Chapter 7
Noreen
"Are you sure you can go to school today?" Ron asked me habang nililigpit ang pinagkainan namin for breakfast. I smiled at him saka inayos ang buhok ko na nakaladlad ngayon.
"Oo naman, I'm good!" sagot ko saka kinuha ang bag ko sa may sofa. Agad na rin siyang sumunod sa akin sa may sala matapos niyang inayos ang dishes. Kinuha na rin niya ang bag niya saka ang susi ng kotse sa akin. Naka cling ako sa arm niya ng palabas kami ng unit ko. I am thankful kasi meron akong Ron na laging andyan sa tabi ko.
"I'm really worried bessy!" bigla niyang sabi ng tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse. I looked at him at tumingin din siya sa akin "Talaga bang okay kana?"
"Ikaw na rin ang may sabi, panaginip lang ang lahat, it's all in the past now and we should move on!" huminga ako ng malalim saka sinandal ang sarili sa upuan. Nakatuon lang ang pansin ko sa harap habang parang balisa na hindi ko maintindiihan "R-Ron..." tawag ko sa kanya
"Nandito lang ako..." he sincerely answered me habang nagda-drive
"H-Hindi ko alam kung bakit siya bumalik sa panaginip ko..." pagsasabi ko ng totoo "A-At natatakot ako na...n-na maulit ulit ang nang-"
"Shhh!" putol ni Ron sa sasabihin ko "I will not let that happen, it was just a bad dream at hindi na mauulit yun, you see tinanggap ka na ulit ng magulang mo, balik na ulit lahat ng sustento sa iyo at w-wala na siya sa buhay mo..."
"But the d-dream, it was so vivid at naramdaman ko ulit ang mga naramdaman ko ng gabing iyon...I'm afraid Ron...I'm afraid..."
-----
Nauna akong pumasok sa room, nahuli kasi si Ron dahil kinuha niya ang books namin sa locker. Economics ang subject namin ngayon, classmate ko dito si Cloud, napatigil ako ng tingin ng makita ko siyang nakaupo na sa assigned chair niya na nasa tabi ko lang. Yes, magkatabi din kami dito. Del Rosario, Del Vega. Alphabetically arranged kasi.
Tinignan ko siya saglit bago ako umupo doon. Bigla akong nakaramdam ng ilang or guilt matapos maalala ang mga narinig at nakita ko noon sa mall which is obviously the reason kung bakit galit siya at umiiwas sa akin ngayon. I cleared my throat saka napatingin sa dumating na si Ron. Napatingin rin siya kay Cloud pero hindi na siya nagsalita. Inabot niya sa akin ang book ko saka umupo na rin sa assigned chair niya.
Natapos ang klase at muntik ng tumulo ang laway ko habang natutulog. Nakakabagot kasi at halos paulit ulit na lang ang itinuturo niya tungkol sa inflation at deflation rate, nakakasawa na! Tumayo ako agad ng mabilis na tumayo si Cloud palabas ng room, I was about to call him pero nakalabas na siya agad ng room.
No wonder, iniiwasan nga niya ako!
"Hayaan mo na, baka nahihiya lang humarap sa iyo matapos ang nangyari..." sabi ni Ron sa akin saka ako hinawakan sa balikat. I looked at him saka siningkitan ang mga mata ko.
"Ikaw kasi! Hindi sana ako mahuhuli kung hindi ka tumawag!"
"Aba bakla, malay ko ba!" sagot niya saka ako inaya papuntang 'arTEA'. Ron served my favourite Wintermelon milk tea. Siya na rin ang nagtusok ng straw as usual. Nag served rin siya ng Belgian waffles saka umupo sa harap ko.
"Hindi ko alam kung anong gagawin kung wala ka!" bigla kong sabi kaya nahinto siya sa pag sip sa milktea.
"Hindi ko alam ang gagawin kung iiyak ka sa harap ko Bessy, kaya please wag mo ng gagawin yun ulit!" seryoso pero hinaluan niya parin ng bakla niyang tono. I smiled at him saka sinimulan na rin ang pagkain when he suddenly asked me about something "Bakit hindi sa Sierin University ka nag-aral?" natigil ako saka napatingin sa kanya.
"Ano na lang sa tingin mo ang mararamdaman ko kung papasok ako sa school na dati, isa kami sa nagmamay-ari?"
"You lost the school Noreen?" he asked at tumingin lang ako sa kanya.
"Oo, it was five years ago ng mabenta lahat ng shares namin sa school na iyon, doon pumasok ang mga Del Rosario, they bought everything from us saka nagtayo pa ng mga building sa loob. They are multiplying so fast Ron, Del Rosario's net worth is beyond our imagination!"
"I'm all aware of that, tapos kahit dito sa university natin meron silang building na which is obviously malaki ang kita dahil mayayamang students na tulad mo ang bumibili ng unit sa kanila!" I just nodded "Pero kahit anong yaman niya, iniwan parin siya ni Mia for the love of her career!"
"Alam mo bang doon ko lang siya nakitang ngumiti?"
"NGUMITI SIYA?" ulit ni Ron na parang nawala sa sarili matapos marinig ang sinabi ko. I gradually nodded at him while sipping my drinks.
"Saglit lang, agad ding nawala matapos nga sabihin ni Mia lahat..."
"Aww! Sana ako na lang ang minahal niya, pangako, siya at siya lang ang uunahin ko!" binatukan ko nga ang bakla para matauhan "Makabatok Noreen ah!" irip niya sa akin saka kumagat sa waffle niya.
Sabi ni Mommy sa akin noon, one year old palang kami ni Cloud, nagkita na kami. Sa totoo lang ilang beses ng inulit sa akin ni Mommy ang kwento na iyon, na tinaas niya daw ang palda ko at hindi ako mapatigil sa pag-iyak. Sabi pa nga daw ni Mommy na papanagutan ako ni Cloud at doon nila unang nakita ang pagsimangot niya.
I pretended to act like not listening to Mom every time na kwinekwento niya iyon sa akin. Ramdam ko na gusto nila si Cloud para sa akin, noon pa, bago pa ako umalis ng Philippines at mamuhay kasama ang grandparents ko sa US. Pilit nila kaming tinutulak sa isa't isa at dahil mabait ako at down to earth, sumusunod na lang ako kahit minsan banas na banas na ako kasi I do all the talking, always!
Hindi talaga siya nagsasalita at sa tuwing may itatanong ka sa kanya, puro isang salita lang ang sagot. Mahaba na ata ang twenty words kung lalabas mula sa mga labi niya. He is always reserved, he is like a full grown man at naparesponsableng tao kung titignan kahit bata pa kami. I can't say na we grew closer to each other kasi never pa niya akong chinika! Hindi nga ako pinapansin yan kung magkikita kami sa isang socialites' party eh! Isnabero!
Wala akong gusto sa kanya! Oo inaamin ko na gwapo siya pero wala talaga akong gusto sa kanya, oo inaamin ko na siya ang naging first crush ko pero hanggang doon lang yun, saka ilang araw lang nagtagal yun nu! Hindi naman lumala at nagpapasalamat ako dahil agad ding nawala kasi hindi siya worth it! Ang sama sama kaya ng ugali! Hindi pa gentleman! Napaka self-centered at mean pa na tao! Saan ka makakahanap ng tulad niya? Wala na! Siya lang ang ganyan! Walang puso!
"Ano nanaman sinisimangot mo?" tanong ni Ron na pumigil sa pagputok ng mga laman loob ko dahil sa inis kay Cloud.
"H-Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salitang iyon mula kay Cloud..." bigla kong sabi at natigilan si Ron "Yung halos mag-makaawa na siya para tanggapin uli siya ni Mia..." I looked at Ron na nakikinig sa akin ng mabuti "Y-Yung...Y-Yung halos lumuhod na siya para lang hindi siya iwan at tanggapin siya uli sa buhay niya..."
"Noreen..."
"B-Bakit...B-Bakit may taong ganun Ron?" tanong ko
"Noreen, iba ang magulang mo kay Mia, may kanya-kanya silang dahilan kaya nila nagawa iyon. Wag mo ng isipin yun, maloloka ka lang eh!"
"I was just thinking about it Ron, but don't worry I am stronger now compared before, you don't have to worry about me..." pilit akong ngumiti at nagpaka jolly sa harap niya. Tinaasan niya ako ng kilay saka nagsalita ulit.
"You are stronger in front of your parents pero paano kung bumalik si Derick?" natigilan ako dahil doon. Umiwas ako ng tingin saka inubos ang iniinom ko "Kaya mo? Kaya mong harapin siya uli?"
"A-Ano ka ba?" halos mautal-utal kong sabi "Bakit ako matatakot sa kanya? He can't touch me anymore!" sagot ko.
"Mabuti ng malinaw..." sagot sa akin ni Ron ng biglang tumunog ang cellphone niya. "ANO?" sagot niya sa kabilang linya at kitang-kita ko ang pag-iba ng kulay ng mukha niya matapos marinig ang nagsasalita doon. Napatingin siya sa akin kaya nag-alala na rin ako agad.
"What happened?" I asked him, kitang kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.
"S-Si Nanay, tinakbo sa hospital, inatake sa puso!"
"OH MY GOD!" sabi ko saka natutop ang bibig.
"Noreen, I h-have to go!" paalam niya, inabot ko ang susi ng kotse ko sa kanya "T-Teka paano ka? Kailangan mo ng kotse mo at-"
"Ron mas kailangan mo yan, you have to be there immediately, malapit lang ang unit ko, Ito!" saka ko inabot sa kanya ang ilang cash.
"T-This is too much!" tanggi niya pero I insisted
"You need that, don't fight with me, just go!" utos ko sa kanya at umalis na rin siya agad matapos niya akong niyakap.
------
Inabot na ako ng gabi sa 'arTEA shop' namin, di na rin ako pumasok kasi tinamad na ako, besides wala si Ron doon, baka mapanis lang ang laway ko. Ako ang nag-asikaso ng shop, nag served din ako ng unti sa ilang customers dahil sinisipag ako ngayon, isa pa I need some diversion dahil sa mga bagay bagay na iniisip ko. Sayang ang ganda ko kung ma-stress lang ako ulit ng sobra!
Past 10PM na ng nagsara ang shop, una ko ng pinauwi ang tatlo naming crew matapos nilang maglinis. I told them na ako na ang masasara nun. Nilock ko ang front door, napayakap ako sa sarili ko matapos umihip ang malakas na hangin, naka racer back sando lang kasi ako ngayon na medyo malalim ang cut sa may dibdib, naiwan kasi sa kotse ang cardigan at bag ko.
Pumara ako ng taxi saka nagpahatid sa malapit sa school, nakalimutan kong sarado na ang gate sa may main entrance ng ganitong oras kaya kailangan ko pang maglakad papunta sa kabilang gate. I was rubbing my both arms habang naglalakad dahil sa lamig ng gabi. Umulan ba kanina kaya lumamig?
Napatigil ako ng may narinig akong mga boses ng mga lalaki na naglalakd sa likod ko. Bigla akong kinabahan at binilisan ang paglakad ng marinig ko silang tumawa "Miss bakit ka nagmamadali? Sama ka muna sa amin!" habol sa akin ng isang lalaki. Hinawakan niya ang kamay ko kaya para akong nanigas sa takot.
Mukha siyang gangster na panget! Oo basta panget siya! "GET YOUR HANDS OFF ME!" sigaw ko saka naglaban sa kanya, he laughed saka sumigaw sa iba pa niyang kasamahan
"BOSS ENGLISHERA!" sabi niya saka nagtatawa pa. Winaksi ko ang kamay niya saka akmang tatakbo na sana ng nahuli niya ako agad at binitbit sa may beywang.
"MANYAKI! IBABA MO AKO! AHHHH!" sigaw ko habang sinusuntok suntok ang kamay niya pero para siyang walang nararamdaman. Hindi ko napigilan ang pag-iyak kasama ng pagsigaw-sigaw ko. Walang tao sa paligid at wala ng nadaan na kotse ng ganitong oras dito sa street na ito.
"BOSS ANG BANGO NIYA SAKA ANG LAMBOT!" sigaw pa niya na lalong nagbalot sa akin ng takot
"I WILL CALL THE POLICE! BITIWAN MO AKO!" sigaw ko parin at naririnig ko na ang pagtatawanan ng iba niyang kasama. Mukha silang mga tambay sa kanto na walang alam gawin kundi ang magpabigat sa lipunan!
"Wag mo masyadong pigain, baka masugatan yan..." rinig kong sabi ng tinatawag nilang boss. Panget siya! Nakakadiri! "Hindi pa naman ako nakakahawak ng ganyang balat..." saka siya naglakad palapit sa amin. Iniwas ko ang mukha ko ng nilapit niya ang kanya.
"Pakawalan niyo lang ako, hindi ako magsusumbong sa police..." sabi ko saka sila nagtatawa.
"Tingin mo makakapagsumbong ka pa?" sagot niya sa akin saka nipisil ang mukha ko. "Wag ka ng umiyak, mag-eenjoy ka sa amin, pangako yan!" he was about to touch me ng may humintong sasakyan sa tabi. Nagsisigaw ako at humingi ng tulong. Bumusina siya saka tinutok ang ilaw ng kotse sa mga m******s na may hawak sa akin.
"Boss, anong gagawin natin?" tanong ng lalaking may hawak sa akin, tinignan siya ng boss nila saka ako binitawan "Ano bigyan na natin?" pahabol pa niya. Tinulak ako ng lalaki kaya nasubsob ako sa semento. "Dyan ka lang, babalikan ka namin!" sabi niya sa akin na hindi nawala ang pagkamanyakis sa tono ng pananalita.
"Alam mo, tatlo kami, isa mo lang, baka pwede nating pag-usapan ito at maghati hati na tayo sa kanya? Walang lamangan kapatid!" rinig kong sabi ng panget na lalaki. Nakapaningkit ang mga mata ko dahil nakakasilaw ang malakas na ilaw mula sa kotse, ganun din ang mga manyak. Hindi namin makita ang mukha niya at parang wala siyang balak na magsalita.
"T-Tulungan mo ako..." halos maubusan ng hininga kong sabi sa kanya. Nakita ko ang paglakad niya papunta sa akin. They tried to stop pero nakatikim sila ng mga suntok mula sa kanya. Nauna niyang pinatumba ang dalawang lalaki at tinira ang boss nila. Nakita ko kung paano nanginig ang tinatawag nilang boss habang nakatingin sa kanya at halos pa gapang na umalis ng lugar.
Ang bilis ng mga pangyayari, pinatumba niya ang mga lalaki sa loob lang ng ilang segundo? Minuto? Hindi ko alam basta pinatumba niya lahat sila! Nakaupo parin ako sa semento habang papalapit siya, halos napapikit ako ng yumuko siya saka ako binitbit.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng makita ko ang mukha niya ng malapitan. Napalunok ako at biglang nag-init ang mukha matapos magtama ang tingin namin bago niya ako pinasok sa kotse niya. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa umikot siya at naupo sa may driver's seat. Tinignan niya ako habang nakakunot ang noo at natuon ang pansin niya sa dumudugo kong siko.
"C-Cloud!" tawag ko sa kanya, hindi siya niya ako sinagot pero inabot niya sa akin ang band aid na nasa tabi niya "K-Kasi gusto ko lang sabihin-"
"Pasalamat ka may sugat ka, kung hindi ididikit ko sa bibig mo itong band aid!" mahina pero rinig na rinig ko.
Biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya, itataas ko sana ang kamay ko para hampasin siya pero hinuli niya iyon, nanlaki ang mga mata ko ng nilapit niya ang labi niya sa dumudugo kong siko saka hinipan iyon. Nilagay niya ang band aid sunod nun ay tumingin siya sa akin.
He looked at me, mula ulo hanggang waist saka niya sunod na hinubad ang black leather jacket niya at pinasuot sa akin. Nakatingin ako sa kanya the whole time na nasa loob kami ng sasakyan. Sabay rin kaming bumaba ng kotse at sumakay ng elevator. Nang tumunog ang elevator, nauna siyang lumabas.
"CLOUD!" tawag ko sa kanya saka siya hinabol "T-Teka lang!" sigaw ko at huminto siya sa pagpihit ng door knob niya, yumuko ako.
"A-Alam kong galit ka sa akin dahil sa mga narinig ko pero wag kang mag-alala d-dahil hindi ko naman ipagkakalat iyon..." inangat ko ang tingin ko saka tumingin sa kanya "S-Salamat sa pagtulong sa akin.Y-Yung j-jacket-" natigilan ako ng humarap siya sa akin.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko dahil huhubarin ko na sana ang jacket niya. Akala ko siya mismo ang mag-aalis nun at susungitan nanaman ako pero he zipped it up hanggang sa leeg saka tumingin sa akin.
"Sa susunod wag ka ng maglalakad na mag-isa!" napatingin ako sa mga mata niya ng mga sandaling iyon. I saw how his lips moved, ganun din ang mga mata niya at adam's apple "Now, go inside your unit and get some rest!" utos niya, wala sa loob kong napatango habang tuluyan na siyang pumasok sa unit niya.
"S-Salamat Cloud..."