Chapter 11
Noreen
"Hello po!" bati ko kay Tita Elaine ng magkita kami sa 'arTEA Shop' she called me yesterday at nag-aaya lumabas and I accepted her offer. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang royal blue na dress para siyang walang nineteen years old na anak! "I'm sorry po, I'm a bit late Tita, yung class ko kasi medyo nag-extend..." paliwanag ko and she shook her head and smiled at me.
"No worries, I understand..." sagot niya matapos makipagbeso "I love the place!" puri niya sa shop and I giggled.
"Thank you!"
"Business minded ka pala just like your parents..." sabi niya and smiled.
"The money I used here was from my savings actually at may kasosyo naman ako, yung friend ko kaya hindi ganun kabigat..." I humbly said to her and she widens her smile even more.
"So..." she bit her lower lip while entwining her fingers.
"So?" I chuckled matapos ulitin ang sinabi niya.
"I am so happy that you and Cloud are now, you know talking to each other in a normal way!" sabi niya at na-speechless ako. I giggled and pouted saka inabot sa kanya ang milktea na pina-served ko. "You want to come home with me?" she suddenly offered "I'll teach you how to cook!"
-----
"Okay, I get it step aside dear bago pa masunog ang kitchen namin..." pabiro niyang sabi saka pinat ang balikat ko. I scratched my nape saka ngumuso matapos masunog ang muffins na pinagawa niya sa akin, ayun sayang tuloy! "Doon na tayo sa viand, I'll show you how to cook Cloud's favorites!" sabi niya na parang na-eexcite pa.
"Mahilig si Cloud sa mga ginataan, yung may mixture ng spicy and creamy, he loves that!" patuloy na sabi ni Tita Elaine habang nagluluto ng ginataang langka "He loves curry too!" dagdag pa niya.
Wala na akong klase ngayon hapon dahil hindi pumasok ang professor namin that's why I decided to stay sa bahay ni Cloud for a couple of hours, we did some chit-chatting, nakauwi na rin nga si Cielo bago ako nakaalis eh.
Nagpadala si Tita Elaine ng food for us. She packed it sa malalaking tupperwares saka pinadala sa akin. She asked me to bring the half of it kay Cloud at pumayag naman ako.
After he replied to me that night, I guess medyo nag level up na kami. Dumiretso ako sa unit ko at nagbihis agad saka dinala ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain for Cloud. I looked at my wristwatch at malapit ng mag 7:30 kaya nasa loob na rin siya ng unit niya sa tingin ko.
I pressed the doorbell saka humarap sa camera na nasa pinto niya. Alam kong nasa likod na siya nun at napangiti ako ng pinihit niya iyon at pagbuksan ako ng pinto.
"Hey!" bati ko saka marahang inangat ang dala kong paperbag "Got something for you!" I cutely said "Hmm can I go inside?"
Niluwangan niya ang bukas ng pinto saka naunang pumasok sa loob. I was smiling widely ng pumasok ako at ako na rin ang nagsara ng pinto.
I removed my slippers saka sinuot ang white fluffy slippers na nasa gilid matapos niyang ituro sa akin iyon. Sobrang linis ng unit ni Cloud, parang araw-araw pinapalinis, ang kintab kintab ng sahig at ang mga furnitures walang alikabok!
"Where am I going to put these?" tanong ko sa kanya at tinuro niya lang ang direction kung saan ang fridge niya "Hindi ka ba kakain? Your mom told me na dapat kainin mo ito kasi madaling masira!" saka ko trinasfer sa mga bowls niya yung mga food.
"We should eat together!" aya ko saka umikot at tinignan siya. Nakasandal lang siya sa partition wall at naka tingin sa akin habang nakabulsa ang dalawang kamay.
"I don't eat with stupid people..." mayabang niyang sagot but I smiled at him.
"I'm not stupid so you can eat with me!" I happily answered him, bakit ko pa papatulan ang kasungitan niya di ba? Napag-isip isip ko kasi na kung papatulan ko ang kasungitan at pagiging walang puso niya which is partly true lang naman ay mas magiging talo ako! "Where are your plates?"
"You're not stupid so can find it yourself!" sagot niya saka umalis sa harap ko. Dinilaan ko na lang siya saka nag-prepare ng food sa dining table. It took me thirty minutes, malay ko bang nakatago sa loob ng drawers yung plates niya? pati nga spoon and forks!
Pumunta ako sa may sala kung saan siya nanunuod ng news.
"Let's eat!" aya ko pero di niya ako nilingon, naglakad ako palapit sa kanya saka naupo sa tabi niya, he looked at me "Hindi ka ba nanunuod sa sports channel? Anime? Or kahit ibang channel bukod sa news?" sunud-sunod kong tanong.
"I will not gain knowledge from those." he lazily answered me. Tumunog ang phone niya para sa message kaya napatingin din ako doon agad. Nabasa ko kung kaninong galing na message yun matapos mag-appear sa screen "Go first, susunod ako." malalim na boses niyang sabi saka kinuha ang phone at umalis sa tabi ko.
"You'll call her?" I stood up matapos niyang tumayo rin, nakita ko ang paglunok niya "PUSHOVER!" sigaw ko sa kanya and he glared at me.
"What did you say?" he asked saka tinignan ako ng mas masama.
"PUSHOVER!" ulit ko "I-tetext ka lang, tatawagan mo na?"
"S-She might need me..."
"Ikaw pala ang stupid eh, ikaw na nga itong iniwan at sinaktan ikaw pa itong hindi matutu-tuto!"
"It was nothing, baka lang kailangan niya ako at-"
"KAHIT PA!" sigaw ko at natigilan siya "Anong bang meron kay Mia at baliw na baliw ka ng ganyan? She left you! She chose her career over you! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan?" hindi niya ako sinagot "Pag sinagot mo ang text niya or tinawagan pa siya I don't know kung ano pa ang magiging tingin ko sa iyo Cloud, ang tanga-tanga mo!"
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. He tossed his phone on the sofa saka tumingin sa akin.
"Happy?" he asked saka ako tinalikuran "Bilisan mo, gutom na ako!" saka siya naunang lumakad papunta sa dining area.
"HAPPY!" sagot ko saka nakangiti naglakad sa likod niya.
------
It was our breaktime, may two hours break ako, ganun din si Ron but busy siya sa org, ito kasi yung mga panahon kung saan naghahanda sila for some KICK OFF party na never akong umattend. I parked my car saka kinuha ang paperbag na andun, kakagaling ko lang kasi sa isang bakeshop na malapit sa school para bumili ng banana muffins, sabi kasi ni Tita Elaine, Cloud likes it too!
I texted Cloud kung saan siya, he didn't reply pero ng ginala ko ang mata ko sa may freedom park, andun siya sa isa sa mga ilalim ng puno at nakasandal habang nakapikit ang mga mata.
Naglakad ako saka naupo sa tabi niya, walang masyadong tao, mahangin at tama lang ang sikat ng araw kaya nakaka-relax talaga dito sa pwesto niya.
Tinignan ko siya, ang mukha niya. Ang ilong niya na perfect ang pagkakatangos. Ang mga kilay niya na tama lang ang kapal. Ang kutis niya na parang sa isang artista at ang mga labi niya na namumula. Napalunok ako matapos mapatitig doon, how it feels like kaya to be kissed by Cloud?
"Kill your dreams, you can never kiss me!" biglang nag-init ang mukha ko at nanlaki ang mata matapos niyang magsalita. He slowly opened his eyes saka tinignan ako. Hindi ako makagalaw at para akong criminal caught red-handedly.
"ASA!" sagot ko saka hinampas sa dibdib niya yung binili kong muffins. He looked at it saka binuksan ang paperbag "Accept it or die?" banta ko sa kanya and he just looked at me.
"Don't threaten me!" sagot niya saka tumayo, kinuha niya ang bag niya at ang paperbag na binigay ko. I smiled saka naglakad din kasama niya. He was cool in the past days, nung gabi kasi bago ako umalis sa unit niya kinuha ko ang phone niya saka binura lahat ng messages at number ni Mia sa kanya. I even blocked her number sa phone niya and he let me do that!
I even erased all their pictures together at ang saya lang sa pakiramdam nun! He talks to me a little longer na compared before and it feels good too! Kagabi I tried to chat with him and he replied to me the thumbs up icon, well at least he replied di ba? Or napindot niya lang? W-Well at least may reply!
"Are you free tonight?" I asked him "Invite kita meron kasing promo ang shop, daan ka naman!" tinaponan niya ko ng tingin pero hindi man lang ako kinibo.
I pouted at tumigil sa paglalakad when suddenly a freshie went to me and handed me something. "What're these?" tanong ko matapos tanggapin ang paperbag na iyon.
Alam kong freshie siya dahil nakita ko sa ID niya, saka mukha pa siyang totoy! "A-Ahh gifts?" sabi niya saka kinamot ang batok. Nakita ko kung paano siya itulak tulak ng mga kabarkada niya habang namumula sa harap ko.
The bag was full of sweets. Sobrang daming sweets na kung kinain mo lahat sa kamay ng dentist ang abot mo kinabukasan. I smiled at him saka nagpasalamat, tinignan niya ako na parang kumikinang pa ang mga mata and he even opened his mouth matapos ko siyang i pat sa ulo. Yung mga barkada niya nag teased pa sa kanya that made him blushed even more "You're cute!" sabi ko at mas lalong lumakas ang sigawan.
Napatingin ako kay Cloud na huminto rin sa paglalakad. Nagpaalam ako sa mga freshie na nagbigay ng sweets saka sinabayan ulit si Cloud sa paglalakad "Now, you're hitting on a freshie..." he commented and I looked at him.
"Excuse me?" sagot ko sa kanya sabay kunot ng noo "I am not! Siya yung lumapit sa akin at binigay ito, bakit wala namang masama ah!" sabi ko saka kumuha ng isang malaking lollipop mula doon at sinubo ko. "Buti nga sila nagbibigay eh, eh yung iba dyan ang damot damot!" parinig ko pero as usual wala lang sa kanya yun!
"I hate sweets..." rinig kong sabi niya and I stopped licking on my lollipop.
"Why? Ang sarap kaya ng candies..." sagot ko.
"Sweets give you pleasure while you are eating it but when you're through, all can you feel is the pain caused by it..." tinignan ko siya saka nag pout.
"HUGOT?" nang-aasar kong sagot sa kanya "Inggit ka lang kasi marami akong candies!" saka ko siya inirapan.
"Why did you accept that anyway?" tanong niya saka ako hinarap "Do you like the guy?"
"Pag tinanggap like agad? Di ba pwedeng ayaw ko siyang ipahiya at grateful ako dahil may gustong magbigay sa akin?" tinignan ko siya dahil nakakunot nanaman ang noo niya "Why do you care anyway? Bakit nakakunot nanaman ang noo mo? Are you mad kasi tumanggap ako ng regalo? Or you're disappointed dahil naunahan ka ng isang freshie?" I teased him.
He looked at me saka lumapit, he bent down saka nagsalita "I am not mad nor disappointed Noreen, because being mad or disappointed shows care..." he moved his face near me even more "And I don't give even a little f*****g care!"
Napalunok na lang ako saka naisubo ulit ang lollipop na hawak ko matapos niya akong iwan doon at nauna ng maglakad. "Edi sige, sabi mo eh!" sigaw ko.