Chapter 6
Noreen
Nakaupo ako sa chair sa may dining area habang inaantay ang niluluto ni Ron. Nandito siya ngayon sa unit ko and he promised me na dito muna siya sa akin for the whole week! Nakatalumbaba ako ng bigla niyang binagsak ang plate sa table. I glared at him pero nginitian niya lang ako.
"What's bothering you Bessy?" he asked saka umupo sa harap ko.
Hindi ko siya sinagot "Matagal pa ba yang niluluto mo? Gutom na gutom na ako!" pag-iiba ko ng usapan. He pouted at hindi inalis ang tingin sa akin. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ko sinasagot ang tanong niya.
"W-Wala..." I finally answered him kahit alam kong bothered ako dahil sa nakita at narinig ko noon sa mall, three days passed at balita ko hindi parin pumapasok si Cloud kahit sa major subjects niya. Tumayo ako saka inabot ang phone ko. I dialed Tita Elaine's number at sinagot rin niya agad.
"Napatiwag ka Iha?" she sweetly asked.
"A-Ahh Tita, gusto ko lang po kasing mangumusta..." umpisa ko saka naglakad palayo kay Ron, number one chismosa kasi ang baklang iyon. I bit my nail sa index finger ko at doon ko na rin narinig na nagsalita si Tita Elaine from the other line.
"We're good, I heard na sa kabilang unit ka lang pala ni Cloud, when I visit him, I'll make sure na dadaan ako dyan sa unit mo!" she happily said kaya na conclude ko na hindi niya alam na hindi na pumapasok si Cloud for three consecutive days na.
"S-Sure po! P-Pero Tita nandyan po ba si Cloud?" tanong ko at narinig ko ang pagtataka sa boses niya.
"Cloud? Di ba andyan siya sa unit niya?"
"K-Kasi po three days na siyang hindi pumapasok, kala ko nauwi dyan sa inyo kasi may sakit..." sabi ko saka kinagat ulit ang nail ko.
"WHAT?" sigaw niya mula sa kabilang linya "He just called me kanina and he said he is fine, marami daw work sa school but he can manage tapos ngayon hindi pala siya pumapasok?"
"A-Ahh! E-Ewan ko lang po kung sa lahat ng subjects niya pero sa mga subjects na magkaklase kami, hindi ko po kasi siya nakikita, I was just concerned sa inyo baka kasi-"
"Thank you for telling me, may problema nanaman siguro ang batang iyon, Cloud is always reserved, kahit ako na Mommy niya bihira niyang pagsabihan ng problema niya. Haay ewan ko ba sa batang iyon, but seriously Noreen, thank you!"
"A-Ahh wala po iyon, sige po Tita..." and we ended the call.
Naglakad ako pabalik sa dining area kung saan tapos na sa paghahanda si Ron. He prepared Chicken Curry which I love the most! Hindi kasi ako marunong magluto, I better stay away from the kitchen kasi kahit gaano ko man gustong pag-aralan ang pagluluto, ang pagluluto ang mismong nag tataboy sa akin!
"Smells good!" I commented saka naupo sa harap niya. Nilagyan ni Ron ng rice ang plate ko saka naglagay na rin ng viand. Kung wala si Ron, wala akong bagong lutong ulam, kaya nga gusto ko lagi siyang natutulog dito sa unit ko.
"You can tell me..." aniya saka naupo na rin sa harap ko.
"Not in front of the foods..." sagot ko saka sinimulan na ang pagkain.
------
I was leaning on Ron's shoulder habang nanunuod kami ng horror film. I was eating some nachos with lots of mayo habang nagsisisigaw ang bakla. Niyuyugyog niya ako pero hinahayaan ko lang siya. I can't focus on the film kaya parang wala lang sa akin ang pagsulpot ng mga Vampires and such!
"AHHH! BEKS BAKIT ANG GWAPO NG VAMPIRE?" tili ni Ron ng lumabas na ang isa sa mga bida. I didn't answer him sunod rin ang biglang pag tunog ng doorbell. "What is that?" he asked me at tumayo ako saka inilapag ang bowl of nachos sa harap namin. I licked my fingers bago inayos ang sarili
"Nag-order ako ng pizza!" sagot ko saka lumakad papunta sa door. Ron stood up na parang ewan saka ako binalaan.
"Just get the pizza and don't invite him in!" he said saka ako natawa.
"Ron! You're paranoid!" I said after rolling my eyes on him.
Kumuha ako ng bills sa wallet ko saka tuluyan ng binuksan ang pinto. I ordered two boxes of pizzas. Naka smile ang delivery boy sa akin habang inaabot ko sa kanya ang bayad. "
I'll just get the pizza and I will not invite you in..." sabi ko na pinagtaka ng delivery boy "Says my friend!" pahabol ko at ngumiti na lang siya.
I was about to close the door ng may lumabas na tao mula sa elevator. I locked my eyes on him habang palakad siya palapit sa unit niya. He seemed more lonely and broken tonight compared the other normal days.
"C-Cloud!" tawag ko sa kanya, he stopped in what he's doing pero hindi niya ako tinignan "A-Ahh, I ordered more than enough pizzas for us, I am just wondering if you want some?"
He cleared his throat saka pinihit ang door knob; he didn't answer me nor look at me. I breathe out saka laglag balikat na pumasok sa loob ng unit. I looked at Ron who was standing behind me na pala. He held my hand saka kinuha ang pizza.
"I don't care about what's between the two of you, all I care about is the pizza!" he confessed saka bumalik na rin sa sofa.
"SERIOUSLY?" I shouted at him saka naglakad na rin palapit sa kanya "It's not my fault if I heard everything!" I reasoned out saka nag cross arms "I don't care about him anyway! So I'm not guilty!"
----------
"If you love me Noreen you will come with me!" he told me while holding my hands. I was looking at his dashing eyes na isa sa mga dahilan kung bakit ko siya minahal.
"We are too young Derick!" sagot ko saka umiwas ng tingin "A-And Dad will be mad at me..."
"Your Dad? Who does nothing aside from looking down at you? You see I love you, yes we are young but I love you Noreen!"
"Derick..."
"Just answer me!"
"I...I d-don't"
"I love you...I love you..."
Agad akong pumasok sa kwarto ko para kunin ang ilan sa mga gamit ko. I managed to put it inside my bagpack. Sinuot ko ang hoodie ko saka agad na tumakbo palabas ng kwarto. Any minute now darating na rin sila Mommy and Daddy kung hindi ko gagawin ito ngayon, I can't do it later! Tumakbo ako palabas ng main door ng bigla akong harangan ng yaya ko.
"Ya, please..." I asked her pero hindi siya umalis sa harap ko.
"Noreen bata ka pa, hindi mo pa kayang mabuhay ng wala sa poder ng mga magulang mo!" she said
"Ya, I am 17! I will turn 18 after few months and that will make me an adult! Please, stay out of my way!"
"Noreen, please ibalik mo na ang mga gamit mo! Kung naging mahigpit man ang parents mo sa iyo dahil yun sa mahal ka nila! Hindi solusyon ang pakikipagtanan! Please..."
"You don't have any idea on how I feel, I love Derick and he loves me too! He promised me everything, we will work things out together at papatunayan ko kila Daddy na mali sila! Please, I don't want to hurt you, please!" Yaya tried to hold me still pero winaksi ko ang kamay niya.
I ran out of the house at doon nakaabang ang kotse ni Derick. Derick is a son of a general. He is nineteen, yes, he is older than me. His Dad is so strict kaya parehas kaming gusto ng freedom. We met at restobar, we hang out, nagkapalagayan ng loob, he courted me and he became my boyfriend for six months now.
"Derick!" he hugged me saka niya ako hinalikan sa sa pisngi. I smiled at him saka niya agad na kinuha ang bag ko.
"Is this all?" he asked and I nodded "Then let's go!" kinakabahan man ako at takot, sumama ako sa kanya. I left my phone, my cards, I left everything na kumukonekta sa pamilya ko. It's been two days at nag-stay kami sa isang hotel. Derick is not a minor anymore kaya he can move freely. He can check in and out of the hotel whenever he wishes.
Umabot ng isang linggo ang pagtatago namin ni Derick hanggang sa naririnig ko na ang pagsumbat niya sa akin kung bakit hindi man lang ako nagdala ng ilang pera. I left everything at meron parte ko na nagsisisi dahil ginawa ko lahat iyon.
"Sana inisip mo na lang na magsisimula tayo di ba?" he said na galit na habang binibilang ang pera niya. Two days ago, he found that all his accounts were frozen, alam na siguro ng Daddy niya na nagtanan na kami.
"I'm so sorry, tatawagan ko si Ron at hihingi ako ng tulong!"
"Ron? Yung bakla mong kaibigan? Anong maitutulong nun sa iyo? He is nothing but a douche bag! Ni pamilya nga nun hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw eh!"
"Don't say that! Tutulungan tayo ni Ron, mabait siya at-"
"Noreen naririnig mo ba ang sinasabi mo? Saan kukuha si Ron ng pera? Huh?" lumapit si Derick saka hinigit ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit nun, doon rin kasi yung pasa na naiwan matapos niya akong bugbugin nung isang araw dahil hindi ko nilabahan ang mga damit niya.
"N-Nasasaktan ako!" pagmamakaawa ko sa kanya saka pilit na binawi ang braso ko. Pero lalo niyang hinigpitan iyon. Ngumisi siya sa akin at nabigla ako sa nakita ko. Hindi siya ang Derick na sinamahan ko! Hindi siya ang Derick na nagpangako sa akin ng lahat lahat "ANO BA?" sigaw ko pero tinulak niya ako sa kama.
"Hubad! Nang may sibli ka naman!" sigaw niya sa akin at bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay pataas. Nanlaban ako pero malakas siya.
"STOP IT DERICK! PLEASE STOP IT!" sigaw ko habang umiiyak na. Hinubad niya ang damit niya at sinamantala ko iyon para tumayo, I was about to open the door palabas ng room namin ng mahabol niya ako "AAAHHHHHHH! GET YOUR HANDS OFF ME!" pagwawala ko.
He tossed me on the bed saka ako dinaganan "You want me, don't you Noreen? Kaya nga sumama ka sa akin di ba? Kasi you want me?" nanlilisik na mata niyang sabi habang hawak niya ng mahigpit ang ang leeg ko "Mag-iisang linggo na tayong magkasama pero hindi mo man lang ako hinahayaang tikman ka, don't be so hard to get Noreen, alam ko ang mga tulad mo, w***e!" saka niya ako pilit na hinahalikan. Iniiwas ko ang mukha ko sa kanya .
Naglaban ako habang umiiyak. I was able to push him away and kicked what's in between his legs. Sinamantala ko ang pagkakataon saka tumakbo palabas ng lugar.
"DAD! MOM!" sigaw ko mula sa gate namin. Malalim na ang gabi at malakas na rin ang buhos ng ulan. Kahit nananakit ang buo kong katawan pilit parin akong nagpapakalakas. "DAD! MOM! PLEASE OPEN THE GATE!" sigaw ko ulit habang parang basang sisiw na nagmamakaawa.
Nakatingin lang sa akin ang guard, alam kong inutusan siyang gawin iyon. Maya-maya lumabas na si Yaya habang nakapayong kay Mommy. Napangiti ako ng makita ko silang papalapit sa akin habang bumubukas na rin ang gate "D-Dad? M-Mom? I'm so-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng malakas niya akong sinampal sa pisngi.
"You are a disgrace to this family! I disowned you!"
----------
"Noreen! Noreen wake up!" at nagising na lang ako dahil sa malakas na yugyog ni Ron. I opened my eyes and there I found out na basa na ako ng sarili kong luha "Noreen?" rinig ko ulit na tawag niya sa akin na may pag-aalala
"Ron..." I breathe out saka tuluyang pinakawalan ulit ang mga luha sa aking mga mata "I-It's haunting me, Again..."
"Shhh! Noreen tama na..." alo niya sa akin. I hugged him tightly na parang sa kanya kumukuha ng lakas. "Wala kang nagawang kasalanan. It was a mistake and you learned from it, di ba?" tumango-tango ako habang umiiyak sa balikat niya
"Hindi mo siya minahal, sumama ka lang sa kanya dahil akala mo siya ang kailangan mo. Kalimutan mo na siya, kalimutan mo na ang nakaraan. It's all in the past Noreen, he can't hurt you now."