Chapter 8

2264 Words
Chapter 8 Noreen "Sorry talaga Bessy! Sorry talaga!" halos lumuhod at maglupasay sa harap ko si Ron dahil sa kakahingi ng sorry, hinawakan ko ang kamay niya saka siya pinakalma sa tabi. "Sorry talaga, sabi ko naman sa iyo dapat hindi mo na pinahiram ang kotse mo, tignan mo first time mong maglakad pauwi tapos ganyan na nangyari sa iyo! Mapapatay ko ang sarili ko bakla kung may nangyaring masama sa iyo!" mangiyak ngiyak niyang sabi. "Walang nangyari sa akin, okay? Kaya kumalma ka dyan!" sagot ko sa kanya, nasa unit ko kami ngayon at masaya ako dahil stable naman na ang condition ng Mama ni Ron, yun nga lang may possibility pa na atakihin siya ulit dala ng panghihina ng katawan niya dahil sa katandaan. "Saka, dumating naman si Cloud para tulungan ako eh..." dugtong ko dahilan para mapatitig siya sa akin. "Anong ibig sabihin ng pamumula ng pisngi mo?" nang-uusig niyang tanong sabay turo sa akin, kinuha ko ang throw pillow saka hinampas sa mukha niya. "Anong pamumula ng pisngi?" tanggi ko saka tumalikod sa kanya at naglakad ako papunta sa may corner at nag dial sa isang pizza parlor saka nag-order ng dalawang family size pizza na paborito namin ni Ron. Bumalik ako sa sofa saka sadyang binangga ang baklang nakatitig sa akin kanina pa "ANO?" tanong ko sa kanya saka umirap. "Yung totoo? Anong meron?" he asked me saka niyugyog ako. I laughed at him at hindi ko rin maipaliwanag ang nangyari. Oo asar na asar ako kay Cloud kasi isnabero siya at ubod ng sungit pero hindi ko pwedeng itanggi na utang ko ang buhay ko sa kanya nung gabing iyon. Aba baka kung hindi siya dumating eh lumulutang na ang maganda at sexy kong katawan sa ilog pasig ngayon nu! "Wala! Ito naman, thankful lang ako kasi buhay pa ako ngayon!" sagot ko sa kanya at napangiti. Ewan ko ba hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi mangiti matapos kong maalala ang huli niyang sinabi sa akin ng gabing iyon, ibig sabihin ba nun concern siya sa akin? Sabi ko na eh! Sabi ko na! Pakipot lang siya at kunwari lang siya na di niya ako type! Kunwari lang siya na galit galitan sa akin pero ang totoo, deds na deds siya sa beauty ko! HAHAHA! "HOY!" hampas sa akin ni Ron ng throw pillow, hinimas ko ang mukha ko na nasapol nun "Wala lang pero para kang baliw na pangiti-ngiti dyan!" "Tingin mo Ron? Type ako ni Cloud di ba?" tanong ko sa kanya saka nangisi "Denial lang siya, ganun naman ang mga lalaki eh, padeny-deny lang, pa mysterious type para habulin ng mga babae!" "Hahabol ka naman!" sagot sa akin ni Ron saka ako tinaasan ng kilay. "Ako? Nasa mukha ko ba ang naghahabol? Nasabi ko lang naman Ron, teka bakit ba parang ang bitter mo?" tanong ko sa kanya, he rolled his eyes on me and I was about to pull his hair ng tumunog ang doorbell namin, nandyan na ang pizza, kaya naman gustong gusto ko sa kanila bumili eh, mabilis na, masarap pa! "Hala, tumayo ka dyan, ikaw magbayad!" utos ko sa kanya saka itinapon sa lap niya ang wallet ko "Panira ka ng gabi eh!" dugtong ko saka siya inirapan. Tumayo siya saka kumuha ng pera, ilang minuto pa ang tinagal niya kaya sinundan ko na siya sa pinto, gusto kong hilahin ang buhok niya dahil nakikipaglandian na pala siya sa delivery boy, kaya pala ang tagal-tagal ng bakla! Naramdaman niyang nakatayo ako sa likod niya kaya naman winakasan na niya ang pagiging haliparot sa harap ng chinitong delivery boy. Nagbigay pa ng tip at kumaway pa, napailing na lang ako. "Amina!" sabi ko saka kinuha ang isang box ng pizza "Ipasok mo yang isa sa loob, antayin mo na lang ako sa entertainment room!" utos ko at sumunod naman siya ng wala ng tanung-tanong. Lumakad ako palabas ng unit. I bit my lower lip saka sinuklay suklay ng kamay ang mahabang buhok. Huminga ako ng malalim saka lakas loob na nag doorbell sa harap ng unit ni Cloud. Ngumiti ako sa harap ng camera, alam kong nasa loob siya. "Alam kong nasa loob ka..." sabi ko saka malapad na ngumiti ulit "Ibibigay ko lang sana itong pizza, pa-thank you ko!" saka ko nilapag iyon sa sahig, sa tapat ng door niya. "S-Sige, bye!" agad rin akong tumalikod at narinig ko ang pagbukas ng pinto niya, napangiti ako pero pinilit kong hindi na lumingon, baka mahiya pa siyang kunin pag tinignan ko siya, baka ma-conscious, alam niyo na! ----- Tanghali na ako nagising, ten AM pa kasi ang una kong subject, kinukusot kusot ko pa ang mata ko ng lumabas ako ng kwarto at dumiretso ng kusina, nagluluto na si Ron at nakakagutom ang amoy, naligo na ako at nagprepare sa pagpasok saka ako bumalik sa dining area, kumain na kami at naligo na rin si Ron agad pagkatapos. Nauna ng lumabas si Ron para i-prepare ang kotse sa baba. Ako na ang nagsara ng unit, inaayos ko ang bag ko ng marinig kong bumukas ang pinto mula sa unit ni Cloud, oo nga pala, classmate kami ngayon sa first subject, ngumiti ako sa kanya, pero tinignan lang niya ako. Hinila niya ang pinto niya pasara at natigilan pa dahil sa nakaharang na box ng pizza na nasa sahig nun. Bigla akong nakaramdam ng inis ng sinipa niya yun sa gilid at tuluyan ng nilock ang unit niya. T-teka? Hindi niya yun kinuha kagabi? I started to walk behind him at sinigawan siya. "HOY! HINDI MO BA ALAM NA MARAMING BATANG NAGUGUTOM? BAKIT MO SINISIPA LANG YUNG PAGKAIN?" huminto siya saka ako nilingon, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "Una, hindi ako humingi ng pizza, pangalawa, bakit kung kinain ko yan, mabubusog sila?" tanong niya kaya muntik ng malaglag ang panga ko sa sahig. Tinalikuran niya ako ulit saka tuluyan ng nilamon ng elevator. Kinuyom ko ang palad ko at feeling ko nag-usok ang ulo ko dahil sa inis. ------ Natapos ang first subject namin ng walang imikan, katabi ko si Cloud pero para akong hangin sa tabi niya. Ano ba ang drama niya? Matapos niyang maging mabait sa akin, ito nanaman siya, umaandar nanaman ang pagiging tagos sa laman loob na pananalita niya! Sumunod na ang mga major subjects ko na major din sa pagpapasakit ng ulo ko. May mga exams kami ni Ron at halos sumuka na ako ng dugo dahil sa hirap, bakit kasi nagpapaexam ang mga professors ng mga tanong na hindi naman nila naituro, sarap bigyan ng bagsak na grade sa evaluation! "AHHH!" sigaw ko ng makalabas na kami ng room ni Ron, inantay ko siyang magpasa kasi nakakahiya naman kung mauuna ako, mahahalata na wala akong halos na maisagot, pudpud na rin ang AC at = ng CASIO FX-991ES PLUS ko! "Sobrang nakakatuyo ng brain cells ang exams!" reklamo ko at tinignan lang ako ni Ron, alam kong mataas ang nakuha niya, scholar yan eh! "Mag-review ka kasi, hindi puro stock knowledge ang papairalin!" sermon niya sa akin at inirapan ko na lang siya, naglakad kami papuntang locker room at doon binalik ang tools namin na ginamit kanina sa laboratory. Nagpaalam ako sa kanya na mag-popowder room muna ako at antayin na lang niya ako sa baba ng building. I did some light retouch para sa light make up ko. I put on some lip balm dahil magmumukha akong anemic kung hindi, nakakainis kasi yung exam kanina, nakakahaggard! Ipinasok ko na ang hairbrush ko sa bag ng biglang may kumalabog sa pinto ng CR, napatingin ako doon at may nakita akong babaeng nakaupo sa sahig. Lalapit na sana ako ng biglang may mga babaeng pumasok din sa loob ng CR. Nanlaki ang mata ko matapos kong makita ang paghila sa buhok nung kawawang babae na naumiiyak na, nakakalat na ang mascara niya sa mukha at para na siyang ni-r**e ng ilang elepante dahil sa ayos niya. "Wag kang makialam dito Del Vega kung ayaw mong madamay!" rinig kong babala ng isang babae, member sila ng isang sorority dito sa school kaya malakas ang loob nilang mag-abuso sa ibang babae na kailangang-kailangan nila. "Hindi ako makikialam!" sagot ko saka lumakad palapit sa kanila "Pero hindi ko rin kayang makitang sinasaktan niyo ang babaeng iyan!" ngumisi ang pinakamataray sa kanila, si Sunny, ang alam ko graduating na siya ngayong taon at siya rin ang head ng samahan nila. "Anong laban mo? Hindi sasapat na mayaman ka lang para kalabanin kami Del Vega!" ngumisi ako saka naglakad palapit sa babae, inalalayan ko siyang makatayo, napatingin siya sa akin habang umiiyak. "Kahit ano pa ang nagawa mong kasalanan, wala silang karapatan na gawin sa iyo ito..." bulong ko sa kanya na lalo niyang ikinaiyak. Napahawak siya sa braso ko na parang humihingi ng lakas. "B-Baka madamay ka pa N-Noreen..." rinig kong sabi niya, kilala niya ako? "Pinili mo yan Del Vega!" rinig kong sabi ni Sunny at biglang may humila sa buhok ko. Nabitawan ko yung babae kaya napaupo ulit siya sa sahig. Ako naman ang tinulak niya at nabangga ako sa wall, walang ibang tao sa hallway kaya walang nakakakita sa amin. "Ano ang pinagmamalaki mo? Huh?" tanong ni Sunny sa akin, sinakal niya ako saka ako tinignan ng mabuti "Alam mo matagal na rin akong nagtitimpi sa iyo eh and you just made a move para magkaroon ng reason para galawin ka namin!" puno ng angas na sabi niya. "Bakit? Insecure kayo sa akin?" lakas loob kong tanong sa kanya "A-AHH!" I groaned ng lalo niyang higpitan ang pagkakasakal sa akin. "T-Tama na, wala siyang kasalanan sa inyo!" pagmamakaawa nung babae na kanina ay sinasaktan nila "Dati wala pero ngayon meron na!" rinig kong sabi ni Sunny saka ako malakas ng sinampal "Wala akong pakialam kung anak ka ng isa sa pinakamayamang tao Del Vega pero sa school na ito, alamin mo ang lugar mo!" nakita ko na sinenyasan niya ang isa sa mga kasama niya saka may inabot sa kanya na parang pamalo. Nanlaki ang mata ko matapos makita iyon, paano sila nakakapasok ng ganyan sa ganitong school? "Taste your prize, Del Vega!" rinig kong sabi niya, pumikit na lang ako sabay takip ng mukha pero nabigla ako ng ilang segundo hindi pa tumatama iyon. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko kung sino ang nakatayo sa tabi ni Sunny habang pigil ang kamay niya sa paghampas sa akin. "C-Cloud..." singhal ko at nakita ko kung paano siya tumitig kay Sunny, napaawang ang bibig ni Sunny at unti unti niyang naibaba ang kamay nito. "Showing you're superior and strong sa mga taong walang kalaban-laban doesn't make you a great person..." seryoso niyang sabi "Umalis na kayo bago ko pa itawag sa Director ng school ang ginagawa ng sorority niyo." banta niya. Nakita ko na napalunok si Sunny at unti-unti ng umatras pero bago yun binigyan niya muna ako ng nakakamatay na tingin. Tinignan ni Cloud yung babae na tinutulungan ko kanina. Inalalayan niyang makatayo iyon saka inabutan ng panyo. "Go the hospital and let them check your wounds..." rinig kong sabi niya, tumango ang babae saka nagpasalamat sa kanya "You don't have to thank me, I was just passing by and I heard you guys." I was rubbing my braso when Cloud looked at me. Masakit iyon dahil sa pagkakatulak nila sa akin, feeling ko magkakapasa pa ako dahil doon. "Hindi sa lahat ng oras magadang magpaka bayani." rinig kong sabi niya sa akin, tinignan ko siya. "Hindi ako nagpapakabayani, I am just doing what is right!" sagot ko saka tinignan ang braso ko. Lumapit siya sa akin at nabigla ako ng ibinaba niya ang cardigan ko ng walang paalam. Lumantad ang bare shoulder ko at parehas kaming natigilan matapos iyon. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. "C-Cloud..." tawag ko saka niya tuluyang ibinaba ang cardigan ko at doon nga lumitaw ang pasa sa braso ko. "Put some ice, it will lessen the bruise..." bulong niya pero rinig na rinig ko. Napalunok ako, hinila ko na pabalik ang sleeve ng cardigan ko, doon na rin siya umiwas ng tingin. "Bakit hindi mo kinain yung pizza?" tanong ko pero hindi siya sumagot "Sana sinabi mo na lang na ayaw mo ng hindi yun nasayang..." may lungkot na pagkakasabi ko. "Hindi ako humingi sa iyo..." sagot niya na malamig ang boses. "Pero kahit na! Ibinigay ko lang naman yun sa iyo para pa-thank you pero hindi mo naman tinanggap!" himutok ko "Bakit ba ganyan ang turing mo sa akin? You're always mean to me!" napatingin siya at kumunot ang noo. "P-Pero, thank you ulit dahil sinagip mo nanaman ako..." "Don't act like a teenager na pinansin ng crush niya after a long time, Noreen!" rinig kong sabi niya, naiangat ko ang tingin ko "You are better than that! You don't have to thank me, hindi kita niligtas dahil gusto ko, nagkataon lang na napadaan ako and I was just doing what I think is right, no big deal!" sabi niya na parang wala lang talaga sa kanya ang lahat saka siya tumalikod at naglakad na palayo sa akin. May kirot akong naramdaman matapos niyang sabihin sa akin na wala lang sa kanya ang lahat at para na rin niyang sinabi na wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Lumunok ako saka kinuyom ang palad. "KUNG WALANG KWENTA SA IYO YUN, SA AKIN MERON!" sigaw ko pero tuloy parin ang lakad niya habang nakabulsa ang dalawang kamay "KAYA KUNG SA GUSTO MO O HINDI, MAGPAPASALAMAT AKO! SUNGIT!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD