Chapter 10
Noreen
Naramdaman ko ang pagkalas ng kamay niya sa kamay ko ng umabot na kami sa tapat ng building namin. I looked at him and partially smiled saka bumitaw na rin. Nakayuko parin siya at tahimik, oo tahimik naman talaga siya pero iba ito ngayon. Tahimik kasi nasaktan siya. Tahimik kasi may dinadamdam siya. Tahimik kasi may malalim siyang iniisip.
"Are you okay?" I asked him kahit alam ko na ang sagot. As usual hindi niya ako kinibo at patuloy parin sa paglalakad.
Umabot kami sa may elevator and luckily dalawa lang kaming sakay nun. Parang ang bagal bagal ng takbo ng oras ngayon. Parang ang isang segundo ay katumbas ng isang minuto. I looked at his reflection on the elevator door. He looks shattered; I can feel na he wants to cry pero alam ko ring hindi niya gagawin yun, atleast not in front of me.
Bumukas ang pinto ng elevator, inantay kong mauna siyang lumabas tulad ng ginagawa niya dati pero hindi siya gumalaw. I left the elevator first at naramdaman kong sumunod naman siya. Gusto ko siyang kausapin, kahit saglit lang. I want to help him right now and I can feel na he needs someone by his side.
"We can talk you know..." sabi ko ng makalakad na kami sa tapat ng unit niya.
He stopped from opening his door. He looked at me saglit saka hinila ang pinto. Huminga ako ng malalim matapos siyang pumasok ng unit niya at iniwang nakabukas ang pinto.
Does that mean na I can go inside and talk to him?
Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko saka sumunod sa kanya. I looked around his pad at napamangha talaga ako kung gaano kalinis at ka organize yun.
White is the dominant color. Ang wall ay pure white kaya sobrang lamig at linis nun sa mata. He tossed his bag on the sofa ng makarating kami sa living room niya. Super spacious for one person just like my place. Yung sofa kulay puti din aside from the furnitures na puro clear ang kulay at babasagin.
Yung place ni Cloud napaka-transparent unlike him, hindi ko in-expect na ganito ang loob nito. Parang walang tinatago, parang walang lihim, parang plain and simple, ah, somehow it resembles him pala.
Nakapasok na ako dati dito but I wasn't able to see it like how I am seeing it right now.
"Who cleans your place?" I asked him matapos siyang sundan sa may kusina. Kumuha siya ng tubig saka uminom.
"I do..." mahina niyang sagot na kinabigla ko.
"IKAW?" bulalas ko "SERYOSO?"
"I don't like seeing other people touching my things..." he plainly said saka kumuha ng sandwich sa fridge at ininit yun sa microwave. I pouted matapos makita na isa lang ang kinuha niya.
Madamot talaga!
Hindi ako masyadong ka aware na ganito siya kalinis pero nasabi na sa akin ni Cielo noon na si Cloud ang nagpapalinis ng kwarto niya kasi laging makalat at magulo, dun din nagsisimula ang pag-aaway nilang magkapatid, sa pagiging burara ni Cielo!
May isa pa siyang kapatid, si Ate Chloe but I've never met her. Hindi ko rin siya kilala personally at mas lalong hindi ko pa siya nakausap, ang alam ko lang siya muna ang gumaganap sa tungkulin ni Cloud hanggang nag-aaral pa ito.
Tumunog ang microwave oven at nilabas niya ang sandwich mula doon, naglabas din siya ng freshmilk saka nilapag sa counter at tumingin sa akin.
"Eat it if you want!" masungit niyang sabi saka ako iniwan doon. Dahan-dahan akong nangiti, eh para sa akin pala yung sandwich?
Kinuha ko yun saka naglakad papunta sa sala niya. Nakaupo lang siya doon at nagbabasa ng libro, grabe nakakabingi ang katahimikan sa loob ng pad niya!
"You can talk to me if you want..." pangungulit ko saka umupo malapit sa tabi niya, hindi siya nagpatinag, pinagpatuloy niya lang ang pagbabasa. "Alam mo Cloud hindi gagaan yang dinadala mo kung hindi mo babawasan, nandito naman ako para makinig sa iyo eh, it's the least thing I can do to make it up to you..."
"Wala akong dapat sabihin..." seryoso niyang sagot
"MERON!" lakas loob kong sabi, kumunot ang noo niya saka tumingin sa akin "HINDI AKO BULAG CLOUD! I SAW HOW YOU WERE HURT AT NASAKTAN DI-...I mean I want to help you, let me help you!" saka ako umiwas ng tingin.
"It's none of your business Noreen, after eating the sandwich you can go, please take your trash with you!"
"Alam mo ang swerte mo nga eh kasi may mga tulad ko na nag-ooffer ng tulong sa iyo!" naiinis ko ng sabi "Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong kala mo kung sino!"
"I don't need your help!"
"YOU DO!" sigaw ko sa kanya and he looked at me "You need me and I know that Cloud!" ibinaba niya ang libro saka tumingin ng diretso sa akin, inilapag ko rin ang sandwich at freshmilk na iniinom ko saka sinalubong ang tingin niya "I know you need me cause I've been there and I know how it feels like..."
"I don't care!"
"Of course you do! Wag ka ngang magpanggap na wala kang pakialam sa mga taong nakapaligid sa iyo! It's not you Cloud!"
"You don't know me!"
"Maybe yes but I can feel you!" nakita ko ang paglunok niya "I can feel you Cloud, just like me, you don't deserved to feel like this. Let me help you..." umupo ako ng maayos at huminga ng malalim. Umiwas siya ng tingin at nakita ko nanaman ang lungkot sa mga mata niya.
Why am I being too persistent? It is because I clearly know how it feels like. The feeling of being hurt, rejected and abandoned. Masakit, mahirap and luckily someone was there for me, yes, si Ron.
And I want to be someone who is there for Cloud too, a-h, or kahit sino man ang may kailangan sa akin. I. I just don't want to see someone suffering from the pain I used to feel too.
"I'm over it!"
"LIAR!" sigaw ko ulit sa kanya "YOU'RE NOT AND LOOK HOW DEVASTATED YOU ARE!"
"THEN WHAT DO YOU WANT ME TO SAY?" nabigla ako ng sinigawan niya ako bigla.
Yes, it's the first time he shouted at me at tumaas ng ganito ang boses. It's the first time na makita ko siyang ganyan and it's the longest time he talked to me. I mean, ito ang pinakamahabang oras na sumasagot siya sa mga tanong ko.
"NA NASASAKTAN KA! NA NAGAGALIT KA! NA NAIINIS KA! GUSTO KONG SABIHIN MO LAHAT NG NARARAMDAMAN MO KASI GUSTO KONG GUMAAN ANG PAKIRAMDAM MO!'
"Get out!" he finally said, natigilan ako.
"C-Cloud, I can help you, just talk to-"
"I said get out!" mas matigas niyang sabi. Kinuha niya ang bag ko saka tinapon sa akin, I looked at him. Bakit ba ako ang nahihirapan para sa kanya? Bakit ba ako ang nasasaktan para sa kanya? Dahil ba nasaktan na rin ako dati tulad ng nangyayari sa kanya ngayon o dahil-
"You're weak!" lakas loob kong sabi "I'm disappointed in you!"
"What?" kunot noo niyang sagot.
"I never thought na ganito ka kahina Cloud!"
"You don't know what you're saying!"
"I do and I hate you for being such a jerk! A coward!"
"I had enough, get out now Noreen!"
"Don't be such a fool Cloud! Never lose yourself while trying to hold on to someone who doesn't care about losing you!"
"G-Get out!" ulit niya ulit habang hindi na makatingin sa akin, huminga ako ng malalim saka kinuyom ang palad at nagsalita ulit.
"And other piece of advice, let go when you're hurting too much, give up when love isn't enough and move on when things aren't like before and it's certain that there's someone out there who will love you even more!"
And I turned my back at him matapos niya akong iwasan ng tingin.
Padabog akong umalis ng pad niya. Halos magiba pa ang unit ko matapos kong padabog na sinara ang pinto at sinalampak ang katawan sa kama. Ano bang meron sa Mia Santillan na iyon? Artista lang naman siya eh pero mas mukha akong artista sa kanya! Maputi siya? Mas maputi ako!
Maganda siya? Mas maganda ako!
"Yes?" sagot ko sa phone ko ng tumunog iyon.
"I'll be home bessy after an hour!" sagot ni Ron sa kabilang linya.
"Daan ka ng food nagugutom ako!" sagot ko saka binaba na ang linya. Nag check na rin ako ng messages ko at nabasa ko ang reply ni Tita Elaine sa ti-next ni Cloud kanina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko matapos mabasa ang reply niya.
'I'm happy to know that Cloud treats you better now compared before, I want to extend my apology about his acts, I hope he can make it up to you, daan ka naman minsan dito sa bahay, I'll cook for you!'
Umupo ako ng maayos saka sinandal ang likod sa headboard ng kama. Para akong pagod na pagod at ang bigat ng pakiramdam. I want to help him pero ayaw niya! Nakakabanas! Tinignan ko ulit ang phone ko saka inabot iyon. I created a message and sent it to Cloud, alam kong hindi siya sasagot pero alam kong mababasa din naman niya iyon.
'Why waste your time getting hurt by someone when there's someone else out there waiting to make you happy?'
Humiga ako ng maayos at ni-rest na rin ang likod kama, I used iMessage at nakita kong nabasa na niya iyon, ewan ko kung bakit pero there's an urge na antayin kong magtype at magreply siya pero five minutes had passed pero wala parin. Ibababa ko na sana ang phone ko ng tumunog iyon.
'Stop blabbering. Matulog kana. 7 AM ang klase mo bukas!'
Ewan ko kung bakit ako napangiti. I cuddled my pillow and typed back.
'Okay, ikaw din :)'