Chapter 9
Noreen
Three days had passed at back to normal lang lahat. Lagi kong sinusulyapan si Cloud pero kahit minsan hindi siya natingin sa akin. I looked at Ron at napapailing na lang siya. Tumambay kami sa Tea Shop namin and as usual nag served nanaman si Ron ng Belgian Waffles at Wintermelon Tea na gustong gusto ko! Yes, hindi ako nagsasawa.
"I just can't understand him!" himutok ko matapos iabot sa akin ni Ron ang nabutasan niya ng cup ng milk tea.
"Bakit, sinabi ko bang intindihin mo ako?" napatingin ako kay Ron matapos niyang gayahin ang tono ng pananalita ni Cloud, I pouted saka sinimulang inumin ang binigay niya. "Bessy, aminin mo nga, gusto mo na ba siya?"
Huminga ako ng malalim saka parang nahihirapang tumingin sa kanya "Hindi!" sagot ko saka nagtalumbaba "Hindi ko siya gusto, ang akin lang gusto kong tanggapin niya ang pasasalamat ko eh ayaw ko namang mabaon ng utang na loob sa kanya nu!"
"Totoo ba yan?" tanong niya saka tinignan ako ng mabuti, tinignan niya ako na parang hinuhusgahan ang buo kong pagkatao! Jusme Ron tusukin ko kaya ang mata mo?
"Totoo!" sagot ko saka umiwas ng tingin "Pero bakit kasi lagi na lang niya ako sinusungitan? Nakakainis at nakakainsulto na ah!" himutok ko nanaman saka sumimangot.
Ron laughed at me "Bakla, ano ka ba? Lahat naman sinusungitan niya."
"Well, I agree." pagsang ayon ko.
"Saka bakla, tingin ko kaya kahit anong tease mo sa kanya wala siyang reaction baka kasi di talaga siya interested." Tinignan ko si Ron.
"Ikaw na rin ang may sabi, nakita mo kung paano ang naging reaction niya sa sinabi ni Mia. He clearly loves that woman kaya kahit sino nasa harap niya, wala siyang pake." dagdag pa niya.
Ewan ko, I suddenly felt disheartened after hearing that. It's not that I'm hurt, wala lang, para feeling ko lang nawalan ako ng interest sa sinasabi ni Ron.
"Hindi ka ba natatakot Noreen?" tanong ni Ron sa akin matapos niya akong obserbahan saglit. There was an awkward silence between us. Napatingin ako sa kanya "Hindi ka ba natatakot na baka masaktan ka ulit kung nahulog ka sa kanya?"
Hindi ko siya sinagot agad besides, hindi ko naman talaga alam kung ano ang isasagot sa kanya. I looked away saka saglit na nag isip.
"Diyan ka pa naman marupok, sa mga lalaking feeling mo magliligtas sa iyo." Komento niya.
"I will never give up on love, people hurt me, not love..." sagot ko sa kanya saka ngumiti. "Alam mo Ron, tanggap ko naman na malaki ang possibility na everyone is going to hurt me, I just have to figure out which people are worth the pain, so paano ko siya mahahanap kung agad-agad na lang akong susuko, hindi ba?"
"N-Noreen..."
"I was hurt, yes!" dugtong ko "But that is not the reason para isumpa ko ang pagmamahal, I still want to love and be loved..." saka ko hinawakan ang kamay niya.
"Si Cloud, oo nasa kanya na ang lahat, mayaman, gwapo, matalino pero wala siyang puso, puso para sa akin..." and I chuckled "Kaya wag kang mag-alala, natuto na ako sa pagkakamali ng kahapon, gusto ko this time, magmamahal na ako ng taong mamahalin din ako..."
"Ang drama mo Bessy!" pagbasav niya sa seryosong usapan namin, sino kaya sa amin ang unang nag drama? "Pero masaya ako kasi even though you had a bad experience about it, hindi ka naging bitter!"
"Why should I? Hindi naman lahat tulad ni De-, d-di naman lahat tulad niya! Makakahanap rin ako ng magmamahal ng totoo sa akin nu!" sagot ko saka ngumiti.
Ron patted my shoulder saka namin sinimulang ubusin ang meryenda. We have to go back to school dahil may klase pa kami ng 7pm to 9pm. Nakakabagot kasi another minor subject nanaman yun na puro daldal lang ang alam sa harap!
-----
Isa ko lang papasok sa last subject ko dahil nagkaroon ng biglaang org meeting sila Ron, nag-inarte pa nga ako na wag na siyang sumama kaso hindi talaga pwede, siya kasi ang president ng Honor Student Society, inirapan ko na lang siya at iniwan dun sa room nila!
Bagot na bagot ako sa klase. Paano ba naman ako lang ang nandito at hindi ko naman close lahat ng mga kaklase ko, hindi ko pa gusto ang topic at kulang na lang talaga humilik ako sa harap ng professor namin.
Para akong nabuhayan ng laman matapos kong marinig ang 'dismissed' mula sa prof namin. Agad akong tumayo saka pumasok sa loob ng powder room saka nag suklay at nag-ayos saglit. I cracked my neck both ways kasi nangawit kanina. Hinimas ko rin ang batok ko dahil nakaramdam ako ng p*******t dun, highblood na ba ako?
9 PM na kaya wala ng halos students sa buong campus, fewer guards na lang din ang natitira at yung mga janitors nauna na ring umuwi kaya ako na rin ang nag close ng light sa powder room. Nasa 6th floor ako ng annex building namin at nag-aantay ng elevator ng biglang may dumating na grupo ng mga lalaki. Tingin ko taga engineering department din sila dahil familiar ang mga mukha nila.
"Hi Miss!" bati ng isa sa akin, hindi ko siya pinansin "Sungit!" rinig kong sabi niya at nagtawanan sila "Isa mo lang ba? Hatid na kita, saan unit mo?" tanong niya pa na kinairita ko. I flipped my hair at umayos ng upo ng marinig ko ulit siyang nagsalita "Hmm, bango ah! Miss may boyfriend kana ba?" tanong niya ulit at napahawak na lang ako ng mahigpit sa bag ko.
Ah. Hindi ba sila aware na catcalling is a crime? Daig pa nila ang mga construction workers na sumisipol pag napapadaan ka sa harap nila! Nakakairita!
"Oi! Harapin mo naman kami!" sabi nung isa na biglang hinawakan ang braso ko, I pulled it at naalarma na ako agad.
"ANO BA?" sigaw ko at nagtinginan sila. Ngumisi at hindi ko alam kung anong klaseng ideya ang tumatakbo sa isipan nila.
"Wag kang matakot, harmless kami..." sabi nung isa saka inabot pa ang kamay para makipagkamayan "I'm Jason, gusto-" natigilan lang siya ng may biglang tumayo sa pagitan namin.
"Bakit ngayon ka lang?" nabigla ako at napatitig sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Dahan-dahan niya akong sinulyapan, wala parin akong nakikitang emosyon sa mga mata niya pero biglang nanuyo ang lalamunan ko matapos magtama ang mga mata namin.
"T-Teka pare, girlfriend mo ba siya?" tanong nung Jason at biglang bumukas ang elevator sa tapat namin. I was about to answer Jason's question ng bigla niya akong inakbayan at pinalakad papasok sa loob ng elevator. Papasok na rin sana ang grupo nila Jason ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Wait for the next elevator, ayaw ko ng crowded..." Cloud plainly said saka niya pinindot ang close at naiwan na lang ang mga lalaking iyon doon sa 6th floor. Pagkasara na pagkasara ng elevator tinanggal na niya ang kamay niya sa balikat ko, nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Ano?" tanong ko ng una siyang naglakad palabas ng elevator at ng building namin. Maliwanag na sa freedom park dahil sa mga LED Lights na nakapalibot at yun na lang ang nagsisilbing ilaw para sa mga estudyanteng naglalakad doon sa mga ganitong oras.
"Ano? Hoy CLOUD!" tawag ko saka binilisan ang lakad at tinapatan siya. Nakabulsa ang mga kamay niya habang marahang lumalakad. Nakasuot na rin ang cap niya at nakasabit sa kaliwang balikat ang bagpack. "Sige! Ganyan ka naman eh, ililigtas mo ako tapos bigla na lang iiwan at di papansinin, alam mo ang gulo mo!"
Huminto siya at tinignan ako saka nilabas ang phone at halos iduldol sa mukha ko ang screen, tinulak ko ang kamay niya kasi naduduling na ako
"Ang sama ahh!" angal ko at naningkit ang mga mata niya, hinawakan ko ang kamay niya saka tinignan ang phone. I bit my lip matapos makita ang message ni Tita Elaine sa kanya.
'Cloud, why are you treating Noreen like that? Do you want me to get angry to you? Hindi mo na lang ako naisip, o ang Ate Chloe mo o kahit si Cielo man lang, is that the right way to treat a lady? Ganyan ba ang tinuro ko sa iyo? And mind you Cloud, I never taught you how to waste foods! I want you to go home on Saturday night and we will talk!'
"Hi-Hihihi!" saka ako ngumiti sa kanya, humakbang akong patalikod para dumistansya sa halatang galit na mukha niya.
"Ganyan ka ba talaga? Sumbongera?" at saka ko naalala na dahil sa galit ko nung isang araw dahil sinipa niya yung pizza at di tinanggap ang bigay ko, agad akong nagsumbong kay Tita Elaine, pero I swear to God, pinagsisihan ko yun agad! Bigla rin kasi akong nahiya matapos niyang sabihin na papagalitan niya si Cloud dahil sa mga acts niya!
"I was just angr-"
"Why don't you call Mom right now at sabihin sa kanya na niligtas nanaman kita? Bakit ba lagi mong pinapalabas na lagi kitang inaagrabyado?"
Wow! That was 24 words in a row! Improving si Cloud!
He snapped out of me at lalong naningkit ang mga nanlilisik na mata.
"Totoo naman!" sagot ko at he just shook his head, kinapkapan niya ako sa magkabilang legs ko, I shouted pero hindi siya tumigil "A-Ano ba?" sita ko sa kanya at saka niya kinuha ang bag ko. Doon niya nakita ang phone ko, he grabbed my thumb para i-unlock ang touch ID nun saka nagpunta sa message "T-Teka, what are you going to do?" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko nag type siya doon.
'Cloud is so great! He helped me again today, I am so sorry for making a story to make his image bad Tita...'
Bago ko pa siya napigilang isend iyon, binalik na niya ang phone ko sa bag. "I can't believe you, you're acting like this because you were scolded by your Mom?" nang-aasar kong sabi sa kanya "Para kang bata!"
"I respect my mom more than any woman in this world, Noreen!" sagot niya sa akin at natigilan ako dahil doon "Magalit na ang lahat sa akin, wag lang siya!" napalunok ako at biglang nakaramdam ng pagkapahiya matapos ang sinagot niya sa akin.
"S-Sorry..." hingi ko ng tawad sa kanya saka diretso tumingin sa mga mata niya "H-Hindi ko naman sinasadya na mapagalitan ka, nagalit lang din kasi ako at-"
"Enough!"
"C-Cloud..." he was about to turn his back at me ng hinawakan ko ang braso niya.
"Alam mo naiinis ako sa sarili ko kasi ginagawa ko ito, nagmumukha na akong naghahabol sa iyo eh!" lakas loob kong sabi, bahagya niya akong nilingon pero hindi niya pinigilan ang kamay ko this time na hawakan siya.
"Gusto ko lang naman magpasalamat sa iyo! Gusto ko lang namang sabihin at iparamdam sa iyo na thankful ako kasi sinagip mo ang buhay ko, kung sa iyo wala lang yun sa akin, sa akin meron yun Cloud! Buhay ko kasi yun eh! Gets mo? Buhay ko yun!"
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya at hindi siya hinayaang gumalaw.
"Oo galit ako sa iyo! Oo naiinis ako sa iyo dahil sa ugali mo pagdating sa akin pero, p-pero nawala lahat yun matapos mo akong sagipin, ng ilang u-ulit..." nakatitig ako sa mukha niya kaya nakita ko ang paggalaw ng lalamunan at mga labi niya. "Salamat, k-kasi...kasi hindi mo ako hinayaang mapahamak..."
"Just accept my gratitude Cloud at hayaan mo akong makabawi sa iyo. We may have a cat-and-dog-fight-kind-of-life before pero...p-pero we're in college now and I think we are mature enough para ayusin ang acts natin..."
"It was you who's immature from the beginning..." mahina pero rinig kong sagot niya.
"I k-know and I want to make it right..." sincere kong sagot "I'm sorry for all my wrong doings at paninira words ko sa iyo before and thank you for saving my life even after all those shits!" huminga siya ng malalim saka tinignan ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
I bit my lower lip saka binawi na rin ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko ngayon. Wala ng tao sa paligid namin at mga guards na lang malapit sa gate ang mga nakabantay. "Tungkol sa narinig ko sa mall, don't worry, kay Ron ko lang naman na-share yun!"
"WHAT?"
"Okay, I promised na hindi ko sasabihin sa iba pero Cloud naman, ang hirap kaya ng may kinikimkim!" sagot ko and he shook his head "But I promise, nalimot ko na yun, wag ka ng magalit kasi hindi ko naman sinasadya yun!"
"I can't believe you!" sagot niya saka inayos ang pagkakasabit ng bag sa shoulder at nagsimula ng naglakad. Sumunod ako sa kanya kasi iisa lang naman ang way namin pero nabigla ako ng matigilan siya sa paglalakad. Kahit ako nabigla rin matapos makita kung ano ang dahilan nun.
"M-Mia?" I silently uttered matapos makita si Mia Santillan na nakatayo sa harap namin. Naka-dress siya na white at parang ang sweet sweet niyang tignan dahil dun, dagdag pa ang soft curls niya at flat shoes.
"Cloud!" rinig kong tawag niya , napatingin ako kay Cloud at ngayon ko lang nakita sa mga mata niya ang sari-sari emosyon.
He was so stiff. Nakatingin lang siya kay Mia, his lips were partly opened at parang may kirot akong naramdaman matapos makita sa ekspresyon ng mukha niya na he obviously misses Mia. It was written all his face.
"I was here kasi may shooting kami sa-" natigilan si Mia matapos makita ang paghakbang patalikod ni Cloud.
Kahit ako nabigla. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nais niyang yakapin si Mia at halikan gaya ng ginawa niya nung nasa mall pero ramdam ko rin ang galit niya ngayon.
"C-Cloud..." tawag ko at napatitig lang sa kanya.
Lumunok siya saka yumuko. Naawa ako sa kanya matapos siyang makita sa ganung sitwasyon. Malayo siya sa Cloud na nagsusungit sa akin. Malayo siya sa Cloud na matapang at kaya protektahan ang sarili at ang mga taong nakapalibot sa kanya. Malayo siya sa Cloud na kausap ko kanina!
Mia is his weakness, oo kahinaan niya si Mia at ramdam ko iyon base na pinapakita niyang reaction ngayon.
Gusto ko siyang tulungan. Gusto ko rin siyang sagipin. He loves Mia pero sobrang siyang nasaktan matapos ang huli nilang encounter. Pero ano ang ginagawa niya? Bakit hindi siya lumapit at gawin ang obvious namang gusto niyang gawin? D-Did...Did he already decided to forget about her? S-Sumuko na ba siya sa kanya dahil sa mga masasakit na salita na sinabi sa kanya noon? And then this girl suddenly showed up.
I looked down at nakaramdam ng lungkot. Sana ako rin. Sana ako rin makaramdam ng ganyan, sana maramdaman ko rin na kahinaan ako ng isang tao. Siguro, sobrang sarap sa pakiramdam nun.
"Can I talk to you?" rinig kong sabi ni Mia ng makalapit na siya sa amin. Nakayuko lang si Cloud at hindi makagalaw, he just closed his fists.
Cloud wants to move on pero hindi niya alam kung paano. Cloud wants to move on pero walang gustong tumulong sa kanya. Cloud wants to move on pero nahihirapan siya! Cloud wants to forget pero...p-pero pero hindi niya kaya!
Lumakad ako palapit sa kanya saka hinawakan ang kaliwang kamay niya. Napatingin siya sa akin at ganun din si Mia. I smiled at him saka sinimulan ang paghakbang.
"Let's go?" I sincerely said and to my surprise naglakad siya kasama ko. Naglakad siya habang hawak ang kamay ko. Naglakad siya habang nakatingin sa akin, naglakad siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
Huminga ako ng malalim saka tumingala at ngumiti. Nakahawak parin ang kamay ko sa kanya.
"This is called moving on..." simula ko at alam kong hindi siya sasagot "Don't look back Cloud, you're not going that way!"