa kanila at humingi ng pasensya. "Bessy, naririnig mo ba ang sarili mo? Naiinis ka dahil dedma niya ang beauty mo? The nerves!" bakla niyang sabi "May gusto kaba kay Cloud?" Agad akong napatayo dahil sa sinabi niya "RON, KILABUTAN KA NGA SA SINASABI MO!" sigaw ko sa kanya saka niya ako pinakalma at pinaupo ulit. I'm not being in denial or what, wala talaga akong gusto sa kanya, sige oo nung una ko siyang nakita shempre attractive ang mukha eh pero after several times naming nag meet doon ko na na realized na yun lang ang maganda sa pagkatao niya. Walang exciting sa kanya, walamg impressive bukod sa mukha at family background niya. Walang depth ang personality niya. And somehow starting that day, sobrang inis na ako sa kanya, oo wala siyang ginagawa sa akin, literal na wala siyang pakialam sa akin, pero sobrang naiinis ako sa kanya. You can't blame me, meron at meron tayong taong kinakainisan kahit walang ginagawa sa atin di ba? And for me, si Cloud yun! "Oh sige na, hindi na!" pag-aalo niya sa akin pero andun parin ang tono ng pang-aasar, inirapan ko na lang siya. "Anong oras ka magsasara?" pag-iiba ko ng topic. "9 PM!" sagot niya saka biglang tumunog ang cellphone niya, nakita ko ang pagkunot sa noo niya matapos mabasa ang message. "Problem?" I asked him pero umiling siya at ngumiti agad "Then, sleep ka naman sa unit ko bessy!" paglalambing ko saka ako yumakap sa braso niya. "Ano ba Noreen?" tulak niya sa akin na parang nandidiri "Sabi ko pag sa public wag mo akong yayakapin o hahalikan eh, baka isipin nila syota kita, naku hindi na ako magkaka boyfriend!" and I laughed after that. Oo ilang beses na niya akong sinita. Ayaw nga nitong hinahatid ako sa bahay baka isipin daw nila na girlfriend niya ako unless no choice na lang talaga siya. "Eh ano naman? Kaya mo naman akong buntisin kahit bakla ka eh!" saka niya ako malakas na hinampas matapos ang sinabi ko. "BAKLA KILABUTAN KA!" sigaw niya sa akin saka niya kinuha ang alcohol sa bag ko at nagpunas sa buong katawan "Diyos ko patawarin niyo po kami!" rinig ko pang bulong niya saka ako nagtatawa. "Oh ayan, tumatawa kana, mabuti naman, don't let Cloud get into your nerves Bessy, kung hindi niya pansin ang beauty keri lang, maraming iba dyan, baka ako ang type niya!" pahabol pa niya. "Ewan ko sa iyo!" sagot ko saka inubos ang iniinom "Ron, sa unit ko kana matulog, maraming foods, kaka-grocery lang ni Yaya at hinatid na sa unit ko!" pag-babribe ko habang taas-baba ang kilay, he shook his head saka hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry bessy, I can't tonight kasi naman nagtext si mudra kailangan ako sa bahay, you know naman..." I pouted saka siya inirapan. "Bahala ka uubusin ko lahat ng chocolates, hindi kita titirahan!" saka ako kunwaring nag tampo, I grabbed my bag saka susi ng kotse na nasa ibabaw lang din ng mesa. "Alam kong hindi mo magagawa yun, babawi na lang ako next time, lalafang tayo ng bongga!" pangako niya at ngumiti na rin ako agad. I hugged him saka bumeso at nagpaalam na rin. Malapit lang ang shop sa school kaya most of the customers mga schoolmates din namin. Sa loob naman ng campus ang building kung saan ang unit ko. Mabagal lang ang takbo ko dahil sobrang lapit lang din ng building. Dumiretso na rin ako agad sa lobby matapos kunin ng parker ang susi sa akin. I-pressed the 14th floor ng biglang may humarang na kamay sa pasarang elevator. Napaawang ang bibig ko ng nakita ko ng tuluyan ang mukha ng humarang, saglit niya lang din akong tinignan pero walang emosyon at imik rin siyang tumayo sa harap ko at hinayaang sumara ang pinto. "Talaga naman..." I breathe out, nakikita ko ang reflection niya sa pinto ng elevator. "Ganoon ka na ba ka desperado sa akin para sundan pa ako hanggang dito?" sabi ko habang nakataas ang kilay, kinuha ko ang isang panali na nasa bulsa ko saka itinaas ang buhok, pinunasan ko ang leeg ko at nakita ko ang paggalaw ng mata niya dahil doon, ngumisi ako. "Come on Cloud, you won't get ugly kung aamin ka na may gusto ka sa akin..." dugtong ko saka siya inirapan agad, tumingin ako sa screen ng buttons, 10th floor na kaya sinulyapan ko siya "Bumaba kana, hindi na ako tumatanggap ng bisita!" pero hindi niya ako pinansin. "Ang tigas din ng ulo mo noh!" saad ko saka siya inunahan sa paglabas ng elevator, I stood in front of him saka hinarangan ang pagsara nun "Uwi na, bukas mo na ako bisitahin!" saka ko siya nginitian ng nakakaasar, tinignan niya ako saka nilipat ang tingin sa kamay ko na nakaharang sa elevator. Nabigla ako ng marahas niyang tanggalin ang mga iyon doon saka niya ako binangga sa balikat. "HOY!" sigaw ko saka siya inunahan sa paglalakad "SABING UMUWI KANA! AYAW KO NA NG BISI-" tinaas niya ang kanang kamay niya matapos tumunog ang phone niya dahilan para tumigil ako sa pagsasalita. "Yes Mom..." tumingin siya sa akin "Peace? I'll try pero lilipat din ako agad kung hindi ko kayang tiisin ang ingay..." mababa at parang tamad pa niyang sabi, peace? I'll try? Hindi kayang tiisin ang ingay? Anong ibig niyang sabihin? Kapal ng mukha! "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya the moment he put his phone inside his pocket, tinignan niya lang ako saka humakbang ulit, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglalakad ng bigla niya yung hinigit saka niya pabalik na hinila ang kamay ko dahilan para mapasandal ako sa pinto. "A-Aww!" angal ko ng lalo akong napasandal doon dahil sa paglapit ng mukha niya sa akin. "G-Grabe ka, obsessed kana sa akin Cloud!" saad ko saka ngumisi. Ipinatong niya ang kaliwang kamay sa gilid ng mukha ko saka niya ako tinignan ng mabuti. Nakipagtitigan ako sa kanya pero bigla kong naramdaman ang paggalaw ng isang kamay niya sa baba kaya bigla akong nag-init at pinagpawisan. "T-Teka, C-Cloud, b-bata pa tayo-AHHH!" napasigaw ako ng biglang bumukas ang pinto na nasa likod ko matapos niyang pinihit ang doorknob njn, napaupo ako sa sahig pero tinignan niya lang ako. Ang kapal ng mukha, hindi man lang ako tulungang tumayo! "Fingerprint locks are safer than the passcodes..." sabi niya habang nakatingin sa akin, napalunok ako. T-teka, fingerprint lock? S-Sa kanya ito? I gathered all my strength para tumayo, inayos ko rin agad ang sarili ko and slightly raised my chin. "S-Sa iyo ang unit na ito?" tanong ko at tinanguan lang ako ng walang hiya "D-Dito ka? Dito ka sa floor ko?" "Floor mo?" tanong niya saka naglakad pabalik sa akin "My Dad didn't inform me na nabili mo na ang building na ito sa Del Rosario Group of Companies, am I obstructing any law here?" "AHHH!" sigaw ko sa mukha niya saka padabog na naglakad palabas ng unit niya, tinapat ko ang thumb ko sa lock saka agad na rin akong pumasok sa unit ko. Tinapon ko ang sapatos ko saka nagsisigaw sa loob "ANDAMING FLOORS, ANDAMING UNITS! BAKIT DITO PA SA TABI KOOOOO? AAHHHHH!" Sinasabunutan ko ang sarili ko ng biglang tumunog ang telepono "Hello?" sagot ko doon. "Please stay quiet, I need a safe and peaceful place to study, neighbor!" at narinig ko na rin agad ang end tone. "CLOUD!" sigaw ko saka humarap sa full-size mirror na nasa kwarto ko, gulo-gulo ang buhok ko pati na rin ang lipstick at mascara "Tandaan mo ang araw na ito at ang mga araw na binalewala mo ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD