Chapter 5
Noreen
"OH MY GODDDD! WHAT HAPPENED TO YOU?" rinig kong sabi ni Ron sabay takbo papalapit sa akin. Naitapon din niya ang dala niyang ewan ko kung ano sa gilid matapos makita ang sitwasyon ko. Hinawakan niya ang kamay ko na punong-puno ng red liquid "A-ANONG GINAWA MO? BALAK MO BANG MAGPAKAMATAY?" tanong niya at nakatulala lang ako na parang wala sa sarili. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya saka nagsalita.
"Magpakamatay? I'm not that pathetic you gay! I dyed my hair red, isn't it obvious?" sagot ko sabay balik sa pagkatulala. Narinig ko ang pag breathe out niya saka naupo sa harap ko. Nakakalat ang red dye sa floor, sa mga kamay ko, sa mga damit ko at sa kung saan pa na dinaanan ko.
I feel so depressed at inis na inis ako!
"After blonde, red naman?" tanong niya habang tinitignan ang namumula sa kintab kong mga buhok "Broken hearted te?"
"Do you want me to cut it?" mahina at nakatulala ko pa rin na tingin sa kanya. I closed my eyes at para akong basag na basag matapos ng ginawa sa akin ng lalaking nakatira sa kabilang unit.
HINDI SIYA TAO! HINDI SIYA HAYOP! DEMONYO SIYA! WALA SIYANG PUSO! BUTI PA ANG SAGING, MAY PUSO, SIYA WALA LECHE SIYA!
"Ano nanaman ba ang nangyari?" tanong ni Ron na parang habag na habag sa akin "Bessy ayaw kong nakikita kitang ganito, the last time I saw you staring blankly to something was-" natigilan siya ng tinignan ko siya "A-Ahh actually I forget about it na and you should too, ano ka ba? Umayos ka nga!" saka niya ako inalalayan para makatayo "Mukha kang anti-christ dyan sa kulay ng buhok mo, halika ka nga dito!"
------
Ron was blowing my hair after niyang i-dye ng itim ang buhok ko well I guess hindi ata bagay ang shade ng red sa akin, sinusuklay niya ako habang patuloy siya sa pagkwento ng tungkol sa pamilya niya.
"You need a salon, look how stressed your hair bakla!" sabi niya saka niya ako inutusang magbihis. Sumunod ako saka inabot ang susi ng kotse sa kanya. Dumiretso kami agad sa pinakamalapit na mall.
"I want a Mahogany shade sa kanyang hair..." rinig kong sabi ni Ron. Hindi na ako nagsalita, I closed my eyes at hinayaan ko ng i-Digital perm nila ang mahaba kong buhok, I let them do all the job habang pilit kong pinapagaan ang pakiramdam ko.
Flashback
"Don't push yourself to me Noreen, I'm not a prince-charming-type-of-guy who will catch you if you fall..." diretsahan at malamig niyang sabi sa akin. Halos pumutok lahat ng organs ko matapos marinig iyon.
"HOY! HINDI KO PINIPILIT ANG SARILI KO SA IYO AT KUNG AKA-" natigil ang pagbulyaw ko sa kanya ng saran niya ako ng pinto buti na lang mabilis ang reflexes ko kung hindi aabutin ang mukha ko! Isipin mo yun? He slammed the door right in front of my face! Paano kung naabot ang ilong ko? Ayaw ko nga masabihan na nagpa surgery ng ilong!
"MANIGAS KA DYAN! KALA MO KUNG SINO KA! BASTOS! WALANG MODO! WALANG PUSO! KUNG HINDI MO AKO GUSTO! MAS LALONG HINDI KITA GUSTO! KAPAL NG MUKHA MO!" saka ako padabog na pumasok sa unit ko matapos nagsilabasan lahat ng mga tenants sa paligid na units. Inirapan ko silang lahat bago ko rin padabog na sinara ang pinto ko.
End of Flashback
"AISSSSSSHHHH!" bigla kong naibulyaw matapos maalala ang nangyari. Kapal talaga ng mukha niya! Sino bang may sabi na gusto ko siya? Kahit ipagkasundo pa kami ng magulang namin, I'll surrender all my trust funds wag lang siyang pakasalan! Nakakakulo ng kalamnan!
"A-Ayaw niyo po ba ang bago niyong hairstyle?" kinakabahang tanong ng hairstylist habang hawak ang suklay at gunting niya. Huminga ako ng malalim matapos akong tignan ni Ron ng masama, I rolled my eyes saka tumingin sa salaming nasa harap ko. Napalunok ako matapos makita ang bagong ako.
"See, mas bagay ang innocent and pretty look sa iyo Bessy!" rinig kong sabi ni Ron habang nakatayo na sa likod ko at hinahaplos ang bagong soft curled ko na buhok. Tamang-tama lang ang shade ng mahogany para mag bloom ang makinis at maputi kong mukha.
I immediately paid the bill para sa aming dalawa ni Ron. Inaya ko siyang magshopping at game na game naman ang bakla! Hindi ko maiwasang ilabas lahat ng himutok ko sa kanya at walang sawa rin siyang nakikinig, minsan nga siya na lang nasasabunutan at nasusuntok ko dahil sa inis eh pero keribels lang ng lola, shempre libre ko lahat ng damputin niya eh!
"Eh bakit mo naman kasi ti-nease ng ganun?" tanong niya sa akin habang nagtitingin sa casual wears, siya na din ang namimili ng sa akin.
"A-Aba gusto ko lang sana siyang asarin pe-"
"Pero it turn outs na ikaw ang naasar? Naku Bessy kahit ganun kagwapo si Cloud, lalayuan ko na siya, alam mo kasi nasa top list ko ang pagiging gentleman!" humarap siya sa akin saka hinampas ang hawak na shirt, mukhang naiirita na rin siya sa kakareklamo ko kung gaano kasama ang kapit-unit ko! "Ikaw nga umamin ka, may gusto ka ba sa lalaking iyon kaya ka nagkakaganyan?"
"WALA NGA!" sagot ko saka umiwas ng tingin "Ako pa ba Ron? Ako pa ba ang tatanungin mo nga ganyan? Kilala mo ang mga tipo ko di ba?"
"Oo! Yung mga tipong mabait at palangiti pero sa huli pag tinanggihan mo iiwan ka rin!" sagot niya sa akin at natigilan ako dahil doon.
Tumalikod ako sa kanya, alam ko kung saan nanaman pupunta ang usapang ito "Maganda ka Noreen, may katalinohan, mayaman, kaya wag kang mag-alala, compared sa mukhang hipon nakatayo dito kanina habang nakakapit ng mahigpit sa chinito niyang jowa, Bessy lamang na lamang ka! Siya nga nakakuha ng ganun, ikaw pa kaya?"
"A-Ano bang sinasabi mo Ron?" huminga ako ng malalim saka naglakad sa may dress area "Hindi ako naghahanap ng boyfriend at hindi ko rin gusto si Cloud, naaasar lang ako kasi, k-kasi alam mo yun, andami kayang nagpapantasya sa akin gabi-gabi tapos siya kung makalait, wagas!"
"Kanya-kanyang taste kasi yan Noreen, alam mo yang mga lalaki, parang pusa yang mga yan eh, if you show them that you want to play with them, they will continue running to keep you chasing after them pero kung hindi mo sila pinansin, they will be the one who will bow on your toes at maglalambing!"
Huminga ako ng malalim at hindi ko na pinansin ang sinabi ni Ron hindi naman ako mananalo sa kanya eh! I continued collecting lahat ng matipuhan kong damit. Inabot ko ang credit card ko kay Ron at siya na ang pumila para sa amin. I grabbed my phone from my pocket saka ko ini-scan ang mga old pictures ko. Yes, I saved it all.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang naalala matapos ng lahat ng sinabi ni Ron. It was five years ago ng bumalik ako ng Philippines to stay here for good at isa siya sa mga taong lumapit at naging malapit sa akin nga mga panahong iyon.
"Kung may isang salita ka lang, edi sana masaya na tayo ngayon..." bulong ko saka kinagat ang labi. I tapped the home button kaya bumalik na rin sa Home Screen ang phone. I breathe out saka pumikit "Well I guess tamang ng nangyari lahat iyon..."
Napatingin ako sa ibabang floor saka napahawak sa handrails ng maagaw ng pansin ko ang malakas na tugtog mula doon. May stage sa gitna at mukhang may mall tour na nagaganap. Maraming tao at may mga press din. Kumunot ang noo ko ng may nakita akong pamilyar na tao.
"Marunong din palang mag mall ang tulad mo? Anong ginagawa mo dito?" bulong ko sa sarili ko saka naglakad pababa.
I texted Ron na antayin na lang niya ako sa isang Korean Restaurant kung saan kami laging kumakaing dalawa. I headed straight to the crowd, naitulak pa ako ng kunti lalo na ng nagkagulo dahil lumabas na yung ibang artista. Hinanap ko si Cloud pero ng makalapit na ako sa lugar na kinatatayuan niya kanina, wala na siya.
"Mia?" I uttered ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na nakatayo na sa stage. She started to speak in front of the crowd habang prinopromote ang movie debut niya.
Ngumisi ako saka nag crossed arms. Naghihiyawan ang mga babae hindi dahil sa kanya kundi dahil sa lalaking nasa tabi niya. Yung sikat na chinito na binubuntutan ng maraming intriga dahil sa pagiging mayabang niya. What's his name again? Ah Jabin Montenegro! I rolled my eyes saka lumakad palayo sa nagsisiksikan.
Bakit ganun ang iniidolo nilang artista? Dapat tulad ni Rylle Villaflor, marunong kumanta, sumayaw at ang galing pang umarte, siya lang ang artistang lalaki na nagpatulala sa akin. Grabe na star struck ako sa kanya the first time I saw him sa office ni Dad, isa kasi siya sa main endorser ng Wise Telecommunications eh!
I suddenly felt that I need to go to the powder room at since ilang lakad lang siya from sa kinatatayuan ko, dumiretso na ako doon. I peed at nagretouch ng unti. Binuksan ko ang pinto ng powder room saka tinawagan si Ron. I heard few rings from his phone ng biglang may nahagip ang mga mata ko.
"Hello? Hello?" rinig kong sabi ni Ron pero hindi ko siya pinansin, binaba ko na ang tawag saka nakakunot noong naglakad papunta sa corner kung saan ko nakita si Cloud na pumasok.
"What are you doing?" tanong ko sa sarili ko matapos kong makita si Cloud na nakatayo sa corner, nakatingin siya sa phone niya at wristwatch, pasalit-salit yun na parang may inaantay na importanteng tao at tila nagmamadali siya.
Maya-maya pa lalong nanlaki ang mata ko matapos dumating ang isang babae. She is wearing a short dress na hapit sa katawan niya, and that dress is familiar "M-Mia? Mia Santillan?"I whispered.
I saw Cloud smiled ng makita niyang papalapit na si Mia. He hugged her tightly at nabigla ako ng makita ko ang paghalik niya sa kanya. T-Teka di ba break na sila?
"What are you doing here? Hindi ako pwedeng magtagal, hahanapin nila ako!" rinig kong sabi ni Mia sa kanya habang patingin tingin sa paligid. I hid myself thoroughly para hindi nila ako makita.
"You never answered my calls..." sagot ni Cloud habang nakatingin sa mukha ni Mia. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan...a-at ngayon ko lang din siya nakitang ngumiti.
"Why should I? Cloud kala ko malinaw na? Wala na tayo di ba?" at bigla ring naglaho ang mga ngiting iyon matapos bitawan ni Mia ang mga salitang sinabi niya.
"If you are afraid about your career, don't worry I won-"
"No! Hindi mo naiintindihan, this is what I love and if you really love me then you'll support my decision at tatanggapin iyon!"
"Mia you are asking too much!" nakita ko ang pagtingin ni Cloud sa baba matapos sabihin iyon, hindi ko alam kung bakit napalitan ng awa ang nararamdaman ko sa kanya ngayon...ngayong harap harapan siyang dina-dump ng girlfriend niya!
"If it's too much to ask for my happiness then...then let's leave it like that, I love you Cloud but I love my work more..."
"Mia..."
"Cloud, don't beg at me, please..." sambit niya saka hinaplos ang pisngi ni Cloud "Kung tayo...tayo talaga..." saka niya siya tinalikuran. I saw Cloud close his eyes at biglang tumunog ang cellphone ko.
"F-f**k!" I cursed matapos tumunog iyon ng malakas, dali-dali kong pinatay iyon pero huli na ang lahat. Nakatingin na siya sa direction ko at ng magtama ang tingin namin, kulang na lang may lumabas na laser sa mga mata niya sa sobrang galit nun "H-Hey!" bati ko sa kanya saka nag fake laugh "K-Kakarating ko lang, don't worry..." sabi ko sabay kagat ng labi at talikod sa kanya.
Umalis na rin ako agad saka nag return call kay Ron "Saan ka ba?" bungad niya.
"SA IMPYERNO AT SUSUNDUIN NA KITA PAHAMAK NA BAKLA KA!"