Chapter 4
Noreen
"OH MY GOD!" rinig kong sabi ni Ron matapos kong makababa ng kotse. Ngumisi ako saka mataray na tumingin sa kanya. Parang naka slow motion ang lahat at kitang-kita ko kung paano tumitig ang mga tao sa akin dahil sa sobrang ganda ko today!
I flipped the end of my hair na nakaponytail saka agad ring nginuya ang bubble gum na kinakain ko, I blew it pero iniwasan kong lumapit sa ultra mega super red kong lips ngayon!
"Bakla! Parang kang hot teacher na bida sa mga p**n sites!" puna ni Ron at tinignan ko ang suot ko.
Naka white racer back sando lang ako na pinatungan ng black blazer tapos nag pants akong black na super hapit sa sexy kong hips, ginamit ko na rin yung pinakamataas kong black stiletto shoes. Tinaasan ko siya ng kilay saka nilubo ang bubble gum at pinutok din agad.
"Nanunuod ka ng p**n?" tanong ko at ngumiti siya.
"Sometimes..." bulong niya at napailing na lang ako.
Hinampas ko ang shoulder bag ko sa dibdib niya at agad niya rin iyong kinuha. Naglakad ako with full of confidence at nakita ko kung paano madapa at maglaway ang mga lalaking nakakasalubong ko.
"B-Bakit nakaganyan ka?" tanong niya sa akin, tinignan ko siya ng matalim bago nagsalita.
"To prove something..." sagot ko at pinagpatuloy ang pagrampa ko hanggang sa makapasok na ako ng room.
Nasa pinto pa lang ako at lahat sila natigil sa mga ginagawa. Nakita ko ang sabay-sabay na pag-awang ng mga bibig nila matapos akong tignan mula ulo hanggang baba. May ilang lalaki rin ang nagtatakbo palabas ng room at I'm sure sa CR ang tuloy nun!
Napatingin ako sa isang lalaki na nakaupo habang nakikinig ang music, nakapikit ang mga mata niya at biglang uminit ang ulo ko matapos maalala ang ginawa niya sa akin kagabi. I bit my lower lip saka kinalma ang sarili.
"Tignan ko lang kung kaya mo pa akong madedma ngayon..." bulong ko saka makendeng at matunog na naglakad papunta sa upuan ko na katabi niya. I smelled myself, ang lakas ng pabango na gamit ko ngayon and I'm sure mababaliw siya dahil doon!
Sinadya kong umupo ng padabog sa chair ko para mapansin niya, at nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtingin sa akin habang nakakunot ang noo.
Ngumisi ako saka siya inirapan. Nag dekwatro ako kaya mas lalong sumunod ang pants ko sa shape ng sexy legs ko. Huh! Tignan ko lang kung kaya mong hindi malunod sa sexiness ko!
Sumandal ako sa chair saka nag crossed arms. Ilang beses kong narinig ang pag clear niya ng lalamunan bago tumayo at tila naiinis na umalis sa upuan niya. Tinignan ko siya palabas matapos niyang isabit sa kaliwang shoulder niya ang isang strap ng bagpack niya.
Effective ba?
Ilang minutes kaming nag-antay pero walang prof na dumating. Naiinis ako dahil para lang akong temang na nakaupo sa upuan at halos maubos na ang laway ko kakadaldal kay Ron wag lang mapansin ang oras na dumaraan. Napatingin ako sa upuan ni Cloud saka napaisip, alam niya kaya di darating ang prof kaya umalis siya kaagad?
Kinuha ko ang bag ko saka tumayo na rin, inaya ko na si Ron dahil alam kong walang patutunguhan ang pag-aantay namin doon. Dumiretso kami sa parking area saka sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko agad yun saka umalis ng lugar, sa 'arTEA shop' muna kami tatambay dahil mamayang alas singko pa ang sunod kong subject.
"Bessy, ano? Ilang kana?" tanong ni Ron sa akin matapos makita ang pagkakamot ko sa leeg at paghimas sa tyan ko na medyo naiipit ng butones "Ikaw naman kasi, makapagsuot kala mo bibida sa isang adult video!"
"Tigilan mo ako Ron!" saka kinabig sa kaliwa ang kotse, nasa tapat na kami ng shop at nayayamot akong bumaba.
"Oh bakit naiinis ka nanaman?" tanong niya at tinignan ko siya, sumandal ako sa kotse saka ngumuso.
"Alam mo ba kung paano maglaway ang mga lalaki kanina ng makita ako?" tanong ko saka niyugyog siya.
"Oo kitang kita ko, ano ba?" sagot niya sa akin saka inalis ang mga kamay ko sa balikat niya at hinimas iyon "Ano bang pinaglalaba- AHHHH! Is it because of Cloud?" tanong niya at parang nagpanting ang tenga ko matapos marinig ang pangalan ng lalaking iyon.
"Tingin ko bakla talaga siya!" I blurted out at bigla natawa si Ron dahil doon, I looked at him hopelessly .
"Di ba? K-Kasi tignan mo, lahat sila naglaway sa akin tapos siya, tapos siya? AAHHHH!" saka ako nagdadabog doon "Ikaw?" tinignan kong mabuti si Ron "Naakit ba kita?" I asked him at para siyang nasuka sa sinabi ko.
"Kilabutan ka Noreen ah!" sagot niya sa akin saka biglang lumayo "Ewww lang! Hindi ako lesbian nu!" sagot niya at huminga ako ng malalim.
"See, ikaw lang at siya ang hindi naglaway at natulala sa akin kanina meaning, meron kayong pagkakatulad, obviously yun ang pagiging gay!" I concluded matapos huminto ang kotse.
Sabay kaming naglalakad ni Ron palapit sa shop ng narinig naming tumunog ang wind chime na nasa pinto ng 'arTEA', kapwa kami napatingin doon.
It was Cloud, coming from the shop at mukhang tapos na ang business niya doon. He was looking down while passing through the door.
Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at doon nagtama ang tingin namin. Napalunok ako ng makita ko ang paggalaw ng mata niya mula ulo ko hanggang sa paa.
"C-Cloud..." nauutal na sabi ni Ron at agad na lumapit at nakipagkamay sa kanya "I'm so grateful, hindi ko alam na customer ka pala namin..." malandi niyang sabi habang hinihimas ang kamay ni Cloud, tinignan lang siya ni Cloud sabay hila sa kamay.
"Napadaan lang..." maikli at malamig niyang sabi, I cleared my throat at sabay silang napatingin sa akin. Nakakunot ang noo ko at bahagya kong inangat ang ulo ko habang naglalakad palapit sa kanila.
"IKAW!" turo ko sa kanya, hindi siya kumibo "ALAM MO BA NA HINDI DARATING ANG PROF NATIN KAYA AGAD KANG UMALIS? BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABIHAN ANG BUONG KLASE? ANG SELFISH MO!" sigaw ko sa kanya kaya agad ng lumapit si Ron para hawakan ako sa braso at pigilan ang nakakuyom kong palad.
"Bessy kalma..." bulong ni Ron sa akin, alam kong namumula na ang mukha ko dahil sa inis sa lalaking nasa harap ko, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin nuh!
"Bitawan mo ako Ron!" saka ko binawi ang kamay ko "Ano?" baling ko kay Cloud "Ano? Alam mo? Alam mo di ba?" tinignan niya ulit ako bago nagsalita.
"Hindi..." at halos pumutok ang butse ko dahil sa sagot niya.
"WALA NA BANG MAS HAHABA SA TATLO O APAT NA SALITA NA LALABAS MULA SA IYO?" hinawakan na ni Ron ang magkabilang braso ko at pinatayo na ako sa likod niya.
"N-Naku Cloud pasensya na, itong bessy ko kasi may pinagdadaanan lang kaya ganyan kasungit HIHIHI..." paliwanag ni Ron saka ako pilit na pinapapasok ulit ng kotse.
"Ang sakit kasi sa ilong ng pabango mo kaya umalis ako..." mababa at buong boses na sabi niya, dahan-dahan ko siyang nilingon at halos tumupi na ang susi ng kotse na hawak ko dahil sa sobrang inis.
"A-Anong sabi mo?" nanginginig na ang laman ko dahil sa lalaking ito.
"Yung pabango mo, ang sakit sa ilong kaya umalis na ako..." ulit pa talaga niya at saka ako tinignan ng napakalamig.
"WALANG PUSOOO!" sigaw ko "WALANG MODOOO! ANO BA ANG TINGIN MO SA AKIN CLOUD? BABAE AKO! MADALING-ASDFHGK!"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan na akong naipasok ni Ron sa kotse habang takip takip ang bibig ko, he fastened my seatbelt at pinaandar na rin agad iyon matapos agawin ang susi sa kamay ko kanina.
"AHHHHH! AHHHHHH!" sigaw ko habang sinipa sipa ang dashboard.
Para akong puputok sa galit ko ngayon!
"NARINIG MO YUNG SINABI NIYA? NARINIG MO?" tanong ko kay Ron habang pilit niya akong pinapakalma "UNA SINABI NIYA SA HARAP KO NA DI NIYA AKO TYPE! PANGALAWA SABI NIYA MAY UNWANTED FATS DAW AKO AT LUMALAYLAY ANG TABA KO SA BRASO AT NGAYON, NGAYON SABI NIYA ANG SAKIT SA ILONG NG PABANGO KO! ARGHHHHH!" agad na tinabi ni Ron ang kotse saka tinignan ako, inabutan niya ako ng tubig saka hinimas ang balikat.
"Bessy..."
"Hayop siya!" nakatulala kong sabi "Wala siyang puso! Wala siyang puso! Alam naman niyang babae ako di ba? But why he is always mean to me?" at parang naiiyak ko ng sabi "WHY? WHY RON?" tanong ko.
"Noreen..." hinawakan niya ang dalawa kong kamay "Baka naman honest lang talaga siya?" at babawiin ko sana ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak doon "Bessy look at me, look at me. Kaya ba nagsuot ka ng ganun kanina ay dahil sa kanya? Para mapansin ka niya?"
"Para patunayan na walang nakakaligtas sa kamandag ko!" seryoso at determinado kong sabi.
"Well I guess, you lost this time. Hayaan mo na lang si Cloud, mind over matter di ba?" tanong niya at pilit akong pinatango "Hayaan mo na siya baka nga iba ang tipo niya, baka tulad ko, kaya sis keri na, okay? Move on..." after niya akong bastusin? Gago siya!
Tulala ako sa buong subject namin, okay lang laboratory lang naman at yung mga groupmates ko na ang bahalang magperform ng experiment namin. Lumapit si Ron sa akin at sinadya niyang banggain ako, nilingon ko siya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha "Hindi ka nanaman matutulog sa unit ko?" inunahan ko na siya.
"Bessy..." rinig kong sabi niya at inirapan ko lang siya "Bakla may sakit si Nanay, kailangan ako sa bahay eh...pasensya kana, babawi ako promise..." paliwanag niya at ngumuso lang ako "Wag mo na lang papatayin ang ilaw sa gabi, hayaan mo na lang nakabukas lahat, pagplay ka ng music para hindi-"
"Para hindi ko maramdaman na nag-iisa ako?" pagpapatuloy ko sa sinabi niya, nakita ko ang paglaho ng ngiti sa mga labi niya saka niya hinawakan ang mga kamay ko.
"Noreen wala man ako sa tabi mo, alam mo naman hindi kita iiwan at sa isang tawag mo lang darating ako di ba?" sabi niya saka ako tinignan ng mabuti. I bit my lower lip saka huminga ng malalim. "Basta iwan mong nakabukas lahat ng ilaw, kahit ang tv, o yung music player mo, promise babawi ako..."
Ron knows that hindi ko kayang matulog kung nakapatay ang mga ilaw. He knows that I am having a hard time falling asleep kung alam kong nag-iisa lang ako sa loob ng isang lugar. He knows that I'm afraid of being alone at nagpapasalamat ako dahil nararamdaman ko na pilit niyang ginagawa ang lahat para hindi ko maramdaman na nag-iisa lang ako.
"Bakit kasi hindi ka na lang umuwi sa inyo?" dagdag niya
"You know that being there and being alone feels the same." sagot ko at tinignan siya "Kahit naman nasa bahay sila Dad and Mom, I can't even talk to them longer than ten minutes besides may atraso pa ako sa kanila after they found out na ikaw pa mismo ang naghatid sa akin sa bahay..."
"Alam mo napaka mapagmata ng parents mo!" himutok niya sa akin at natawa na lang ako.
"I know..." saka pilit na ngumiti sa kanya "Sige na, uwi ka na sa inyo..."
"Tsk! Promise babawi ako..."
-----
Nagbihis na ako ng pambahay and I tied my hair up matapos kumain ng dinner. Nagtake out na kasi ako sa isang restaurant na malapit dito sa building na nasa loob lang din ng campus. Sinuot ko ang powder pink kong HAVS saka kinuha ang garbage bag na nasa kitchen. Kanina ang collection at mukhang wala ako ng dumaan sila dito, I will personally throw it outside, wala naman akong ginagawa.
I am just wearing my racer back powder pink sando and white shorts. Sinuot ko ang cardigan ko at binuksan na rin ang pinto. Madali kong naitapon ang basura dahil pagbaba ko ng lobby andun na yung garbage collector at kinuha na rin niya sa akin iyon. Pabalik na ako sa unit ko sa taas ng may humarang na kamay sa elevator.
Parang sumabog ang laman ko matapos makita ang mukha ng lalaking kinasusuklaman ko. Nagtama ang tingin namin pero agad rin siyang bumawi at tumayo sa harap ko. Kitang kita ko ang refleksyon niya sa pinto ng elevator and he didn't even bother looking at me. Kapal ng mukha ah!
I cleared my throat at sadya ko siyang binangga ng bumukas na ang elevator. Tinignan niya ako ng masama at ginantihan ko rin siya ng ganung tingin. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi ko mapigilang hindi magsalita sa kanya "Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng magulang mo pero may ina at kapatid ka naming babae, why can't you treat me right?"
Hindi siya kumibo, tinignan niya lang ako "Huh! Umamin ka nga!" duro ko sa kanya "Tayo tayo lang naman, is this your way para makuha mo ang interest ko? Is this your tactic para magkaroon ka mysterious image sa mata ng mga babae?"
"No..." sagot niya at napaawang ang bibig ko, I patted my face para pakawalan ang tension na nararamdaman ko.
"Then what is it?" I asked him "Are you trying to be a man-of-few-words-type-of-man para mas maraming babae ang magkainterest sa iyo?"
"No..." saka siya naglakad papunta sa tapat ng unit niya, sinundan ko siya at nakita ko ang pagkabigla niya ng pumasok ako doon sa loob. Nauna akong naglakad hanggang sa makarating sa sala.
Well, for a man na boring what else will you expect? Shempre nakaayos lahat ng gamit niya! You can't even see a trace of dust in here. I was about to touch one of his book na nasa shelf ng narinig ko siyang magsalita.
"Get out!" tinignan ko siya at saka kinagat ang labi habang naglalakad palapit sa kanya.
"Why? Are you afraid that something might happen?" I asked him teasingly. He grabbed my arm saka ako hinila palabas ng unit niya "AWWW!" bawi ko sa braso ko saka hinimas dahil namula iyon "Bakit ba?" tanong ko ulit. Bigla akong nakaisip ng nakakalokong ideya na sa tingin ko ay magpapataob sa lalaking ito.
"Hey, calm down Cloud..." and I licked my own lips saka ko trinace ang chest niya, kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko "Wala tayong gagawing masama..." saka ko siya kinindatan, lumapit ako saka bumulong "Just tell me if you want me..." I seductively whispered to him "J-Just tell me..." at nabigla ako ng hinigit niya ang braso ko saka ako tinulak sa may pinto.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga mata niyang nakatitig sa dibdib ko. Bigla akong nag-init ang pinagpawisan dahil doon. Teka, bakit parang nag iba siya?
My heart started to beat abnormally. I suddenly felt uncomfortable matapos makita kung paano siya tumingin sa akin ngayon. He removed his glasses kanina as soon as we entered his unit. Nilapag niya iyon kanina sa shelf bago niya ako pilit na palabasin.
"C-Cloud, it take it e-easy..." taas ko sa dalawang kamay ko para pakalmahin siya pero hinawi niya lang iyon. He looked really serious. Lalo akong napasandal sa pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang hintuturo niyang palapit sa akin.
"You're flat chested, how am I going to enjoy that?" tanong niya matapos tusukin ng dalawang beses ang dibdib ko.
F-Flat chested? A-Ako? H-He p-poked my breasts at sinabi niyang flat chested ako?
"CLOUUUDDDDDDDDDDDD!!!!!!"